Relihiyong Proto-Indo-Europeo
Ang Relihiyong Proto-Indo-Europeo ang pinagpapalagay na relihiyon ng mga Proto-Indo-Europeo (PIE) batay sa pag-iral ng mga pagkakatulad sa mga diyos, kasanayang relihiyoso at mitolohiya ng mga taong Indo-Europeo. Ang rekonstruksiyon nito ay batay sa ebidensiyang linggwistiko gamit ang pamamarang komparatibo. Ang ebidensiyang arkeolohikal ay mahirap na magtugma sa anumang spesipikong kultura sa panahon ng maagang kulturang Indo-Europeo sa Chalcolithic.[1] Ang ibang mga pakikitungo sa mitolohiyang Indo-Europeo ay posible na ang pinakilala ang hipotesis na tripunsiyonal ni Georges Dumézil.[2]
Mitolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Punong daigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tila may isang paniniwala sa isang punong daigdigkung saan sa mitolohiyang Germaniko ay isang punong Abo (Norse Yggdrasil; Irminsul), sa Hinduismo ay isang punong banyan, sa Slaviko ay isang punong oak at sa mitolohiyang Celtic ay pungon hazel.
Dragon o Serpiyente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang karaniwang mito na matatagpuan sa halos lahat ng mga mitolohiyang Indo-Europeo ang isang labanan sa pagitan ng diyos at serpiyente ng dagat o halimaw ng dagat na nagwawakas sa pagpaslang ng isang serpiyente o halimaw. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Thor vs. Jörmungandr, Sigurd vs. Fafnir sa mitolohiyang Scandinavian;
- Zeus vs. Typhon, Kronos vs. Ophion, Apollo vs. Python, Heracles vs. the Hydra and Ladon, Perseus vs. Ceto, and Bellerophon vs. t Chimera sa mitolohiyang Griyego;
- Indra vs. Vrtra sa Rigveda;
- Krishna vs. Kāliyā sa Bhagavata;
- Θraētaona, at kalaunang Kərəsāspa, vs. Aži Dahāka sa Zoroastrianismo at mitolohiyang Persa (Persian);
- Perun vs. Veles, Dobrynya Nikitich vs. Zmey sa mitolohiyang Slavic;
- Tarhunt vs. Illuyanka ng mitolohiyang Hitita;
- Beowulf vs. the dragon sa panitikang Anglo-Saxon
May mga katulad na kuwento rin sa ibang mga kapitbahay na mitolohiya: Anu or Marduk vs. Tiamat sa mitolohiyang Mesopotamian; Ra vs. Apep sa mitolihiyang Ehipsiyo; Baal or El vs. Lotan (may pitong ulong halimaw ng dagat) o Yam-Nahar sa Ugarit; Yahweh o Gabriel vs. Leviatan orRahab o Tannin sa mitolohiyang Hudyo. Si Hesus vs. Satanas (sa anyo ng isang serpiyente ng dragong may pitong ulo) Christ vs. Satanas, Saint George at ang Dragon sa mitolohiyang Kristiyano. Ang mito ay sumisimbolo sa isang labanan sa pagitan ng mga pwersa ng kaayusan at kaguluha (na kinakatawan ng serpiyente) at ang diyos o bayani ay palaging nagwawagi (maliban sa ilan gaya ng sa mitong Ragnarök ng mitolohiyang Norse). Ang mga aspetong serpiyente ay matatagpuan sa maraming mga diyos na pantubig gaya nina Poseidon, Oceanus, Triton, Typhon, Ophion, at ang Slavic Veles. Ito ay posibleng tinawag na *kʷr̥mis, o isang pangalang kognato sa *Velnos/Werunos o sa ugat na *Wel/Vel- (VS Varuna, na nauugnay sa serpiyenteng naga, Vala at Vṛtra, Slavic Veles, Baltic velnias), o "serpent" (Hittite Illuyanka, VS Ahis, Iranian azhi, Greek ophis and Ophion, and Latin anguis), or the root *dheubh- (Griyego Typhon atPython).
Araw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nauugnay sa pagpaslang ng serpiyente o dragon ang mito ng "araw sa bato" ng isang bayaning mandirigmang diyos na humahati sa isang bato kung saan ang araw o bukang liwayway ay nakabilanggo. Ang gayong mito ay naingatan sa Rigvedic Vala, kung saan ang Usha at mga baka na ninakaw ni Panis ay binilanggo. Ito ay nauugnay sa ibang mga mito ng pagdukot sa mundong ilalim gaya ng mga mga misteryong Elueusinian na nauugnay kay Persephone, Dionysus at Triptolemus.
Ang mundo bilang isang katawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May isang mito ng paglikha na kinasasangkutan ng mundong ginawa mula sa katawan ng isang higante. Ang mga elemento ng mito ay (1) *Yemós, ang kambal na (2) na pinagputol putol ni (3)*Mánu, na kanyang kapatid na lalake at pagkatapos ang mga bahagi ng katawan ng kambal ay ginamit upang (4) lumikha ng mundo ayon sa spesipikong pormula na "ang mga buto ang mga bato, ang kanyang dugo ang ginawang mga ilog at dagat, etc. Ang bawat entrada ay sinusundan ng isang orihinal na pinagmulan ng mito at pagkatapos ay isang lugar kung saan ito inilimbag. Marami sa mga reperensiya ay mula sa SBE = Sacred Books of the East, ed. ni Max Müller.[3]
Magkapatid na lalake
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagsisiyasat ng iba't ibang mga kuwentong Indo-Europeo ay nagpapakita na ang mga Proto-Indo-Europeo ay naniwalang may dalawang mga ninuno ng sangkatauhan: sina *Manu- ("Man"; Indic Manu; Germanic Mannus) at*Yemo- ("Kambal") na kanyang kambal.
Ibang mga mito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ibang mga mito ay kinabibilangan ng:
Mga Mito ng paglikha
- Ang kapanganakan ng mga kambal na kabayo mula sa butil/inang kabayo
- Si Danu ay pinatay at binuksan upang lumikha ng isang ilog
Mga mitong sikliko
- Ang Tagsibol ay pumatay sa Taglamig
- Ang ulap/mga baka ay ninakaw mula sa diyos-arw ng diyos na hangin at pagkatapos ay pinalaya
- Ang kamatayan at muling kapanganakan ng diyos na namamatay ay nagsasanhi ng mga panahon
- Ang tiyuhing tubig ay tumutunaw sa yelo at nagpapalaya ng tubig na nagsasanhi ng baha
- Paghahanap sa mga ginintuang mansanan ng imortalidad na karaniwan ng isang diyos-hangin.
Mga mitong kultura
- Ang mga kuwento na ang isang tulad ng diyos ay nagtuturo ng mga sining ng kabihasnan (o teknolohiya) sa mga tao na matatagpuan sa lahat ng mga kutlura. Ang mga kulturang mito ng mga Indo-Europeo ay nagsasalaysay kung paanong ang mga kulturang diyos ay nagturo sa mga tao kung paano gumawa ng apoy, ang tamang paraan ng pagpatay ng hayop (handog), mga ritwal na relihiyoso, mga batas kodigo, pagpapanday, paghahabi, pag-aarao at pagpapagaling. Ang mga pigurang nagbibigay kultura (e.g. Prometheus at Loki) ay minsang may pagitang posisyon sa pagitan ng mga diyos at tao (i.e., mga demi-diyos). Ang mga ito ay mga supernatural ngunit kadalasang namamatay o pinahihirapan ng ibang mga diyos para sa kapakinabangan ng mga tao. Gayunpaman, sila ay kadalasang muling binubuhay at sinasambang tulad ng mga regular na diyos o pinapipitaganan bilang mga bayani.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mallory & Adams (1989)
- ↑ Mythe et Épopée I, II, III, by G. Dumézil, Gallimard, 1995.
- ↑ Sacred Books of the East, transl. by various Oriental scholars, series ed. by Max Müller, Clarendon Press, Oxford, 1879–1904.