Asidong asetiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Asetiko)
Asidong asetiko
Skeletal formula of acetic acid
Spacefill model of acetic acid
Skeletal formula of acetic acid with all explicit hydrogens added
Ball and stick model of acetic acid
Sample of acetic acid in a reagent bottle

Mga pangkilala (panturing)

Pagpapaikli AcOH
Bilang ng CAS [64-19-7]
PubChem 176
Bilang ng EC 200-580-7
DrugBank DB03166
KEGG D00010
MeSH Acetic+acid
ChEBI CHEBI:15366
RTECS number AF1225000
Larawang 3D ng Jmol Unang Larawan
Beilstein Reference 506007
Gmelin Reference 1380
3DMet B00009
Mga pag-aaring katangian
Molecular formula C2H4O2
Molar mass 60.05 g mol−1
Ayos Colourless liquid
Odor Pungent/Vinegar-like
Densidad 1.049 g cm−3
Puntong natutunaw

16 °C, 289 K, 61 °F

Puntong kumukulo

118 °C, 391 K, 244 °F

Solubilidad sa tubig Miscible
log P -0.322
Acidity (pKa) 4.76[6]
Basicity (pKb) 9.24 (basicity of acetate ion)
Refractive index (nD) 1.371
Biskosidad 1.22 mPa s
Dipole moment 1.74 D
Termokimika
Std enthalpy of
formation
ΔfHo298
-483.88—483.16 kJ mol−1
Std enthalpy of
combustion
ΔcHo298
-875.50—874.82 kJ mol−1
Standard molar
entropy
So298
158.0 J K−1 mol−1
Specific heat capacity, C 123.1 J K−1 mol−1
Pharmacology
ATC code
Mga panganib
EU classification Corrosive C
NFPA 704
NFPA 704.svg
2
3
0
R-phrases R10, R35
S-phrases (S1/2), S23, S26, S45
Explosive limits 4–16%
U.S. Permissible
exposure limit (PEL)
TWA 10 ppm (25 mg/m3)[7]
LD50 3.31 g kg−1, oral (rat)
 N(ano ba ito?)  (patunayan)
Maliban na lamang kung itinala ang kabaligtaran, ibinigay ang datos para sa mga materyal sa kanilang pamantayang estado (sa 25 °C, 100 kPa)
Infobox references

Ang asidong asetiko o asidong etanoiko (Kastila: ácido acético, ácido etanoico, Aleman: Essigsäure, Ingles: acetic acid, ethanoic acid) ay isang mahalagang sangkap ng suka. Ang asidong asetiko na nasa suka ay isang malabnaw at tila hindi purong solusyon o timplada na may kahalong tubig. Ang asidong ito ay nabubuo mula sa alkohol sa pamamagitan ng gawain ng partikular na bakterya. Ang prosesong ito ay nakikilala bilang permentasyong asetiko.[8]

Mga paggamit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tinatawag na glacial (malamig at nagyelo) na asidong asetiko ay gumaganap bilang "pamaso" (caustic) at maaaring gamitin para sa pagtanggal ng mga kulugo. Inilalapat ito sa kulugo sa pamamagitan ng tubo ng salamin o habang nasa ibabaw ng isang maliit na sipilyo, o kaya sa pamamagitan ng maliit na piraso ng lanang bulak na nakarolyo sa dulo ng isang palito ng posporo. [9] Iniingatan na huwag masagi o tumulo sa nakapaligid na balat ang asidong asetiko sapagkat makapagdurulot ito ng iritasyon at hapdi. Upang maiwasan ito, karaniwang nilalagyan ng vaseline ang balat na nakapalibot sa kulugo. Inilalapat ang asidong asetiko araw-araw. Kapag nagkaroon ng pamumula at kirot, dapat na itigil ang paggamit nito hanggang sa mawala ang mga tanda ng iritasyon, bago muling ipagpatuloy ang paggagamot.[8]

Kapag hindi sinasadyang makainom ang isang tao ng asidong asetiko na glasyal (glacial), ang ginagamit na pangremedyo o antidote na panlaban sa hapding nakasusunog sa bibig, lalamunan, at tiyan ay ang kaagad na pagpapainom ng yeso na hinalo sa tubig. Pagdaka ay susundan ng puti ng itlog, langis ng oliba, o iba pang demulcent ("pampakalma"). Kung minsan, ang asidong asetiko o suka ay iniinom ng mga babaeng nasa kanilang kabataan dahil paniniwalang makakabawas ito ng katabaan. Tumatalab ito kung minsan, subalit kapalit ng pagsasakripisyo ng dihestiyon o panunaw at ng mabuting kalusugan, kung kaya't masasabing mali ang gawaing ito.[8]

Ang sukang pambanyo ay binubuo ng purong asidong asetiko na hinaluan ng mga pabango. Isa o dalawang mga kutsarita ang hinahalo sa tubig kapag naghuhugas, na nakakapagdulot ng epektong astringent o "nakahihilod" ng ibabaw ng balat. Ang malabnaw na asidong asetiko ay 5 bahagdang solusyon ng matapang na asido. Mainam itong panlunas para sa pagkalason dahil sa malalakas na mga alkali, katulad ng caustic potash o soda, sodang panghugas, o matapang na ammonia. Dalawa o tatlong kutsara na nasa kaunting tubig ang ibinibigay. Idinaragdag ito sa malamig o maligamgam na tubig kapag pinupunasan ng bimpo ang isang pasyente upang makapagdulot ng maginhawang pakiramdam, at makatanggal ng init o pangangati. Para sa ganitong layunin, karaniwang hinahalo ang dalawang kutsarita ng malabnaw na asidong asetiko sa isang pinta (pint) ng tubig. Maaaring ipalit sa malabnaw na asidong asetiko ang suka.[8]

Ang asidong asetiko ay ginagamit bilang isang solvent o "panunaw" upang mabuo ang aceta o mga suka, katulad ng suka ng mga halamang squill at ng mga cantharide.[8]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. IUPAC, Commission on Nomenclature of Organic Chemistry (1993). "Table 28(a) Carboxylic acids and related groups. Unsubstituted parent structures". A Guide to IUPAC Nomenclature of Organic Compounds (Recommendations 1993). Blackwell Scientific publications. ISBN 0-632-03488-2. Tinago mula sa orihinal noong 2012-04-25. Nakuha noong 2016-06-29.
  2. "Acetic Acid – PubChem Public Chemical Database". The PubChem Project. USA: National Center for Biotechnology Information.
  3. IUPAC Provisional Recommendations 2004 Chapter P-12.1; page 4
  4. Scientific literature reviews on generally recognised as safe (GRAS) food ingredients. National Technical Information Service. 1974. pa. 1.
  5. "Chemistry", volume 5, Encyclopedia Britannica, 1961, page 374
  6. Ripin, D. H.; Evans, D. A. (4 November 2005). "pKa Table" (PDF). Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 22 July 2015. Nakuha noong 19 July 2015.
  7. NIOSH Pocket Guide to Chemical Hazards 0002
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Acetic acid". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 10.
  9. Ángel Rodríguez-Cardona (2022). Física y Química 1.º Bachillerato. McGraw-Hill Interamericana de España S.L. ISBN 8-448-63141-2.