Neon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang neon (Kastila: neon, Ingles: neon) ay isang uri ng gas. Isa itong elementong kimikal na may simbolong Ne at atomikong bilang na 10. Mayroon din itong atomikong timbang na 20.183, punto ng pagkatunaw (MP o melting point) na 248.67 °C, punto ng pagkulo (BP o boiling point) na 245.95 °C, at V na 0.[1] Bagaman isang napakakaraniwang elemento sa uniberso, bihira ito sa mundo. Isa itong hindi magalaw, walang-kulay, at hindi nakikitang gas sa pamantayang mga kalagayan o kundisyon. Nagbibigay ang neon ng kakaiba at natatanging mamula-mula o naranghalang katingkaran kapag dinaanan ng kuryente[1] at kapag ginamit sa tubong Geissler o tubong pangdiskarga at mga lamparang neon (ilawang neon).[2][3] pangkalakalan (commercial) na nakukuha ito mula sa hangin, kung saan natatagpuan ito sa maliliit o bakas na mga bilang. Ginagamit ito para sa mga ilaw ng neon ng lungsod.[1] Nagmula ang salitang neon sa salitang Griyegong nangangahulugang "bago". Natuklasan ito nina William Ramsay (binabaybay ding William Ramsey[1]) at Morris W. Travers noong 1898.[1]

Hindi ito nagkakaroon ng reaksiyon at hindi sumasanib sa iba pang mga elemento,[1] kaya't matatagpuan nag-iisa o nagsasarili lamang. Bagaman may katangiang maging mapula o narangha kapag dinaanan ng kuryente, umiilaw o nagliliwanag rin ito na may iba't ibang mga kulay. Dahil sa kalidad o katangiang ito ng neon, kaya ito ginagamit sa mga karatula.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Gaboy, Luciano L. Neon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Harold P Coyle (2001). Project STAR: The Universe in Your Hands. Kendall Hunt. ISBN 9780787267636.
  3. Kohtaro Kohmoto (1999). "Phosphors for lamps". Sa Shigeo Shionoya and William M. Yen (ed.). Phosphor Handbook. CRC Press. ISBN 9780849375606.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.