Auld Lang Syne
Ang "Auld Lang Syne" (Eskoses na pagbigkas [ˈɔːld lɑŋˈsəin]: tandaang "s" sa halip na "z")[1] ay isang tulang Eskoses na isinulat ni Robert Burns noong 1788[2] at itinakda sa himig ng isang tradisyunal na awiting-bayang Roud #6294). Kilalang-kilala ito sa maraming mga bansang nagsasalita ng Ingles at iba pang mga bansa, at kadalasang inaawit upang ipagdiwang ang simula ng Bagong Taon sa pagtuntong ng hating-gabi. Sa pagdurugtong, ang paggamit nito ay naging pangkaraniwan din sa mga paglilibing, mga pagtatapos sa paaralan, at bilang isang pamamaalam o pagwawakas ng ibang mga okasyon.
Ang pamagat na Eskoses ng awitin ay maaaring isalinwika sa Tagalog bilang "magmula pa noong", o mas idyomatikong "matagal nang panahon ang nakalilipas",[3] "mga araw na nagdaan" o "mga kapanahunang nauna". Bilang resulta ang "For (para sa) auld lang syne", ayon sa pagkakalitaw sa unang linya o guhit ng koro, ito ay maluwag na maisasalinwika bilang "para sa (kapakanan ng) [na]unang mga panahon".
Ang pariralang "Auld Lang Syne" ay ginamit din sa kahalitintulad na mga tula nina Robert Ayton (1570–1638), Allan Ramsay (1686–1757), at James Watson (1711) pati na sa mas matatandang mga awiting-bayan na nauna pa sa panahon ni Burns.[4] Ginamit ni Matthew Fitt ang pariralang "In the days of auld lang syne" ("Noong mga araw ng naunang mga panahon") bilang katumbas ng "Noong unang panahon..." sa kanyang muling pagsasalaysay ng mga kuwentong bibit sa wikang Eskoses.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Paghahanap par sa "lang syne" sa Websayt ng Talahaluganan ng wikang Eskoses Naka-arkibo 2008-02-20 sa Wayback Machine.
- ↑ http://www.bbc.co.uk/robertburns/works/auld_lang_syne/
- ↑ Batay sa salinwika sa Ingles mula sa Burns, Robert (1947) [[[Transcribed]] 1788]. George Frederick Maine (pat.). Songs from Robert Burns 1759–1796 (leather-bound sextodecimo). Collins Greetings Booklets (sa wikang Ingles at Eskoses). Glasgow: Collins Clear-Type Press. pp. 47–48.
Ang aklat na ito ay nabili sa Burns Cottage, at muling nalimbag noong 1967, at 1973
{{cite book}}
:|format=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link) - ↑ "nls.uk". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-10. Nakuha noong 2010-12-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika, Panitikan at Eskosya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.