Kim Il-sung

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Walang Hanggang Pangulo ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea

Kim Il-sung
김일성
Kim Il Sung Portrait-4.jpg
Opisyal na Litrato ni Kim Il-Sung
Pangulo ng Hilagang Korea
Nasa puwesto
28 Disyembre 1972 – 8 Hulyo 1994
Unang Pangkalahatang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea
Nasa puwesto
12 Oktubre 1966 – 8 Hulyo 1994
Sinundan niKim Jong-il
Pansariling detalye
Ipinanganak
Kim Sŏng-ju

15 Abril 1912(1912-04-15)
Mangyongdae, Pyongyang, Timog Pyongan, Hilagang Korea (Korea sa ilalim ng pamamahala ng Hapon)
Namatay8 Hulyo 1994(1994-07-08) (edad 82)
Hilagang Pyongan, Hilagang Korea
Dahilan ng pagkamatayAtake sa Puso
Himlayan
Kumsusan Palace of the Sun, Pyongyang, Hilagang Korea
KabansaanKoreano
(Mga) Asawa
  • Kim Jong-suk (k. 1941–49)
  • Kim Song-ae (k. 1952–94)
Mga anak
  • Kim Jong-il
  • Kim Man-il
  • Kim Kyong-hui
  • Kim Kyong-jin
  • Kim Pyong-il
  • Kim Yong-il
Mga magulang
  • Kim Hyong-jik
  • Kang Pan-sok

Si Kim Il-sung (Abril 15 1912Hulyo 8 1994) ay isang komunistang politiko at diktador na nagtatag ng Hilagang Korea at namahala nito simula sa kanyang pagkatatag noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 1994, kung saan sinundan siya ng kanyang anak na si Kim Jong-il. Hinawakan niya ang mga posisyon na Pangulo (1972-1994) at pangkalahatang kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea (1966-1994). Siya ang nagpasimuno ng paglusob sa Timog Korea noong 1950 na siyang naging hudyat ng pagsimula ng Digmaang Koreano.

Mga Unang Taon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Kim noong Abril 15, 1912 sa maliit na nayon ng Mangyungbong (noo'y tinatawag na Namni) na malapit sa Pyongyang. Ang kanyang mga magulang ay sina Kim Hyong-jik at Kang Pan-sok, na nagbigay sa kanya ng pangalang Kim Song-ju. Mayroon din siyang dalawang nakababatang kapatid na Kim Chul-ju at Kim Yong-ju. Galing ang pamilya ni Kim mula sa Jeonju, Hilagang Jeolla.[1][2]

Lumaki si Kim sa pamilya na sumusunod sa Presbyterianismo. Ang kanyang lolo sa ina ay isang Protestanteng ministro, ang kanyang ama ay pumunta sa isang paaralang misyonero, at ang kanyang mga magulang ay aktibo sa pamayanan ng relihiyon. Ang pamilya ni Kim ay sumali sa mga aktibidad na kontra-Hapon at tumakas sila sa Manchuria noong 1920.[3]

Mga Komunista at Gerilyang Aktibidad[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ni Kim ang Down-with-Imperialism Union noong Oktubre 1926. Nag-aral si Kim sa Whasung Military Academy noong 1926 pero umalis siya noong 1927 dahil ayon sa kanya ang mga pamaraan ng pagsasanay dito ay luma na. Pagkatapos nito nag-aral siya sa Jilin Yuwen High School sa Tsina hanggang sa 1930 noong tinanggihan niya ang mga pyudal na tradisyon ng mga nakatatandang Koreano roon at noong nagkaroon siya ng interes sa mga komunistang ideolohiya. Natapos ang kanyang pormal na edukasyon nang arestuhin at ipakulong siya ng mga pulisya dahil sa kanyang mga subersibong gawain.[4][5]

Sumali si Kim sa Partido Komunista ng Tsina at sa iba`t-ibang mga grupong gerilya laban sa Hapon sa hilagang Tsina. Nang naganap ang Pangyayari sa Mukden noong Setyembre 18, 1931, ginamit ito ng mga Hapon upang magpadala ng mga armadong pwersa sa Manchuria at magpatayo ng papet na estado. Dahil dito, naging miyembro si Kim ng Northeast Anti-Japanese United Army noong 1935, isang grupong gerilya na pinamunuan ng Partido Komunista ng Tsina.[6][7]

Litrato ni Kim Il-sung noong 1926.

Noong 1935, pinalitan ni Kim ang kanyang pangalan sa Kim Il-sung na nangangahulugang "Kim Maging ang Araw". Si Kim ay hinirang bilang kumander ng ikaanim na dibisyon noong 1937 kung saan kontrolado niya ang ilang daang mga yunit na nakilala bilang ang "Dibisyon ni Kim Il-sung". Habang pinangangasiwaan niya ang dibisyon na ito, sinalakay niya ang Pochonbo noong Hunyo 4, 1937. Kahit ang nakuha lamang ng dibisyon ni Kim ay ang maliit na bayan na hawak ng Hapon sa loob lamang ng hangganan ng Korea sa loob ng ilang oras, isinasaalang-alang na ito bilang isang tagumpay.[8]

Pagkatapos ng tagumpay na ito nagkaroon si Kim ng katanyagan sa mga Tsinong gerilya at itinuring ng mga Hapon si Kim bilang isa sa mga pinakaepektibo at tanyag na mga pinuno ng gerilya ng Korea, at dahil dito nakilala siya sa mga Hapon bilang ang "Tigre". Ipinadala ng mga Hapon ang "Maeda Unit" upang hulihin siya noong Pebrero 1940. Dahil dito, tumakas si Kim at ng kanyang mga natitirang hukbo sa pamamagitan ng pagtawid sa Ilog ng Amur patungo sa Unyong Sobyet. Ipinadala si Kim ay ipinadala sa isang kampo sa Vyatskoye na malapit sa Khabarovsk, kung saan sinanay sila ulit ng mga Sobyet. Noong Agosto 1942, inatasan si Kim at ng kanyang hukbo sa 88th Separate Rifle Brigade na kabilang sa Pulang Hukbo ng Mga Manggagawa at Mga Magsasaka. Ang naging superyor ni Kim ay si Zhou Baozhong, ang kumander ng brigada. Si Kim ay naging isang Major sa Pulang Hukbo at nagsilbi siya rito hanggang sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[9]

Pagbabalik sa Korea[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagdeklara ng digmaan ang Unyong Sobyet laban sa Hapon noong Agosto 8, 1945, at pumasok ang Pulang Hukbo sa Pyongyang noong Agosto 24, 1945. Inutusan ni Joseph Stalin si Lavrentiy Beria na magrekomenda ng isang komunistang pinuno para sa mga teritoryo na nasakop ng Unyong Sobyet. Inirekomenda ni Beria si Kim kay Stalin. Dumating si Kim sa daungan ng Wonsan noong Setyembre 19, 1945 at noong Disyembre 1945 ginawa si Kim na unang kalihim ng Kawanihan ng Sangay ng Hilagang Korea ng Partido Komunista ng Korea. Upang palakasin ang kanyang kontrol, itinatag ni Kim ang Koreanong Hukbo ng Tao.[2][10][11]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Suh, Dae-sook (1988). Kim Il Sung: The North Korean Leader. New York: Columbia University Press. ISBN 0231065736.
  2. 2.0 2.1 "Soviet Officer Reveals Secrets of Mangyongdae". Daily NK. 2 January 2014. Tinago mula sa orihinal noong 11 February 2014. Nakuha noong 15 April 2014.
  3. Kimjongilia – The Movie – Learn More Naka-arkibo 18 September 2010 sa Wayback Machine.
  4. Smith, Lydia (8 July 2014). "Kim Il-sung Death Anniversary: How the North Korea Founder Created a Cult of Personality". International Business Times UK. Tinago mula sa orihinal noong 6 October 2014. Nakuha noong 1 October 2014.
  5. Sang-Hun, Choe; Lafraniere, Sharon (27 August 2010). "Carter Wins Release of American in North Korea". The New York Times. Tinago mula sa orihinal noong 30 June 2017.
  6. Kim Il-Sung, "Let Us Repudiate the 'Left' Adventurist Line and Follow the Revolutionary Organizational Line" contained in On Juche in Our Revolution (Foreign Languages Publishers: Pyongyang, Korea, 1973)3.
  7. Kim Il-Sung, "On Waging Armed Struggle Against Japanese Imperialism" on 16 December 1931 contained in On Juche in Our Revolution, pp. 17-20.
  8. Bradley K. Martin (2004). Under the Loving Care of the Fatherly Leader: North Korea and the Kim Dynasty. Thomas Dunne Books. ISBN 978-0-312-32322-6.
  9. Fyodor Tertitskiy (4 February 2019). "How an obscure Red Army unit became the cradle of the North Korean elite". NK News. Nakuha noong 1 June 2019.
  10. "Wisdom of Korea". ysfine.com. Tinago mula sa orihinal noong 28 May 2013.
  11. "Defense". Tinago mula sa orihinal noong 6 March 2016.