Pumunta sa nilalaman

Sandata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang espada, isang uri ng sandata na ginamit sa pakikidigma.

Ang sandata ay isang kasangkapan na ginagamit sa paggamit o banta sa paggamit ng puwersa, pangangaso, atake o depensa sa pakikipaglaban, pagsugpo sa kalaban, pagsira ng sandata, pangdepensang istruktura, at kagamitan ng kalaban. Ang sandata ay may kakayahang magiba ng direksiyon o puwersa.[1] Sa pangkalahatan, maaari itong ilarawan bilang ang pinakasimpleng mekanismo na gumagamit ng mekanikal na kahigitan (tinatawag ding kalamangan) para paramihin ang puwersa.[2]

Sa pag-atake, maaring gamitin ang mga sandata na pambanta ng direktang tama o kaya mga bala. Maari ang sandata na kasing simple ng batuta o kaya kasing komplikado ng balistikong misil na interkontinental. Sa metaporikal na pananaw, anumang bagay na kayang puminsala, kahit na sikolohikal, ay matatawag na sandata. Kamakailan lamang, nagkaroon na ng di-nakamamatay na sandata sa mga paramilitar, seguridad at pakikipaglaban na paggamit na nilikha para sa pagsugpo ng mga tao at bawasan ang kolateral na pinsala sa ari-arian at kalikasan.[3]

Isang baril na SIG Pro na semi-awtomikong pistola

Ang mga baril ay uri ng mga sandata na may kakayahang tumira ng bala o punglo. Nakakamatay ito dahil dito lumalabas ang mainit na bala na gawa sa tingga. Dinisenyo ang kagamitang ito upang itulak ang isang panudla gamit ang presyon o puwersang sumasabog.[4][5] Tipikal na solido ang panudla, subalit maari din likidong nakapresyon (halimbawa sa mga kanyong de-tubig/baril de-tubig), o gas (halimbawa, baril na may magaang gas). Maaring malayang lumilipad ang mga solidong panudla (katulad ng sa mga bala at mga punglong pang-artileriya) o nakatali (tulad ng sa mga taser, baril na sibat, at baril na harpon). Tinatawag naman na kanyon ang baril na malaking-kalibre.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Paul, Akshoy; Pijush Roy, Sanchayan Mukherjee (2005). Mechanical Sciences:Engineering Mechanics and Strength of Materials (sa wikang Ingles). Prentice Hall of India. p. 215. ISBN 8120326113. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-04-20. Nakuha noong 2009-03-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Asimov, Isaac (1988). Understanding Physics (sa wikang Ingles). New York: Barnes & Noble. p. 88. ISBN 0880292512.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. pp.115-126, U.S. Congress (sa Ingles)
  4. The Chambers Dictionary, Allied Chambers – 199, pahina 717 (sa Ingles)
  5. Merriam-Webster Dictionary - gun (sa Ingles)