Wonsan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Wŏnsan
원산시
Munisipal na lungsod
Transkripsyong Koreano
 • Chosŏn'gŭl
 • Hancha
 • McCune-Reischauer Wŏnsan-si
 • Revised Romanization Wonsan-si
Tanawin ng Wonsan
Tanawin ng Wonsan
NK-Gangwon-Wonsan.png
Bansa  Hilagang Korea
Lalawigan Lalawigan ng Kangwon (Hilagang Korea)
Itinatag mga 1800
Mga paghahati 45 dong (mga neighborhood), 14 ri (mga nayon)
Lawak
 • Kabuuan 269 km2 (104 sq mi)
Populasyon (2008)[1]
 • Kabuuan 363,127

Ang Wŏnsan (Pagbabaybay sa Koreano: [wʌn.san]) ay isang puwertong lungsod at baseng pandagat na matatagpuan sa Lalawigan ng Kangwŏn, Hilagang Korea, sa silangang gilid ng Tangway ng Korea, sa Dagat ng Hapon (Silangang Dagat). Ito ang panlalawigang kabisera ng Kangwŏn. Binuksan ang pantalan ng mga nananakop na puwersang Hapones noong 1880. Bago ang Digmaang Koreano ng 1950–1953, napunta ito sa pamamahala ng noo'y lalawigan ng Timog Hamgyŏng, at noong digmaan ito ang kinaroroonan ng Paghadlang sa Wŏnsan. Noong senso ng 2008, may populasyon ito na 363,127 katao.[1] May mga panguanhing pagawaan ang lungsod. Taga-Wŏnsan si Kim Ki Nam, diplomatiko at Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.

Ipinahayag noong 2013 na ang Wŏnsan ay gagawing destinasyon sa tag-init na may mga liwaliwan at pook-panlibangan.[2]

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kilala rin ang Wŏnsan bilang Yonghunghang, Yuan-shan (元山) sa Tsina, Genzan o Gensan (Kana: ウォンサン, Kanji: 元山) sa Hapon, at Port Lazareva o Port Lazareff sa Rusya.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga tanawin ng Wŏnsan noong 1898.

Binuksan ang Wŏnsan bilang isang pantalang pangkalakalan noong 1880. Ang orihinal na pangalan nito ay "Wŏnsanjin" (元山津), ngunit kilala rin ito sa pangalang Ruso nito na "Port Lazarev" (o "Lazaref") sa mga panahong iyon. Sa ilalim ng pamumuno ng Hapon (1910–45) tinawag itong "Gensan" (元山). Noong 1914 binuksan ang mga linyang daambakal na P'yŏngwŏn at Kyŏngwŏn na nagdudugtong ng lungsod sa Pyongyang (na kilala noon bilang "Heijo") at Seoul (na kilala noon bilang "Keijo" o "Kyŏngsŏng"). Bunga nito, unti-unting umusbong ang lungsod bilang isang sentro sa silangang Korea ng pamamahagi ng mga produkto. Sa ilalim ng pananakop ng mga Hapones, lubhang industriyalisado ang lungsod at nagsilbing lugar ng pag-aangkat sa pamamahagi ng kalakalan sa pagitan ng Korea at punong-lupaing Hapon.

Pagbomba sa Wŏnsan noong mga 1951.

Pagkaraang sumiklab ang Digmaang Koreano kinuha ito ng mga kawal ng Amerikano at Timog Koreano noong Oktubre 10, 1950 habang patungo sila sa hilaga. Nang lumisan sila sa harap ng ganting salakay ng mga Tsino, napunta ang lungsod sa pamamahala ng mga Tsino noong Disyembre 9, 1950. Binomba at kinanyon ito nang husto ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Pagharang sa Wŏnsan noong Digmaang Koreano.[3] Ayon sa opisyal na kasaysayan ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, nasa ilalim ng patuloy na pagbobomba at pagkubkob ng Amerikanong hukbong dagat ang Wŏnsan mula Marso 1951 hanggang Hulyo 27, 1953, kung kaya ito ang pinakamahabang paglusob (siege) sa makabagong kasaysayang pandagat ng Amerika. Pagsapit ng wakas ng digmaan ang lungsod ay isang malawak na guho.[4]

Mga panlalawigang hangganan[baguhin | baguhin ang batayan]

Wŏnsan noong mga 1960.

Dating matatagpuan ang Wŏnsan sa Timog Hamgyŏng, ngunit nang muling iginuhit ang mga hangganang panlalawigan noong 1946, umanib ito sa hilagang kalahati ng Kangwŏn (na nahati ng ika-38 paralelo sa hilaga noong 1945 sa dalawang bahagi: isang sonang nasa ilalim ng pamamahala ng Sobyet sa hilaga at isang nasa ilalim ng pamamahala ng Amerikano sa timog) at naging kabisera nito, sapagkat ang mga kinagisnang kabisera ng Kangwŏn na Wŏnju (1395–1895) at Ch'unch'ŏn (1896–kasalukuyan) ay kapuwa nasa timog ng ika-38 paralelo at timog ng Military Demarcation Line na pumalit sa ika-38 paralelo bilang isang hangganan noong 1953.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lawak ng Wŏnsan ay 269 kilometro kuwadrado (104 milya kuwadrado). Matatagpuan ito sa lalawigan ng Kangwŏn, sa pinakakanlurang bahagi ng Dagat ng Hapon (Silangang Dagat ng Korea) at sa silangang dulo ng "leeg" ng Tangway ng Korea. Matatagpuan ang Bundok Changdok (Changdok-san) at Bundok Nap'al (Nap'al-san) sa kanluran ng lungsod. Higit sa 20 mga maliit na pulo ang nasa tabi ng pook-dalampasigan ng Wŏnsan, kabilang na ang Pulo ng Hwangt'o at Pulo ang Ryŏ. Itinuturing mahusay na lokasyon para sa likas na pantalan ang Wŏnsan. Matatagpuan malapit sa lungsod ang Kŭmgang-san.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa senso noong 2008, may 363,127 katao ang Wŏnsan,[1] isang pagtaas mula sa tinatayang populasyon na 331,000 noong 2000.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Wŏnsan ay may pagawaan na nag-poproseso ng mga produkto na nabubuhay sa tubig, shipyard, negosyo ng kimika, pagawaan ng semento, gayundin ang 4 June Rolling Stock Works, na isa sa mga pinakamalaking pagawaan ng mga sasakyang daambakal sa Hilagang Korea.[5]

Mga kapatid na lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga karagdagang babasahin[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikivoyage-Logo-v3-icon.svg Gabay panlakbay sa Wonsan mula sa Wikivoyage