Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiliping nilalaman/Olimpika 2008

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Template:UnangPahinaArtikulo/Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 - Artikulo ni Delfindakila at AnakngAraw; nominasyon ni -- Felipe Aira 10:08, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

  • Suporta Maayos na maayos ang artikulo, sapat ang sangguni, at malinaw ang pagkakasulat. -- Felipe Aira 10:08, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  • Kumento - Napapanahon. Inaalala ko lamang: marami pang "pula". At isa palang pagtatama: masasabing ang artikulo ay artikulo namin ni DelifinDakila, dahil inumpisahan ko ito ayon sa kaniyang kahilingan sa pahina ng usapan ko. Nagtulungan kami rito bilang mga Wikipedista. Tingnan ang kasaysayan ng pahina. Maaaring piliin bilang "Napapanahong Artikulo". - AnakngAraw 18:28, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  • Dagdag: Gumawa ng bagong suleras para sa "Napapanahong Artikulo". Ilagay ito sa ibabaw ng Napiling Artikulo at Napiling Larawan. Hindi palagiang merong Napapanahong Artikulo pero sa tingin ko dapat mayroon nito para sa mga katulad ng artikulong ihinarap sa itaas. - AnakngAraw 19:04, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  • Hintay - Hintayin munang matapos ang kaganapan na tinutukoy ng artikulo. Maaring pagbabago pa ang magagawa sa artikulo habang papalapit ang kaganapan. Isa sa mga panuntunan ng pagpili sa English Wikipedia ay ang pagiging "stable" ng artikulo, sa panuntunang iyon, lahat ng artikulong tumutukoy sa kasalukuyan o pangyayari sa hinaharap ay babagsak. Isa pa, habang hindi pa umuusad ang kaganapan, maraming bahagi ng artikulo ay speculative kahit ang mga ito ay may pinagmulan. Kaya, hintay muna. --bluemask 10:14, 5 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  • Tutol sa ngayon. Masyadong unstable ang artikulo. Kahit kung komprehensibo ito, dapat ipagliban ito hanggang sa mas mamayang petsa (okay na kapag ninomina ito muli pagkatapos ng isang buwan). --Sky Harbor (usapan) 10:27, 5 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Ano maaari ko na bang ipahayag ang pagkakapili nito? Kung walang tututol pipiliin ko na ito sa susunod na limang araw. -- Felipe Aira 05:46, 30 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Sarado na ang Olympics, at malawak naman ang saklaw ng artikulo, so sang-ayon. Pero, sa pagkakaalam ko, walang salin ang "Olympics" mismo (ang paggamit ng "Olimpiko" bilang "Olympics" ay mali dahil ang kahulugan ng "Olimpiko" ay "Olympic" at ang pinakamalapit na salin dito ay ang "Olimpiyada" o "Olympiad"). Higit sa iyon, dapat nang buuin ang mga kawing naka-pula. --Sky Harbor (usapan) 04:39, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Isa nang napiling artikulo. -- Felipe Aira 10:06, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]