Radyo (elemento)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Radium, Radyum, o Radyo (Ingles: Radium) ay isang elementong pangkimika na mayroong atomikong bilang na 88 at sagisag na Ra sa talahanayang peryodiko. Natuklasan ito nina Marie Curie at Pierre Curie na nasa anyo ng klorido ng radyum (radium chloride) noong 1898. Isa itong halos dalisay na puting alkalinang metal na panlupa, subalit kapag nalantad sa oksiheno ay mabilis na nagiging kulay itim. Ang lahat ng mga isotopo ng radyum ay radyoaktibo, at nagniningning ito na mayroong kulay na mapusyaw na bughaw dahil sa pagiging radyoaktibo.

Ginagamit ito sa ilang mga bagay-bagay, katulad ng mga orasang "nagliliwanag" o "nagniningning" (luminoso) kapag madilim, na sa ngayon ay ipinagbabawal na dahil sa nakapagdurulot ang mga ito ng pagkalason sa radyasyon. Ang pagbabawal ay dulot ng isang pagsasampa ng kaso sa korte ng batas ng limang mga babaeng binansagan sa Ingles bilang radium girls ("mga babae ng radyum"), na mga babaeng naghirap o napinsala dahil sa maraming mga kapansanan dahil sa matagal na pagkakadarang o pagkakabilad sa elementong radyum. Sa kabila nito, ang radyum ay maaaring gamitin sa paglulunas ng kanser.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.