Bagong Taon
Itsura
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Nobyembre 2009) |
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong mga pagdiriwang ng Bagong Taon ang lahat ng mga kultura na sinusukat ang taonang mga kalendaryo.
Mga kasalukuyang pagdiriwang ng bagong taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tingnan: Araw ng Bagong Taon
Ang mga pinakakaraniwang pagdiriwang ay:
- Enero 1 : ang unang araw ng Kalendaryong Gregoryano at ipinagdiriwang ng mga bansang gumagamit nito.
- Ang Rosh haShana (Ebreo para sa 'puno ng taon') ay isang pagdiriwang na nangyayari 163 mga araw pagkatapos ng Paskwa (Tingnan ang Kalendaryong Ebreo).
- Nangyayari ang Bagong Taon ng mga Intsik bawat taon sa isang bagong buwan sa panahon ng taglamig. Pumapatak ito sa Kalendaryong Gregoryano sa pagitan ng Enero 21 at Pebrero 21. Dahil astronomikal na tinatakda ang Kalendaryong Tsino, hindi tulad ng Kalendaryong Gregoryano, magbabago ang sakop sa pagpapalit ng panahon. Sinisimbolo ng bawat taon ng isa sa mga 12 hayop at isa sa mga limang elemento, na umiikot ang kombinasyon ng mga hayop at mga elemento sa loob ng 60 mga taon. Marahil ito ang pinakamahalagang pistang Tsino.
- Ang Bagong Taon ng mga taga-Vietnam ay ang Têt Nguyen Dan. Ipinagdiriwang ito sa kaparehong araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.
- Sa Kalendaryong Bahá'í, nagaganap ang bagong taon sa vernal equinox sa Marso 21, at tinatawag na Naw-Rúz.
- Ang Bagong Taon ng Telugu ay kadalasang pumapatak sa pagitan ng Marso at Abril. Ipinagdiriwang ng mga tao sa Andhra Pradesh, Indiya ang araw na ito sa Kalendaryong Hindu.
- Ipinagdiriwang ang Bagong Taon ng mga Thai mula Abril 13 hanggang Abril 15 sa pamamagitan ng paghahagis ng tubig.
- Ang Bagong Taon sa Cambodia ay ipinagdiriwang mula Abril 13 hanggang Abril 15.
- Ang Bagong Taong Bengali na Poila Baisakh ay ipinagdiriwang tuwing Abril 4 o Abril 15 sa Bangladesh at Kanlurang Bengal.
- Ang Bagong Taon sa Ethiopia na Enkutatash, ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre 11.
- Ang ilang mga bagong-pagano ang nagdiriwang ng Samhain bilang isang araw ng bagong taon na kinakatawan ang bagong pag-ikot ng Gulong ng Taon, bagaman hindi sila gumagamit ng ibang kalendaryo na nagsisimula sa araw na ito.
- Ipinagdiriwang ng mga Sunni Muslim ang Bagong Taon sa 1 Muharram. Dahil nakabatay ang Kalendaryong Muslim sa mga 12 buwang lunar na 354 mga araw sa kabuuan.
- Tinatawag na Norouz ang Bagong Taon sa Iran na ipinagdiriwang sa tumpak na sandali ng vernal equinox, naghuhudyat ng simula ng tagsibol.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya tungkol sa New year celebrations ang Wikimedia Commons.