Aegukka
애국가 | |
Pambansang awit ng ![]() | |
Liriko | Pak Se-yong, 1946 |
---|---|
Musika | Kim Won-gyun, 1945 |
Ginamit | 1947 |
Ang "Aegukka" (애국가; “Ang Makabayang Awit”) ay ang pambansang awit ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea, o mas kilala bilang Hilagang Korea. Ito ay nilikha noong 1945 bilang isang makabayang awit upang ipagdiwang ang kalayaan ng Korea mula sa Hapon. Ginawa ito bilang pambansang awit ng estado noong 1947.[1]
Itinutukoy ng Ensiklopedya ng Koreanong Kalinangan ang "Aegukka" bilang "awit upang gisingin ang isip upang mahalin ang bansa". Ang "Aegukka" bilang termino ay naiiba sa pambansang awit. Bagama't ang pambansang awit o gukka (“awit ng bansa”) ay isang opisyal na simbolo ng estado, ang aegukka ay tumutukoy sa anumang kanta, opisyal man o hindi, na naglalaman ng makabayang sigasig para sa bansa. Gayunpaman, ang pambansang itinalagang "Aegukka" ang sumasagisag sa bansa.[2][3]
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ginawa ng Probisyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea (1919–1945) sa Shanghai, Tsina ang "Aegukga" (may parehong pangalan na may ibang Romanisasyon) bilang pambansang awit sa tono ng "Auld Lang Syne". Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinanatili ng Timog Korea ang mga salita at inilagay ang mga ito sa bagong tono, habang ginamit ito ng Hilagang Korea noong 1947. Ang liriko ay nilikha ni Pak Se-yong at ang tugtog ay binuo ni Kim Won-gyun. Ang kumpletong bersyon ng awit ay binubuo ng dalawang taludtod. Sa mga opisyal na pagkakataon, kapag ang unang taludtod lamang ang ginanap, kaugalian na ulitin ang huling apat na sukat. Gayunpaman, kapag ang dalawang taludtod ang ginanap, ang huling apat na sukat sa ikalawang taludtod ang inuulit.[4][5][6][7]
Ang "Awit ni Heneral Kim Il-sung" at "Awit ni Heneral Kim Jong-il" ay pumalit bilang tunay na pambansang awit sa loob ng bansa, at ang "Aegukka" ay nakalaan lamang para kumatawan sa Hilagang Korea sa mga pandaigdigang okasyon, kagaya ng pagbisita ng mga dayuhang dignitaryo sa bansa o kapag sumasali ang mga atleta ng bansa sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan. Kung ikukumpara sa ibang mga bansa, ang pambansang awit ng Hilagang Korea ay hindi madalas na ipinapatugtog sa loob ng bansa (maliban sa wakas ng mga palatuntunan sa radyo at telebisyon), kaya hindi alam ng karamihan ng mga Hilagang Koreano ang liriko ng kanta. Natatangi ang Aegukka na awiting makabayan sa Hilagang Korea dahil hindi nito pinupuri ang dinastiyang Kim o ang Partido ng Mga Manggagawa ng Korea, kundi ang buong Korea mismo.[8]
Liriko[baguhin | baguhin ang wikitext]
Chosŏn'gŭl | Romanisasyong McCune–Reischauer | Pagsalin sa Filipino (mala-tulang salin) |
---|---|---|
아침은 빛나라 이 강산 |
Achimeun Bitchnara i Gangsan |
Sumikat ka, liwayway, sa lupaing ito |
Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ https://www.youngpioneertours.com/north-korean-national-anthem/
- ↑ "애국가". Academy of Korean Studies. Nakuha noong 8 October 2013.
- ↑ "애국가[愛國歌]". Doosan Coroporation. Nakuha noong 8 October 2013.
- ↑ Hoare, James E. (13 July 2012). Historical Dictionary of Democratic People's Republic of Korea (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. pa. 273. ISBN 9780810879874. Nakuha noong 10 April 2017.
- ↑ Agency, Central Intelligence (1 January 2015). "KOREA, NORTH". The World Factbook (sa wikang Ingles). Masterlab. ISBN 9788379912131.
- ↑ BlueMarbleNations (27 October 2011). "North Korean National Anthem - "Aegukka" (KO/EN)" – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
- ↑ Military Parade Music (4 September 2015). "Military Music - North Korean National Anthem - "Aegukka"" – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
- ↑ Lankov, Andrei (24 April 2007). North of the DMZ: Essays on Daily Life in North Korea. McFarland. pa. 38. ISBN 978-0-7864-5141-8. Nakuha noong 31 August 2016.