Pumunta sa nilalaman

Hinduismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hindu)
Isang artikulong nauugnay sa
Hinduismo

Ang Hinduismo ay isang nananaig na relihiyon[1][2] ng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo, Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyong mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga paniniwala.[3]

Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba't ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag.[4] Kabilang sa mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong Bakal at sa gayon, ang Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na relihiyon"[5] sa mundo.[1][6][7][8]

Ang isang klasipikasyong ortodokso ng mga tekstong Hindu ay hatiin sa mga tekstong Śruti ("nahayag") at Smriti ("naalala"). Ang mga tekstong ito ay tumatalakay sa teolohiyang Hindu, pilosopiyang Hindu, mitolohiyang Hindu, mga ritwal, mga templong Hindu at iba pa. Ang mga pangunahing kasulatang relihiyoso ng Hindu ay kinabibilangan ng mga Veda, Upanishad, Purāṇas, Mahābhārata, Rāmāyaṇa, Bhagavad Gītā at Āgamas.

Ang Hinduismo na may mga isang bilyong mga tagasunod ang ikatlong pinakamalaking relihiyon sa buong mundo pagkatapos ng Kristiyanismo at Islam.

Ang pinakamaagang ebidensiya ng prehistorikong relihiyon sa India ay mula pa noong huling Neolitiko sa panahong maagang Harappan (5500 BCE –2600 BCE).[9][10] Ang mga paniniwala at mga kasanayan ng panahong bago-ang-klasiko (1500 BCE - 500 BCE) ay tinatawag na historikal na relihiyong Vediko". Ang relihiyong Vediko ay nagpapakita ng impluwensiya mula sa relihiyong Proto-Indo-Europeo.[11][12][13][14] Ang pinakamatandang Veda ang Rigveda na may petsang 1700 BCE –1100 BCE.[15] Ang mga Veda ay nakasentro sa pagsamba ng mga diyos gaya nina Indra, Varuna at Agni at sa ritwal na Soma ritual. Ang mga handog na apoy na tinatawag na yajña ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-awit ng mga mantra na Vediko ngunit walang mga templo o idolong alam.[16][17]

Ang ika-9 at ika-8 siglo BCE ay nakasaksi ng pagkakalikha ng mga pinakamaagang Upanishad.[18]:183 Ang mga Upanishad ay bumubuo ng teoretikal na basehan ng klasikong Hinduismo at kilala bilang Vedanta (konklusyong Veda).[19] Ang mas matandang mga Upanishad ay naglunsad ng mga pag-ate sa papalaking kasidhian ng mga ritwal.[20] Ang mga iba ibang spekulasyong monistiko ng mga Upanishad ay sinintesis sa isang balangkas ng teistiko ng sagradong kasulatang Hindu na Bhagavad Gita.[21]

Ang pangunahing mga epikong Sanskrit na Ramayana at Mahabharata ay tinipon sa isang tumagal na panahon noong mga huling siglong BCE at mga maagang siglong CE.[22] Ang mga ito ay naglalaman ng mga kuwentong mitolohika tungkol sa mga pinuno at mga digmaan sa sinaunang India at pinasukan ng mga tratadong relihiyosong at pilosopikal. Ang mga kalaunang Purana ay nagsasalaysay ng mga kuwento tungkol sa mga deva at mga devi at kanilang mga pakikisalamuha sa mga tao at kanilang mga pakikidigma laban sa rakshasa.

Ang papalaking urbanisasyon ng India noong ika-7 at ika-6 siglo BCE ay humantong sa paglitaw ng mga bagong kilusang asetiko o sharmana na humanon sa ortodoksiya ng mga ritwal.[23] Si Mahavira (c. 549 BCE –477 BCE) na tagapagtaguyod ng Jainismo at si Buddha (c. 563 BCE - 83 BCE) na tagapagtatag ng Budismo ang mga prominenteng ikono ng kilusang ito.[18]:184 Ang Shramana ay nagpalitaw ng konsepto ng siklo ng kapanganakan at kamatayan, ang konsepto ng samsara at konsepto ng kalayaan.[24] Sina Radhakrishnan, Oldenberg at Neumann ay naniniwalang ang kanon na Budista ay naimpluwensiyahan ng mga Upanishad.[25]

Sa mga maagang siglo ng CE, ang ilang mga eskwela ng pilosopiyang Hindu ay pormal na kinodigo kabilang ang Samkhya, Yoga, Nyaya, Vaisheshika, Purva-Mimamsa and Vedanta.[26] Ang panahon sa pagitan ng ika-5 at ika-9 na siglo CE ay isang panahong makinang sa pagunlad ng pilosopiyang India dahil ang mga pilosopiyang Hindu at Budista ay yumabong ng magkatabi.[27] Sa mga magkakaibang eskwelang ito ng kaisipan, ang hindu-dualistikong Advaita Vedanta ang umahon na bilang pinakaimpluwensiya at pinakanananaig na eskwela ng pilosopiya.[28][29] Ang Charvaka na ateistikong materyalistikong eskwela ay nakilala sa Hilagang India bago ang ika-8 siglo CE.[30]

Ang kulturang Sanskritiko ay bumagsak pagkatapos ng wakas ng panahong Gupta. Ang maagang mga mediebal na Purana ay tumulong na magtatag ng isang nanaig na relihiyoso sa mga bago ang literasiya mga lipunang pang-tribo na sumasailalim sa akulturasyon. Ang mga doktrina ng Brahmanikong Hinduismo at ng mga Dharmashastra ay sumailalim sa isang radikal na transpormasyon sa mga kamay ng mga kompositor na Purana na humantong sa paglitaw ng isang Hinduismo na nanaig sa lahat ng mga mas maagang tradisyon.[31] Sa ikawalong siglong mga palibot na maharalika, si Buddha ay sinimulang palitan ng mga diyos na Hindu sa pujas.[32] Ito rin ang parehong panahon na si Buddha ay ginawang isang avatar ni Vishnu.[33]

Bagaman ang Islam ay dumating sa India noong maagang ika-7 siglo CE sa pagdating ng mga mangangalakal na Arabo at pananakop ng Sindha, ito ay naging isang pangunahing relihiyong noong kalaunang pananakop na Muslim ng subkontinenteng Indiano.[34] Sa panahong ito, ang Budismo ay mabilis na bumagsak at maraming mga Hindu ang sapilitang inakay sa Islam.[35][36][37] Ang maraming mga pinunong Muslim o mga heneral nito ng hukbo gaya nina Aurangzeb at Malik Kafur ay wumasak sa mga templong Hindu[38][39][40] at umusig sa mga hindi-Muslim. Gayunpaman, ang ilan gaya ni Akbar ay mas pumapayag sa ibang relihiyon. Ang ika-17 siglong Hindung Imperyong Maratha n India ang itinuturing na nagwasak ng Islamikong pamumunong Mughal sa India.[41] Sa karagdagan, ang mga Maratha ang itinuturing na mga tagapagtaguyod ng Hinduismo.[42] Ang Hinduismo ay sumailalim sa mga malalalim na pagbabago sanhi ng impluwensiya ng mga kilalang gurong sina Ramanuja, Madhva, at Chaitanya.[34] Ang mga alagad ng kilusang Bhakti ay lumayo mula sa mga abstraktong konsepto Brahman na pinagsama ng pilosopong si Adi Shankara mga ilang siglo bago nito na may kasigasigan debosyon tungo sa mas malalapitang mga Avatar lalo na sina Krishna at Rama.[43]

Maaari ring tignan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Merriam-Webster's Collegiate Encyclopedia, Merriam-Webster, 2000, p. 751{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hinduism is variously defined as a "religion", "set of religious beliefs and practices", "religious tradition" etc. For a discussion on the topic, see: "Establishing the boundaries" in Gavin Flood (2003), pp. 1-17. René Guénon in his Introduction to the Study of the Hindu Doctrines (1921 ed.), Sophia Perennis, ISBN 0-900588-74-8, proposes a definition of the term "religion" and a discussion of its relevance (or lack of) to Hindu doctrines (part II, chapter 4, p. 58).
  3. Georgis, Faris (2010). Alone in Unity: Torments of an Iraqi God-Seeker in North America. Dorrance Publishing. p. 62. ISBN 1-4349-0951-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Osborne 2005, p. 9
  5. D. S. Sarma, Kenneth W. Morgan, The Religion of the Hindus, 1953
  6. Laderman, Gary (2003), Religion and American Cultures: An Encyclopedia of Traditions, Diversity, and Popular Expressions, Santa Barbara, Calif: ABC-CLIO, p. 119, ISBN 1-57607-238-X, world's oldest living civilization and religion{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Turner, Jeffrey S. (1996), Encyclopedia of relationships across the lifespan, Westport, Conn: Greenwood Press, p. 359, ISBN 0-313-29576-X, It is also recognized as the oldest major religion in the world{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Klostermaier 1994, p. 1
  9. Nikhilananda 1990, pp. 3–8
  10. "Hindu History" The BBC names a bath and phallic symbols of the Harappan civilization as features of the "Prehistoric religion (3000–1000 BCE)".
  11. Invasion of the Genes Genetic Heritage of India, p. 184, by B. S. Ahloowalia, Strategic Book Publishing, 30 Oktubre 2009. "Elements of Vedic religion go back to Proto-Indo-European times."
  12. Indo-European sacred space: Vedic and Roman cult, p. 242, by Roger D. Woodard, University of Illinois Press, 25 Setyembre 2006. "Vedic and Roman religious practice both continue a Proto-Indo-European doctrine and cultic use of dual sacred spaces"
  13. The Wiley-Blackwell Companion to Religion and Social Justice, p. 18, by Michael D. Palmer and Stanley M. Burgess, John Wiley & Sons, 3 Abril 2012. "The Vedas are a collection of religious texts brought to India by the Indo-European peoples, various tribes that moved into India perhaps from about 2000 BCE onwards."
  14. Hindu History "...the language of vedic culture was vedic Sanskrit, which is related to other languages in the Indo-European language group. This suggests that Indo-European speakers had a common linguistic origin known by scholars as Proto-Indo-European."
  15. T. Oberlies (Die Religion des Rgveda, Vienna 1998. p. 158) based on 'cumulative evidence' sets wide range of 1700–1100.
  16. Singh, Upinder (2008), A History of Ancient and Early Medieval India: From the Stone Age to the 12th Century, Pearson Education India, p. 195, ISBN 978-81-317-1120-0{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Brockington, JL (1984), The Sacred Thread: Hinduism in its Continuity and Diversity, Edinburgh University Press, p. 7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 Neusner, Jacob (2009), World Religions in America: An Introduction, Westminster John Knox Press, ISBN 978-0-664-23320-4{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Melton, J. Gordon; Baumann, Martin (2010), Religions of the World, Second Edition: A Comprehensive Encyclopedia of Beliefs and Practices, ABC-CLIO, p. 1324, ISBN 978-1-59884-204-3{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Mahadevan, T. M. P (1956), Sarvepalli Radhakrishnan (pat.), History of Philosophy Eastern and Western, George Allen & Unwin Ltd, p. 57{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Fowler, Jeaneane D. (1 Pebrero 2012). The Bhagavad Gita: A Text and Commentary for Students. Sussex Academic Press. pp. xxii–xxiii. ISBN 978-1-84519-346-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  22. "Itihasas". ReligionFacts. Nakuha noong 1 Oktubre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Flood, Gavin D. (1996), An Introduction to Hinduism, Cambridge University Press, p. 82, ISBN 978-0-521-43878-0{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Flood, Gavin. Olivelle, Patrick. 2003. The Blackwell Companion to Hinduism. Malden: Blackwell. pg. 273-4. "The second half of the first millennium BCE was the period that created many of the ideological and institutional elements that characterize later Indian religions. The renouncer tradition played a central role during this formative period of Indian religious history....Some of the fundamental values and beliefs that we generally associate with Indian religions in general and Hinduism in particular were in part the creation of the renouncer tradition. These include the two pillars of Indian theologies: samsara - the belief that life in this world is one of suffering and subject to repeated deaths and births (rebirth); moksa/nirvana - the goal of human existence....."
  25. Pratt, James Bissett (1996), The Pilgrimage of Buddhism and a Buddhist Pilgrimage, Asian Educational Services, p. 90, ISBN 978-81-206-1196-2{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Radhakrishnan & Moore 1967, p. xviii–xxi.
  27. Sharma, Peri Sarveswara (1980). Anthology of Kumārilabhaṭṭa's Works. Delhi, Motilal Banarsidass. p. 5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Consciousness in Advaita Vedānta ," By William M. Indich, Motilal Banarsidass Publishers, 1995, ISBN 81-208-1251-4.
  29. "Gandhi And Mahayana Buddhism". Class.uidaho.edu. Nakuha noong 2011-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Bhattacharya, Ramkrishna (15 Disyembre 2011). Studies on the Carvaka/Lokayata. Anthem Press. p. 65. ISBN 978-0-85728-433-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Vijay Nath, From 'Brahmanism' to 'Hinduism': Negotiating the Myth of the Great Tradition, Social Scientist 2001, pp. 19-50.
  32. Inden, Ronald. "Ritual, Authority, And Cycle Time in Hindu Kingship." In JF Richards, ed., Kingship and Authority in South Asia. New Delhi: Oxford University Press, 1998, p.67, 55"before the eighth century, the Buddha was accorded the position of universal deity and ceremonies by which a king attained to imperial status were elaborate donative ceremonies entailing gifts to Buddhist monks and the installation of a symbolic Buddha in a stupa....This pattern changed in the eighth century. The Buddha was replaced as the supreme, imperial deity by one of the Hindu gods (except under the Palas of eastern India, the Buddha's homeland)...Previously the Buddha had been accorded imperial-style worship (puja). Now as one of the Hindu gods replaced the Buddha at the imperial centre and pinnacle of the cosmo-political system, the image or symbol of the Hindu god comes to be housed in a monumental temple and given increasingly elaborate imperial-style puja worship."
  33. Holt, John. The Buddhist Visnu. Columbia University Press, 2004, p.12,15 "The replacement of the Buddha as the "cosmic person" within the mythic ideology of Indian kingship, as we shall see shortly, occurred at about the same time the Buddha was incorporated and subordinated within the Brahmanical cult of Visnu."
  34. 34.0 34.1 Basham 1999
  35. Goel, Sita (1993), Tipu Sultan: villain or hero? : an anthology, Voice of India, p. 38, ISBN 978-81-85990-08-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Sharma, Hari (1991), The real Tipu: a brief history of Tipu Sultan, Rishi publications, p. 112{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Purushottam (1990), Must India go Islamic?, P.S. Yog{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Aurangzeb: Religious Policies". Manas Group, UCLA. Nakuha noong 2011-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Studies in Islamic History and Civilizaion, David Ayalon, BRILL, 1986, p.271; ISBN 965-264-014-X
  40. "Halebidu - Temples of Karnataka". TempleNet.com. Nakuha noong 2006-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "The Marathas". Encyclopædia Britannica, Inc.
  42. http://www.britannica.com/EBchecked/topic/363851/Maratha
  43. J.T.F. Jordens, "Medieval Hindu Devotionalism" in & Basham 1999