Thor

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Si Thor at ang kanyang martilyong si Mjolnir, habang nakikipaglaban sa mga dambuhala.

Sa mitolohiyang Nordiko, si Thor - kilala rin bilang Donar - ay ang Diyos ng Kulog. Lalaking anak siya nina Odin at Frigga.[1]

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga katangian ni Thor ang pagkakaroon ng matinding lakas ng katawan. Nagmamay-ari siya ng isang mahiwagang martilyo na palaging bumabalik sa kanyang kamay kapag inihahagis niya. Kapag hinahawakan ni Thor ang mahimalang martilyong ito, palagi siyang nakasuot ng mga guwantes na bakal. Mjolnir ang tawag ni Thor sa martilyong ito.[1]

Nagsusuot rin si Thor ng isang malapad na paha o sinturong panghapit sa puson, na lalong nakapagpapatindi ng kanyang lakas. Mga kalahati pa ang nadaragdag sa lakas niya dahil sa pahang ito.[1]

Malimit na nililisan ni Thor ang kanyang palasyo upang maglakbay sa mundo. Sumasakay siya sa isang karong pandigmang hinihila ng dalawang mga kambing. Batay sa isang salaysay ukol sa kanyang paglalakbay, minsang nagutom si Thor kaya't kinailangan niyang huminto, iluto at kainin ang sariling mga kambing. Sa pagsapit ng kasunod na araw, hinawakan niya ang natirang mga balat ng mga kambing at muling nabuhay ang mga ito. Pagkatapos, nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. si thor ay isang dyos na pinamaNAHAN SYA NG KANYANG AMA NG ISANG MARTILYO

NA ANG TAWAG AY MJORNIR,

ANG ISANG MARTILYO NA MAKAPANG YARIHAN,ISANG ARAW DUMATING ANG DIGMAAN

SI LOKI ANG DYOS NG KASAMAAN, AT ANG KANYANG MGA ANAK AT HALIMAW KASAMA ANG

KANYANG MGA KAWAL,NGUNIT NAPAKALAKAS NI LOKI PERO WALANG

TATALO SA MARTILYO NI THOR, SA SOBRANG LAKAS DUMATING SA DIGMAAN NA SIRA ANG PALASYO AT IBINUWIS NI THOR ANG KANYANG BUHAY PARA MAILIGTAS ANG MJORNIR AT PALASYO PATI ANG MUNDO NG MIDGAR ANG MUNDO NG MGA TAO...NAMATAY SI THOR AT INUTOS NYA SA KANYANG ANAK NA SI MAGNUS NA IHAGIS SA MUNDO NG MGA TA ANG MARTILYO AT MAPUPUNTA ITO SA MABAIT AT KARAPAT RAPAT NA MAG MAMAY ARI NG MJORNIR

NAPUNTA ITO SA TAO NA ,MABAET MATULUNGIN AT MASIPAG ANG KANYANG PANGALAN AY

VICTOR MAGTANGOL...........


ISINULAT NI MARJORIE SABALLA