Pumunta sa nilalaman

Upanishad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Vedanta)

Ang mga Upanishad ay ilan sa banal na mga aklat ng mga taong Hindu. Bahagi ang mga Upanishad ng isang malaking kalipunan ng mga banal na aklat na tinatawag na mga Veda. Nakalagay ang mga ito sa hulihan ng mga Veda at pangunahing tumatalakay sa kaalaman o karunungan. Dahil dito, may ilang mga baha-bahagi ng mga Veda ang tinatawag silang Jnana-Kanda (nangangahulugan ang Jnana bilang "kaalaman"). At dahil nasa hulihang bahagi sila ng mga Veda, malimit rin silang tinatawag na mga teksto ng Vedanta (veda: ng mga veda, anta: nasa hulihan). Binubuo ng mga Upanishad ang pundasyon o haligi ng pilosopiya ng relihiyong Hinduismo.

Kilalang-kilala ang mga Upanishad sa buong mundo. Nilalarawan nilang dapat na subukin ng taong matuto pa at maunawaan pa ang tungkol sa Diyos.

Hindi kabilang ang mga Upanishad sa isang tiyak na panahon ng panitikang Sanskrito. Ang mga pinakamatatanda, katulad ng Brhadaranyaka Upanishad at Chandogya Upanishad, ay maaaring nagmula pa sa ika-8 daang taon BK, samantalang ang pinakamaaga o "pinakabata" ay nagmula pa sa panahong midyibal o maagang makabagong panahon, ayon sa partikular na Upanishad.

PanitikanHinduismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Hinduismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.