Kaesong
Kaesong 개성시 | |
---|---|
개성특급시 | |
Transkripsyong Koreano | |
• Chosŏn'gŭl | 개성특급시 |
• Hanja | 開城特級市 |
• McCune–Reischauer | Kaesŏng-T'ŭkkŭpsi |
• Binagong Romanisasyon | Gaeseong-Teukgeupsi |
Ang lungsod ng Kaesong sa tag-init | |
Palayaw: Songdo (송도/松都) (Korean) "City of Pines " | |
Mapa ng Hilagang Hwanghae na nagpapakita ng kinaroroonan ng Kaesong | |
Mga koordinado: 37°58′N 126°33′E / 37.967°N 126.550°E | |
Bansa | North Korea |
Lalawigan | Hilagang Hwanghae |
Unang tinirhan | mga 700 P.K. |
Mga paghahating pampangasiwaan | 24 dong, 3 ri |
Lawak | |
• Kabuuan | 179.26 km2 (69.21 milya kuwadrado) |
Populasyon (2009) | |
• Kabuuan | 192,578 |
• Kapal | 1,100/km2 (2,800/milya kuwadrado) |
• Wikain | Gyeonggi |
Sona ng oras | UTC+9 (Oras ng Pyongyang) |
Iba pang impormasyon | Humiwalay mula Gyeonggi noong 1951; sumama sa Hilagang Hwanghae noong 2003. |
Ang Kaesong[a] (NK /keɪˈsɒŋ/ kay-SONG,[2] EU /keɪˈsɔːŋ,_ˈkeɪsɔːŋ,_ˈɡeɪsʌŋ/ kay-SAWNG-,_-KAY-sawng,[3][4][5] Korean: [kɛsʌŋ]) ay isang lungsod sa Lalawigan ng Hilagang Hwanghae sa katimugang bahagi ng Hilagang Korea. Dati itong direktang pinamamahala na lungsod at kabisera ng Korea noong kapanahunan ng kaharian ng Taebong at kasunod nitong Dinastiyang Goryeo. Malapit ang lungsod sa Rehiyong Pang-industriya ng Kaesong na malapit sa hangganan ng Timog Korea, at naglalaman ng mga labi ng palasyo ng Manwoldae. Kilala bilang Songdo habang ito ay ang sinaunang kabisera ng Goryeo, lumago ang lungsod bilang sentro ng pangangalakal na yumari ng Koreanong ginseng. Nagsisilbi ngayong pusod magaan na industriya ng DPRK ang Kaesong.
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones mula 1910 hanggang 1945, kilala ang lungsod bilang "Kaijō," ang pagbigkas na Hapones ng pangalan nito.[6] Sa pagitan ng 1945 at 1950, bahagi ng Timog Korea ang Kaesong at nasa ilalim ng kontrol nito. Napunta ang pamamahala ng lungsod sa Hilagang Korea bunsod ng Kasunduang Armistisyo ng Korea noong 1953. Ito lamang ang lungsod na nagbago ng mayhawak nito bilang bunga ng kasunduan sa pansamantalang kapayapaan. Dahil malapit ang lungsod sa hangganan ng South Korea, napiling pagdausan ang Kaesong ng mga palitan ng ekonomiya na cross-border sa pagitan ng dalawang bansa pati na rin sa magkasmang pagpapatakbo ng Rehiyong Pang-industriya ng Kaesong .
Magmula noong 2019, may populasyong 192,578 ang lungsod.[7]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Buhat pa ng panahong Neolitiko ang pinakaunang mga palatandaang arkeolohiko ng pananahan sa lugar ng Kaesong. Nahukay ang mga artipakto tulad ng palayok ng Jeulmun, batong kalakal, at mga batong palayok mula sa Osongsan at Kaesong Nasong, ang kutang may dalawang pader ng Kaesong. Habang sinakop ng iba't ibang mga estado ang Kaesong sa loob ng maraming mga dantaon, magkailang beses na nagbago ang pangalan nito. Ito ay sa lupain ng konpederado ng Mahan, at nakilala bilang Busogap sa panahon ng pamamahala ng Goguryeo. Bago lumipat ang lakas ang Baekje sa timog-kanluran ng Jungnyeong, Mungyeong Saejae, at Look ng Asan noong 475 P.K., naging bahagi nito ang lugar sa loob ng halos 100 taon.
Gayunpaman, ito ay naging teritoryo ng Silla noong 555 P.K., ang ika-16 taon ng paghahari ni Jinheung ng Silla, at sa panahong ito binago ang pangalan nito sa Song'ak-gun. Ayon sa Samguk Sagi, nang itinayo sa sityo ang isang kastilyo noong 694 P.K., ang ikatlong taon ng pamumuno ni Hyoso ng Silla, kinilala ang Kaesong bilang bilang "Song'ak (송악; 松嶽)". Samakatuwid, ipinapalagay na ginamit na ang pangalang Song'ak bago pa ang panahong ito.[8]
Goryeo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang humina ang Silla noong kahulihan ng ika-9 na dantaon, at naganap ang panahon ng naglalabang mga lider-militar. Noong 898 P.K., napunta ang Kaesong sa kamay ni Gung Ye, ang nagtatag ng pansamantalang estado ng Taebong, at kasunod nito naging bahagi ng Goryeo ang lungsod noong 919 P.K. sa pamamagitan ng tagapagtatag nitong si Wang Geon, na naluklok sa trono bilang si Taejo ng Goryeo. Itinatag ni Taejo ang kabisera sa timog ng Song'ak, at isinapi ang Kaesong sa Song'ak sa ilalim ng pangalang "Gaeju". Noong 919 P.K., naging pambansang kabisera ang Kaesong. Noong 960 P.K., ang ika-11 taon ng pamumuno ni Gwangjong ng Goryeo, binago ang pangalan sa Gaegyeong, at noong 995 P.K., ang ika-14 na taon ng paghahari ni Seonjong ng Goryeo, itinaas ang antas ito bilang "Gaesong-bu". Ang Gaeseong-bu ay pinagsamang termino ng Song'ak-gun, at Gaesong-gun, na naiiba sa rehiyon ng Gaesong-ri, Seo-myeon, Kaepung-gun bago ang taong 1945. Noong 1010, ang unang taon ng paghahari ni Hyeonjong ng Goryeo, halos mawasak ng sunog ang palasyo at mga kabahayan sa kasagsagan ng ikalawang salungatan sa Digmaang Goryeo-Khitan, kaya noong 1018, ibinalik sa sistemang "bu" ang Gaesong-bu, at namamahala sa tatlong pinaghiwalay na nagkakaisang hyeon ng Jeongju, Deoksu, at Gangeum.[8]
Sa huling bahagi ng ika-12 dantaon, nagkaroon ng kawalang-katatagan sa kapuwang pamahalaan at kanayunan. Ang isang alipin na nagngangalang Manjǒk (o binaybay bilang Manjeok) (만적; 萬 積) ay nanguna sa isang pangkat ng mga alipin na nagtipon sa labas ng Kaesong noong 1198. Ang binalak na pag-aalsa ay pinigilan ni Choe Chung-heon.[9] Nang ibagsak ni Yi Songgye ang Goryeo noong 1392 at itinatag ang Joseon bilang Taejo ng Joseon, inilipat niya ang kabisera ng Korea sa Hanyang (Seoul ngayon) noong 1394.[8]
Ika-20th siglo hanggang sa kasalukuyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nanatiling bahagi ng Lalawigan ng Gyeonggi ang Kaesong hanggang sa Digmaan ng Korea. Nang nahati ang Korea sa ika-38 paralelo sa hilaga pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasa timog ng linya ang Kaesong (sa loob ng Timog Korea).
Gayunpaman, nagwagi ang Korean People's Army (KPA) sa labanan ng Kaesong-Munsan (KPA) sa mga unang araw ng digmaan. Nakuha muli ng mga puwersa ng UN ang lungsod noong Oktubre 9, 1950 sa panahon ng pagtugis sa KPA kasunod ng matagumpay na paglapag sa Inchon. Nilisan ng mga puwersa ng UN ang lungsod noong Disyembre 16, 1950 sa panahon ng pag-alis sa Ilog Imjin kasunod ng panghihimasok ng People's Volunteer Army ng Tsina sa digmaan. Mananatili ang Kaesong sa ilalim ng kontrol ng mga Tsino/Hilagang Koreano hanggang sa katapusan ng digmaan.[8]
Sinimulan sa Kaesong ang mga negosasyon para sa tigil-putukan noong Hulyo 10, 1951, ngunit inilipat ang mga usapan sa Panmunjom noong Oktubre 25, 1951. Ang Kasunduang Armistika ng Korea na nilagdaan noong Hulyo 27, 1953 ay kumilala sa kontrol ng Hilagang Korea sa lungsod, kung kaya ito ang tanging lungsod na nabago ang kontrol mula Timog Korea bunga ng digmaan. Ang Kaesong kasunod ng digmaan, kasama ang bahagi ng Lalawigan ng Kyonggi na napasailalim sa Hilagang Korea, ay inorganisa bilang "Rehiyon ng Kaesong" (Kaesŏng Chigu; 개성 지구; 開城 地區). Noong 1955, naging isang "Direktang Pinamumunuan na Lungsod" (Kaesŏng Chikhalsi; 개성 직할시; 開城 直轄市) ang Kaesong, at noong 2002, binuo ang Rehiyong Pang-Industriya ng Kaesŏng mula sa isang bahagi ng Kaesong. Noong 2003, ang nalalabing bahagi ng lungsod na hindi kasama ang Rehiyong Pang-industriya ay naging bahagi ng Lalawigan ng Hilagang Hwanghae. Malapit ang Kaesong sa Demilitarized Zone na naghahati sa Hilaga at Timog Korea.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kaesong, na matatagpuan sa gitna ng tangway ng Korea, ay ang pinakatimog na lungsod ng Hilagang Korea. Hinahangganan ito ng mga kondado ng Kaepung, Changpung, Panmun, at Kumchon. Nasa timog lamang ang Pulo ng Kanghwa ng munisipalidad ng Incheon, sa kabilang dako ng isang makitid na bambang. Saklaw nito ang 1,309 km² na lawak, ang distritong urbano ay pinalilibutan ng mga Bundok Songak (Songak-san; 송악산; 松嶽 山) (489 m) at Pongmyong. Ang sentro ng lungsod ay pumapalibot sa mas maliit na Bundok Janam (103 m), kung saang matatagpuan ang kilalang rebulto ni Kim Il Sung ng lungsod.
Sa hilagang bahagi ng Kaesong, ang dulo ng kabundukang Ahobiryŏng ay nagsisilbing pinakahilagang hangganan ng lungsod. Ang kabundukang ito ay binubuo ng mga Bundok Chŏnma (757 metro), Sŏnggŏ, Myoji (764 metro), Suryong (716 metro), Chesŏk (749 metro), Hwajang (558 metro), at Ogwan. Maliban sa mabundok na hilagang-silangang rehiyon, karamihan sa mga lugar ng Kaesong ay binubuo ng mababang mga burol na may taas na mas mababa sa 100 metro.[10]
Dumadaloy ang Ilog Imjin sa kahabaan hilaga-silangang hangganan ng lungsod, at ang Ilog Ryesong (禮成江) (Ryeseong-gang, 례성강; isinalin sa Timog Korea bilang Yeseong-gang / 예성강) ay dumadaloy naman sa kanlurang hangganan hanggang sa bukana ng Ilog Han. Bilang karagdagan sa dalawang ilog, ang mga maliit at malalaking ilog at sapa tulad ng Samich'ŏn, Wŏlamch'ŏn, Chukbaech'ŏn, Kŭmsŏngch'ŏn, at Sach'ŏn ay dumadaloy sa Han. Ang limasan ng ilog sa timog-kanluran ng Kaesong ay may malawak na mga mabanlik o alubyal na kapatagan tulad ng P'ungdŏkbŏl, Singwangbŏl, at Samsŏngbŏl.[10]
Ang heolohiya ay binubuo ng strata na Proterosoiko, Senosoiko, at Paleosoiko, at intrusive na granitong Mesosoiko. Kasama sa mga mapagkukunan sa ilalim ng lupa ang ginto, sink, tanso, fluorspar, batong-apog, granito, at kaolin. Ang lupa ay pangkalahatang binubuo ng kayumanggi na lupang kagubatan habang ang mga lugar na dinadaluyan ng mga Ilog Yesŏng, Imjin, at Han ilog ay binubuo ng lupang mabanlik at maasin. Halos 55% ng Kaesong ay nababalot ng kagubatan (80% ng mga puno ay mga pino), at nakatira sa lugar ang 40 espesye ng mga mammal at 250 ibon.[10]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kaesong ay may kahalumigmigan na klimang kontinental (pag-uuring Köppen ng klima: Dwa), na may maginaw at tuyong mga taglamig, at mainit at mahalumigmig na mga tag-init na may masaganang pag-ulan.
Sa pangkalahatan, ang klima ay mainit-init at katamtaman, na may karaniwan na taunang temperatura na humigit-kumulang 10 ℃. Ang pinalamig na buwan ay Enero, na may karaniwang temperatura na −5.9 ℃, habang ang pinakamainit na buwan ay Agosto, na may karaniwang temperatura na 24.7 ℃. Ang karaniwan na taunang pag-ulan ay umaabot sa 1,300 hanggang 1,400 milimetro. Ang tagal ng panahong di-nagyeyelo ay 180 araw — ang pinakamahaba sa Hilagang Korea.[10]
Datos ng klima para sa Kaesong | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | −1.0 (30.2) |
3.9 (39) |
9.2 (48.6) |
16.4 (61.5) |
22.4 (72.3) |
25.8 (78.4) |
28.4 (83.1) |
29.1 (84.4) |
24.8 (76.6) |
19.5 (67.1) |
11.6 (52.9) |
3.8 (38.8) |
16.2 (61.2) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −5.6 (21.9) |
−1.1 (30) |
4.1 (39.4) |
10.7 (51.3) |
16.8 (62.2) |
21.0 (69.8) |
24.9 (76.8) |
25.3 (77.5) |
20.1 (68.2) |
13.5 (56.3) |
6.5 (43.7) |
−0.4 (31.3) |
11.3 (52.3) |
Katamtamang baba °S (°P) | −10.2 (13.6) |
−6.1 (21) |
−0.9 (30.4) |
5.1 (41.2) |
11.2 (52.2) |
16.2 (61.2) |
21.5 (70.7) |
21.5 (70.7) |
15.4 (59.7) |
7.6 (45.7) |
1.5 (34.7) |
−4.5 (23.9) |
6.5 (43.7) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 14 (0.55) |
16 (0.63) |
48 (1.89) |
83 (3.27) |
79 (3.11) |
103 (4.06) |
420 (16.54) |
279 (10.98) |
142 (5.59) |
46 (1.81) |
46 (1.81) |
29 (1.14) |
1,305 (51.38) |
Sanggunian: Climate-Data.org[11] |
Mga paghahating administratibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang 2002, ang Direktang Pinamamahalaan na Lungsod ng Kaesong ay nahahati sa isang lungsod (Kaesŏng mismo) at tatlong mga kondado: Kondado ng Changpung, Kondado ng Changpung at Panmunjom. Noong 2003, hiniwalay ang P'anmun-gun at bahagi ng Kaesong-si sa Direktang Pinamamahalaan na Lungsod ng Kaesŏng at pinagsama upang mabuo ang Rehiyong Pang-Industriya ng Kaesong. Ang natitirang bahagi ng Kaesŏng ay napunta sa Lalawigan ng Hilagang Hwanghae noong 2002. Ang Kaesong ay kasalukuyang nahahati sa 24 na mga distritong pang-administratibo na kilala bilang Dong, pati na rin ang tatlong nayon ("ri").[12]
- Koryŏ-dong (고려동/高麗洞)
- Haeun-dong (해운동/海雲洞)
- Chanam-dong (자남동/子男洞)
- Kwanhun-dong (관훈동/冠訓洞)
- Manwŏl-dong (만월동/滿月洞)
- Naesŏng-dong (내성동/內城洞)
- Nam'an-dong (남안동/南安洞)
- Nammun-dong (남문동/南門洞)
- Namsan-dong (남산동/南山洞)
- Pangjik-dong (방직동/紡織洞)
- Posŏn-dong (보선동/保善洞)
- Pug'an-dong (북안동/北安洞)
- Pusan-dong (부산동/扶山洞)
- Ryonghŭng-dong (룡흥동/龍興洞)
- Ryongsan-dong (룡산동/龍山洞)
- Song'ak-dong (송악동/松嶽洞)
- Sŏngnam-dong (성남동/城南洞)
- Sŏnjuk-dong (선죽동/善竹洞)
- Sŭngjŏn-dong (승전동/勝戰洞)
- Tonghŭng-dong (동흥동/東興洞)
- Tonghyŏn-dong (동현동/銅峴洞)
- Ŭndŏk-dong (은덕동/恩德洞)
- Ŭnhak-dong (운학동/雲鶴洞)
- Yŏkchŏn-dong (역전동/驛前洞)
- Pak'yŏl-ri (박연리/朴淵里)
- Samgŏ-ri (삼거리/三巨里)
- Tog'am-ri (덕암리/德岩里)
Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
---|---|
Pamantayan | Pangkultura: ii, iii |
Sanggunian | 1278 |
Inscription | 2013 (ika-37 sesyon) |
Lugar | 494.2 ektarya |
Sona ng buffer | 5,222.1 ektarya |
Mga palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa Kaesong ang Unibersidad ng Koryo Songgyungwan (Magaan na Industriya), Komunistang Unibersidad at Kolehiyo ng Sining. Ang Museo ng Koryo na nasa lumang akademyang Konpusyano ng lungsod, ay naglalaman ng maraming mahahalagang mga relikyang sining at pangkultura buhat sa Goryeo (bagamat marami ay mga kopya, at nasa mga taguan o vaults ng Museo ng Kasaysayang Sentral ng Korea sa Pyongyang ang mga orihinal nito).
Bilang dating kabisera ng Goryeo, nasa lugar na ito ang mga puntod ng halos lahat ng mga haring Goryeo, bagamat hindi mapapasukan ang karamihan sa mga ito. Nasa Kaepung-gun sa kanluran ng lungsod ang Puntod ni Haring Wanggon na muling binuo nan husto, at mula sa tagapagtatag ng dinastiya na si Taejo ng Goryeo. Kabilang sa iba pang mga kilalang puntod ay yaong mga puntod nina mga Haring Hyejong ng Goryeo (ang Maharlikang Libingan ng Sollung), Gyeongjong ng Goryeo (Maharlikang Libingan ng Yongrung), Seongjong ng Goryeo (Maharlikang Libingan ng Kangrung), Hyeonjong ng Goryeo (Maharlikang Libingan ng Sollung), Munjong ng Goryeo (Maharlikang Libingan ng Kyongrung), at Gongmin ng Goryeo (Libingan ni Haring Kongmin). Nasa Kaesong din ang dalawang katangi-tanging mga libingang pangmaharlika sa Hilagang Korea na buhat sa panahong Joseon: ang Maharlikang Libingan ng Hurung na mula sa ikalawang hari ng dinastiyang si Jeongjong ng Joseon, at ang Maharlikang Libingan ng Cherung na naglalaman ng mga labi ni Reyna Sinui, asawa ng tagapagtatag ng dinastiyang si Yi Songgye (Taejo ng Joseon). Bagamat mula sa mga kasapi ng pamilyang maharlika ng Joseon, anf dalawang mga huling nabanggit na puntod ay hindi kasali sa pagtatalagang "Mga Maharlikang Libingan ng Dinastiyang Joseon" ng Pandaigdigang Pamanang Pook dahil sa kanilang kinaroroonan sa Hilagang Korea.
Lutuin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sapagkat ang Kaesong ay ang dating kabisera ng Goryeo na may 487 taon ng pamumuno, maunlad nang husto ang kultura sa pagluluto. Madalas na inihahambing ang marangyang estilo ng lutuing Kaesong sa lutuing Seoul at lutuing Jeolla.[13] Nakagisnan noon na tinuring na bahagi ng lutuing Gyeonggi ang lutuing Kaesong, dahil bahagi ng lalawigan ang lungsod bago ang 1950. Subalit nasa pamamahala ngayon ng Hilagang Korea ang Kaesong pagkaraan ng Digmaan ng Korea habang nasa Timog Korea ang Lalawigan ng Gyeonggi. Ilan sa mga putaheng Kaesong ay Bossam kimchi (binalot na kimchi), pyeonsu (hugis-parisukat na pantag-init na mandu),[14] sinseollo (royal casserole), seolleongtang (sabaw na goto), chueotang (sabaw na dalag), joraengi tteokguk (sabaw na rice cake), umegi (tteok na binalutan ng sirup), at gyeongdan (hugis-bola na tteok). Ang Umegi, na tinatawag ding Kaesong juak, ay isang pagkaing pangkapistahan ng Kaesong, at kilala sa malinamnam na estilong may matamis at mamaning lasa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasa ng pinaghalong harinang-kanin at harinang-malagkit sa maligamgam na tubig, paghubog para maging mga bola ang masa na maaaring isang pinyon o jujube, pagprito at paghiran ng sirup sa mga ito.[13][15]
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]May likas na bentaha ang topograpiya, klima, at lupa ng Kaesong para sa sektor ng agrikultura nito. Itinatag ang sistema ng suplay ng tubig na may 18 mga imbakan ng tubig, kabilang na ang Imbakan ng Songdo, na itinayo para sa pagsulong ng agrikultura at humigit-kumulang mga 150 pumping station pati na rin ang maraming mga tipunang tubig na sinaplad. Bumubuo sa 27% ng kabuoang lupa ng lungsod ang lupang sakahan. Pangunahing mga pananim ay palay, mais, soya, trigo, at sebada. Sa mga ito, ang produksiyon ng palay ay bumubuo sa 60% ng kabuoang produksiyon ng mga halamang butil. Pangunahing mga rehiyon ay Kaepung at Panmun na nagyayari ng higit sa 70% ng produksiyon ng palay. Bilang karagdagan, aktibo ang paglilinang ng gulay at prutas kasama ang melokoton, mansanas at persimmon, paghahayupan, at serikultura (o paggawa ng sutla at pag-aalaga ng silkworm). Isang pampook na espesyalidad sa Kaesong ang melokoton (peach), lalo na ang puting melokoton, na bumubuo ng higit sa 25% ng kabuoang produksiyon ng prutas. Ang mga kondado ng Kaepung-gun at Panmun-gun ay kilala rin para sa paglilinang ng de-kalidad ng Koreanong ginseng na tinatawag na "Goryeo Insam."[16]
Ang Kaesŏng ay ang sentro ng magaan na industriya sa bansa. Taglay ng distritong urbano ang isang pabrikang nagpoproseso ng hiyas, pabrikang yumayari ng ginseng, at isang pabrika ng pagbuburda. Mula noong panahon ng Goryeo, naging sentro na ang lungsod ng sining ng mga gawaing-kamay tulad ng kagamitang Goryeo at komersiyo habang ang industriya ng tela ay naging pangunahing negosyo kasama ang paggawa ng mga produktong grocery, pang-araw-araw na pangkalahatang kalakal, at mga produktong ginseng pagkaraan ng paghahati sa ang dalawang estadong Korea. Ang industriya ng pagproseso ng pagkain ay kasunod sa hanay ng negosyong tela, pangunahin ang paggawa ng "jang (rekadong nakabase sa soya), mantika, de-latang pagkain, inuming alkohol, sopdrink at iba pa. Sa lungsod din ginagawa o niyayari ang dagta, timber, mga gawang-kamay na gamit, palayok, sapatos, kagamitang pampaaralan, mga instrumento sa musika, at glass. May mga pabrika ang Kaesong na gumagawa ng mga makinang pang-agrikultura at pagkumpuni ng traktor.
Noong 2002, nakahimpil sa lungsod ang punong tanggapan ng Bangko Sentral ng Hilagang Korea, na may mga sangay rin sa mga county ng Kapung at Panmun.[16]
Ang DPRK at ROK ay magkakasamang nagpapatakbo ng isang hugnayangpang-industriya nsa Rehiyong Pang-industriya ng Kaesong.[17] Itinayo noong 2005, ang hugnayang ito ay nakapagbibigay ng trabaho ng higit sa 53,400 Hilagang Koreano sa higit sa 120 mga pabrikang Timog Koreano ng industriyang tela at iba pang mga industriyang nangangailangan ng ng masinsinang paggawa.[18] Noong unang bahagi ng 2013, humigit-kumulang 887 Timog Koreano ang nagtrabaho sa hugnayang nakalikha ng tinatayang $470 milyong halaga ng mga kalakal noong 2012,[17][18] at nakapagbigay ang hugnayan ng trabaho sa ika-anim na bahagi ng populasyong nagtatrabaho ng Kaesong.[19]
Sa gitna ng mga alitan noong 2013, pansamantalang isinara ang hugnayan. Muli itong isinara noong 2016.
Turismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang pangunahing patutunguhan para sa mga dayuhang bisita sa Hilagang Korea ang Kaesong. Maraming mga sityong buhat sa panahong Goryeo ang matatagpuan sa Kaesong, kabilang amg tarangkahan ng Kaesong Namdaemun, ang Akademyang Konpusyano ng Songgyungwan (Museo ng Koryo sa kasalukuyan), at ang Tulay ng Sonjuk at Pabilyon ng Pyochung. Kasama sa mga hindi gaanong kilalang mga sityo ang Pabilyon ng Kwandok, ang nasirang Palasyo ng Manwoldae buhat sa panahong Goryeo, Templo ng Anhwa, Bulwagang Sungyang, Bulwagang Mokchong, at obserbatoryo ng Kaesong Chomsongdae (개성 첨성대; 開城 瞻星臺). Matatagpuan naman sa kanluran ng lungsod ang mga puntod nina Haring Kongmin at Wanggon; nasa dalawampu't-apat na kilometro hilaga ng lungsod ang Tanggulang Taehungsan, isang mas-maliit na kutang Koguryo na binuo upang maprotektahan ang Pyongyang. Ang kastilyo na ito ay naglalaman ng mga Templo ng Kwanum at Taehung. Ang sikat na mga Talon ng Pakyon ay matatagpuan sa lugar, gayon din ang isang malaki at kamakailang natuklasan na Buddhang inukit sa bato sa Bundok Chonma at buhat pa ng panahong Goryeo. Karamihan sa mga turista patungong Kaesong ay pinadadala sa nakagisnang Kaesong Folk Hotel, na naroroon sa 19 na tradisyonal na mga panloob na bahay na hanok.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sungkyunkwan na nasa isang kilometro hilaga ng Tulay ng Seonjukgyo ay isang nakagisnang uri ng institusyong pang-edukasyon sa Kaesong. Itinatag ito sa neighborhood ng Gukja-dong bilang Gukjagam (국자감; 國子監), noong 992 P.K. sa panahon ng paghahari ni Haring Seongjong ng Goryeo, na nagpa-alab sa Koreanong Konpusyanismo. Pinalit ang pangalan nito sa Gukhak (국학; 國學) noong pamumuno ni Chungnyeol ng Goryeo at tinukoy na Seonggyungwan. Noong 1367, ang ika-16 taon ng pamumuno ni Gongmin ng Goryeo, nagbagong anyo ang estruktura nito. Nagturo roon ang mga iskolar tulad ni Yi Saek at Jeong Mong-ju bilang mga peropesor Noong 1592, ang ika-25 taon ng pamumuno ni Seonjo ng Joseon, muling itinayo ni Kim Yuk ang institusyong sinunog ng mga Imperial Hapon sa kasagsagan ng mga pananakop ng Hapones sa Korea (1592–1598).[8]
Ang kauna-unahang bagong paaralan na lumitaw sa Kaesong ay ang Hanyeong Seowon (한영서원; 韓英書院), o Paaralang Anglo-Koreano na itinatag ni Yun Chi-ho noong 1906, kalakip ng tulong mula sa misyoneryong Amerikano na si Ginoong Wasson, at Ginoong Candler. Nakakuha ito ng pahintulot bilang Mataas na Paaralan ng Songdo mula sa gobernador-general of Korea noong 1917, at pinalawak sa Songdo School Foundation noong 1950 kalakip ng pagkilala sa pagtatag ng Songdo Middle School at Songdo College of Pharmacy. Ang huling nabanggit ay naka-mabag ng 40 nagsipagtapos. Ngunit nang nangyari ang Digmaan ng Korea, lumipat ang pundasyon sa Incheon, at muling tinayo ang kapuwang Paaralang Panggitna ng Songdo at Mataas na Paaralan ng Songdo noong 1953 na umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan.[8]
Magmula noong 2002, may 80 pampublikong mga mababang paaralan sa Kaesong na nakakalat sa bawat isang yunit ng ri (nayon), 60 mga panggitna-mataas na paaralan, 3 mga kolehiyo, at 3 mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng Politika ng Songdo, Unibersidad ng Edukasyon ng Kaesong, at Komunistang Unibersidad ng Kaesong.[20]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakaugay ang Kaesong sa Pyongyang at iba pang mga lungsod sa pamamagitan ng mga lansangan at daambakal. Ang pangunahing estasyong daambakal ay ang Estasyon ng Kaesong, na nasa linyang Pyongbu.
Mga kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagbanggit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ EB (1878), p. 390.
- ↑ "Kaesŏng". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong 7 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kaesong". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 7 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kaesong". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 7 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kaesong". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.drben.net/Koreas_Report/Sources/Korea_Maps/Historic/1945/Map-Japan-Korea-1945-01.html
- ↑ "City population by sex, city and city type". United Nations. 2009. Nakuha noong 2013-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 개성시 開城市 (Kaesong) (sa wikang Koreano). Nate/ Encyclopedia of Korean Culture. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michael J. Seth. A concise history of Korea: from the neolithic period through the nineteenth century. pp. 99–102. Rowman & Littlefield, 2006.
- ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 개성직할시 자연환경 (Nature of Kaesong) (sa wikang Koreano). Nate / Britannica. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Climate: Kaesong - Climate-Data.org". Nakuha noong 5 Nobyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 개성시(開城市) – KAESONGSI. JoongAng Ilbo (sa wikang Koreano).
{{cite web}}
: Cite has empty unknown parameter:|1=
(tulong) - ↑ 13.0 13.1 향토음식 鄕土飮食 [Hyangto eumsik] (sa wikang Koreano). Nate/Encyclopedia of Korean Culture. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 편수 (Pyeonsu) Naka-arkibo 2011-06-10 sa Wayback Machine. (in Korean) Nate / Encyclopedia of Korean Culture
- ↑ 닮은 듯 색다른 매력을 간직한 북한의 음식 문화 (sa wikang Koreano). Korea Knowledge Portal. 2009-06-19. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-10-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 개성직할시 산업과 교통 (Industry and transport of Kaesong) (sa wikang Koreano). Nate / Britannica. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 Choe Sang-Hun (Marso 27, 2013). "North Korea Shuts Last Military Hot Lines to South". nytimes.com. Nakuha noong Marso 27, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 Choe Sang-Hun and Gerry Mullany (Marso 30, 2013). "North Korea Threatens to Close Factory It Runs With South". nytimes.com. Nakuha noong Marso 30, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alastair Gale and Jeyup S. Kwaak (26 Abril 2013). "Seoul to Pull Workers out of North Korea". Wall Street Journal. Nakuha noong 26 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 개성직할시 교육과 문화 (Education and Culture of Kaesong) Naka-arkibo 2011-06-10 sa Wayback Machine. (in Korean) Nate / Britannica
- ↑ "Ciudades Hermanas" [Sister Cities] (sa wikang Kastila). Municipalidad del Cusco. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Agosto 2009. Nakuha noong 23 Setyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Encyclopædia Britannica, 9th ed., Vol. VI, New York: Charles Scribner's Sons, 1878, pp. 390–394
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). ,
Mga karagdagang babasahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gabay panlakbay sa Kaesong mula sa Wikivoyage Padron:Wikinews category
- Gaeseong Industrial District Foundation Foreign Investment Support Center Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.
- German website about the City of Kaesong
- "North Korea opens hidden city to tourists." BBC News. Friday 7 December 2007.
- City profile of Kaesong Naka-arkibo 2016-03-09 sa Wayback Machine.
- Historical Remains in Kaesong picture album Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. at Naenara
- Another picture album Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. at Naenara
- Padron:DMOZ
Sinundan: ' |
Kabisera ng Korea 919–1394 |
Susunod: Hanseong |
Ranggo | Pangalan | Paghahating pampangasiwaan | Pop. | Ranggo | Pangalan | Paghahating pampangasiwaan | Pop. | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pyongyang Hamhung |
1 | Pyongyang | Pyongyang Capital City | 3,255,288 | 11 | Sunchon | Timog Pyongan | 297,317 | Chongjin Nampo |
2 | Hamhung | Hilagang Hamgyong | 768,551 | 12 | Pyongsong | Timog Pyongan | 284,386 | ||
3 | Chongjin | Hilagang Hamgyong | 667,929 | 13 | Haeju | Timog Hwanghae | 273,300 | ||
4 | Nampo | Timog Pyongan | 366,815 | 14 | Kanggye | Chagang | 251,971 | ||
5 | Wonsan | Kangwon | 363,127 | 15 | Anju | Timog Pyongan | 240,117 | ||
6 | Sinuiju | North Pyongan | 359,341 | 16 | Tokchon | Timog Pyonggan | 237,133 | ||
7 | Tanchon | Timog Hamgyong | 345,875 | 17 | Kimchaek | Hilagang Hamgyong | 207,299 | ||
8 | Kaechon | Timog Pyongan | 319,554 | 18 | Rason | Rason Special Economic Zone | 196,954 | ||
9 | Kaesong | Hilagang Hwanghae | 308,440 | 19 | Kusong | Hilagang Pyongan | 196,515 | ||
10 | Sariwon | Hilagang Hwanghae | 307,764 | 20 | Hyesan | Ryanggang | 192,680 |