Pilosopiyang Hindu
Ang pilosopiyang Hindu ay ang pilosopiyang ginagamit sa Hinduismo. Ito ay nahahati sa anim na mga paaralan ng kaisipan na āstika (Sanskrito: आस्तिक "ortodoksiya"),[1] o darśanas (दर्शनस्, "mga pananaw"), na tumatanggap sa mga Veda bilang kataastaasang ipinahayag na mga banal na kasulatan. May tatlong iba pang mga paaralang nāstika (नास्तिक "heterodoksiya") na hindi tumatanggap sa mga Veda bilang may kapangyarihan. Ang mga paaralang āstika ay ang mga sumusunod:
- Samkhya, isang mahigpit na dualistang pangteoriyang eksposisyon ng isipan at materya, na tumatanggi sa pag-iral ng Diyos.
- Yoga, isang paaralan na nagbibigay ng diin sa meditasyon na malapit na nakabatay sa Samkhya.
- Nyaya o mga lohika.
- Vaisheshika, isang empirisistang paaralan ng atomismo.
- Mimamsa, isang anti-asetiko at anti-mistisistang paaralan ng ortopraksiya.
- Vedanta, ang lohikal na konklusyon sa ritualismong Vediko, na nakatuon sa mistismo. Ang Vedanta ay naging pangunahing daloy ng Hinduismo noong pagkalipas ng kapanahunang midyibal.
Ang mga paaralang nāstika ay ang mga sumusunod:
Sa kasaysayan ng Hinduismo, ang pagkakaiba-iba ng anim na mga paaralang ortodoksiya ay napapanahon noong nasa "ginintuang panahon" ng Hinduismo ng kapanahunang Gupta. Sa paglaho ng Vaisheshika at Mimamsa, nawala na ito sa panahon (hindi na uso) pagsapit ng Gitnang mga Kapanahunan, nang ang samu't saring mga kabahaging paaralan ng Vedanta (Dvaita "dualismo", Advaita Vedanta "walang dualismo" at iba pa) ay nagsimulang magkamit ng pangingibabaw bilang pangunahing mga kahatian ng pilosopiyang makarelihiyon. Nanatili ang Nyaya hanggang sa ika-17 daantaon bilang Navya Nyaya o "Neo-Nyaya", habang ang Samkhya ay unti-unting nawalan ng katayuan bilang isang nagsasariling paaralan, ang mga uri ng pananalig nito ay sumanib sa Yoga at sa Vedanta.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Para sa pagtalakay ng anim na paaralang ortodoksiya, na may detalye ukol sa pagpapangkat ng mga paaralan, tingnan ang: Radhakrishnan at Moore, "Contents", at ang mga pahinang 453-487.