Ang tanso (tinatawag ding kobre, o tumbaga[8]; Kastila: cobre; Ingles: copper) ay isang elementong kimikal. Mayroon itong atomikong bilang na 29 at may simbolong Cu (mula sa salitang cuprum ng Latin). Kabilang din sa pag-aaring katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong timbang na 63.54, punto ng pagkatunaw na 1,083 °C, punto ng pagkulo 2,595 °C, espesipikong grabidad na 8.96, at balensiyang 1 at 2. Isa itong malambot at madaling mahubog na kulay kapengmetal, at isa ring magandang konduktor ng kuryente. Ginagamit ito sa paggawa ng mga kawad ng kuryente, sa mga tubo ng tubig, at hindi kinakalawang na mga piyesa ng makinarya, partikular na kapag hinalo sa ibang mga metal upang maging bronse.[9]
Karaniwang ginagamit ang tanso bilang konduktor ng kuryente, isang materyal sa paggawa ng mga gusali, at bilang isang bahagi ng maraming mga haluang metal o aloy. Isa rin itong kinakailangang nutriente sa lahat ng mga mataas na halaman at hayop. Sa mga hayop, kasama ang tao, unang-unang matatagpuan ang tanso sa dugo. Sa sapat na dami, malason at nakakamatay ang tanso sa mga organismo.
↑ 3.03.13.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Moret, Marc-Etienne; Zhang, Limei; Peters, Jonas C. (2013). "A Polar Copper–Boron One-Electron σ-Bond". J. Am. Chem. Soc (sa wikang Ingles). 135 (10): 3792–3795. doi:10.1021/ja4006578. PMID23418750.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)