Ugarit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ugarit
Ugarit is located in Syria
Ugarit
Kinaroroonan sa Syria
KinaroroonanLatakia Governorate, Syria
Klasesettlement
Kasaysayan
Itinatagca. 6000 BCE
Nilisanca. 1190 BCE
KapanahunanNeolitiko– Huling Panahong Tanso
Mga kulturaCanaaneo
KaganapanPagguho ng Panahong Tanso
Pagtatalá
Hinukay noong1928–kasalukuyan
(Mga) ArkeologoClaude F. A. Schaeffer
KondisyonMga giba
Pagmamay-ariPubliko
Public accessOo
Excavated ruins at Ras Shamra

Ang Ugarit (Ugaritic: 𐎜𐎂𐎗𐎚, ʼUgrt; Arabe: أوغاريت‎; Penisyo: אגרית, Ugarit) ay isang sinaunang puertong siyudad sa silanganing Mediterraneo sa lungos ng Ras Shamra[1] ilang 11 kilometro (7 mi) hilaga ng Latakia sa hilagaang Syria malapit sa modernong Burj al-Qasab. Ang Ugarit ay nagpadala ng tribute(kabayaran) sa Sinaunang Ehipto at nagpanatili ng kalakalan at mga ugnayang diplomatiko sa Cyprus(na sa panahong ito ay tinatawag na Alashiya), na nakodumento sa mga arkibo nakuha sa lugar at kinokomprima ng palayukang Mycenaean at Cypriot na natagpuan doon. Ang politiya ay nasa tugatog nito mula ca.1450 BCE hanggang 1200 BCE.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman ang lugar na ito ay pinaniniwalaang mas maagang tinirhan ng mga tao, ang Ugaritong Neolitiko ay sapat nang mahalaga upang pagtibayin ng isang pader sa simula pa, marahil ay noong 6000 BCE. Ang Ugarit ay mahalaga marahil ay dahil ito ay parehong isang puerto at pasukan sa rutang kalakalang loob ng lupain tungo sa mga lupaing Euphrates at Tigris. Ang unang isinulat na ebidensiya na bumabanggit sa siyudad ng Ugarit ay nagmula sa kalapit na siyudad ng Ebla ca. 1800 BCE. Ang Ugarit ay dumaan sa sakop ng impluwensiya ng Ehipto na malalim na nakaimpluwensiya ng sining nito. Ang pinakamaagang pakikipagugnayan ng Ugarit sa Ehipto ay nagmula sa isang carnelian bead na natukoy sa paraon na si Senusret I ng Gitnang Kaharian ng Ehipto noong mga 1971 BCE – 1926 BCE. Ang isang stela at isang maliit na estatwa mula sa paraon ng Ehipto na sina Senusret III at Amenemhet III ay natagpuan rin. Gayunpaman, hindi maliwanag kung saang panahong ang mga monumentong ito ay napunta sa Ugarit. Ang mga liham na Amarna mula sa Ugarit ca. 1350 BCE ay nagtatala ng isang liham na bawat isa ay mula kina Ammittamru I, Niqmaddu II, at sa reyna nito.

Boar rhyton, Mycaenean ceramic imported to Ugarit, 14th–13th century BC (Louvre)

Mula 1600 BCE hanggang 1300 BCE, ang Ugarit ay nanatiling patuloy na nakikipag-ugnayan sa Ehitpo at Alashiya (Cyprus).

Noong 2000 BCE, ang populasyon ng Ugarit ay Amorita, at wikang Ugaritiko ay malamang may direktang pinagmulang Amoritiko.[2] Ang Kaharian ng Ugarit ay maaaring kumontrol ng mga 2,000 km2 sa aberahe.[2]

Sa isang panahon ng kasaysayan nito, ito ay kalapit sa loob ng Imperyong Hittite.

Pagkawasak[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang huling panahong Tanso na hari ng Ugarit na si Ammurapi, (circa 1215 hanggang 1180 BCE) ay kakontemporaryo ng haring Hittite na si Suppiluliuma II. Ang eksaktong mga petsa ng kanyang paghahari ay hindi alam. Gayunpaman, ang isang liham [3] ng hari ay napreserba kung saan binigyan diin ni Ammurapi ang pagiging malala ng krisis na kinakaharap ng maraming mga siyudad ng Sinaunang Malapit na Silangan mula sa pananakop ng mga sumusulong na Mga Taong Dagat sa isang dramatikong tugon mula sa pagsusumamo sa pagtulong mula sa hari ng Alasiya. Binigyan diin ni Ammurapi ang desperadong sitwasyon na kinakaharap ng Ugarit.[4]

Sa kasawiang palad para sa Ugarit, walang tulong ang dumating at ang siyudad ay sinunog sa wakas ng panahong Tanso. Ang mga lebel ng pagkakawasak nito ay naglalaman ng mga ware na Helladic IIIB ngunit walang LH IIIC (see Mycenaean period). Kaya ang petsa ng pagkakawasak ng Ugarit ay mahalaga sa pagpepetsa ng yugtong LH IIIC ng pangunahing lupain ng Gresya. Dahil ang espadang Ehipsiyo na may pangalan ng paraon na si Merneptah ay natagpuan sa mga lebel ng pagkakawasak, ang 1190 BCE ay inuunawa na petsa ng pagsisimula ng LH IIIC. Ang isang tabletang cuneiform na natuklasan noong 1986 ay nagpapakita na ang Ugarit ay nawasak pagkatapos ng kamatayan ni Merneptah (1203 BCE). Inaayunan na ang Ugarit ay nawasak na sa ikawalong taon ni Ramesses III (1178 BCE). Ang kamakailang pagpepetsang radiocarbon ay nagpapakita ng pagkakawasak ng Ugarit sa pagitan ng 1192 BCE at 1190 BCE.[5]

Kung ang Ugarit ay nawasak bago o pagkatapos ng Hattusa na siyudad ng Hittite ay pinadedebatihan ng mga historyan. Ang pagkakawasak ng Ugarit ay sinundan ng isang pamamahinga sa pagtira dito. Ang maraming ibang mga kulturang Mediterraneo ay malalim na magulo sa parehong panahon na maliwanag ay sa pamamagitan ng mga pananakop ng misteryosong mga tao ng dagat.

Mga hari ng Ugarit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wika at relihiyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Alpabeto[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga skriba ng Ugarit ay lumitaw na nagpasimula ng alpabetong Ugaritiko noong mga 1400 BCE. Ang 30 mga leter na tumutugon sa mga tunog ay isinulat sa mga tabletang putik. Bagam ang mga ito ay mukhang cuneiform na nakaukit sa putik sa dulo ng stylus, ang mga ito ay walang kaugnayan sa mga senyas na cuneiform ng Mesopotamia. May debateng umiiral kung ang alpabetong Penisyo o alpabetong Ugaritiko ay nauna. Bagaman ang mga letra ay nagpapakita ng kaunti o walang pormal na pagkakatulad, ang pamantayang pagkakasunod sunod ng letra(na napreserba sa alpabetong Latin bilang A, B, C, D etc) ay nagpapakita ng malakas na mga pagkakatulad sa pagitan ng dalawa na nagmumungkahi na ang mga sistemang Penisyo at Ugaritiko ay hindi buong independiyenteng mga imbensiyon.[6]

Wikang Ugaritiko[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang wikang Ugaritiko ay pinagtutunayan sa mga teksto mula sa 1400 hanggang 1200 BCE. Ang Ugaritiko ay karaniwang inuuri bilang isang Hilagang kanluran na mga Semitikong wika at kaya ay nauugnay sa Hebreo, Aramaiko, Penisyo at iba pa. Ang grammar nito ay mataas na katulad ng nasa Klasikong Arabiko at Akkadian. Ito ay nag-aangkin ng dalawang mga kasarian(panlalake at pambabae), tatlong mga kaso para mga pangngalan, pang-uri(nominatibo, akusatibo at henitibo), tatlong mga bilang(singular, dual at plural) at mga aspetong pandiwa katulad ng matatagpuan sa mga wikang Hilagang kanlurang Semitiko.[7]

Panitikan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maliban sa mga pagtugong panghari sa mga kapitbahay na mga hari ng Panahong Bakal, ang panitikang Ugaritiko mula sa mga tabletang natagpuan sa mga aklatan ng Ugarit ay kinabibilangan ng mga tekstong mitolohikal sa salaysay na pangtula, mga liham at mga dokumentong pang-batas gaya ng mga paglipat ng lupain, ilang mga kasunduang internasyonal, at ilang mga talaang administratibo. Ang mga pragmento ng ilang mga akda ay natukoy: Ang Alamat ni Keret, ang Alamat ni Danel(na tinukoy sa Aklat ni Ezekiel ng Bibliya), ang siklong Baal na nagdedetalye ng mga alitan ni Baal-Hadad sa diyos na si Yam at Mot, at iba pang mga pragmento.[8]

Ang pagkakatuklas ng mga arkibong Ugaritiko noong 1929 ay nagkaroon ng malaking kahalagahan sa skolarship na biblikal dahil ang mga arkibong ito ay nagbigay sa unang pagkakataon ng isang detalyadong deskripsiyon ng mga relihiyong Cananeo sa panahong direktang bago ang pagkakabuo ng Israel noong mga 1200 BCE. Ang mga tekstong ito ay nagpapakita ng malalaking mga pagkakatulad o pagkakatugma sa panitikan ng mga Israelita lalo na sa sakop ng paglalarawan ng diyos at anyong pangtula. Ang mga tulang Ugaritiko ay maraming mga elemento na kalaunang matatagpuan sa mga tula ng Hebreo: mga paralelismo, mga metro, at mga ritmo. Ang mga pagkakatuklas sa panitikang Ugaritiko ay nagtulak sa bagong pagtatasa ng Bibliyang Hebreo bilang isang panitikan.

Relihiyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mahalagang mga pagkakatuklas ng mga teksto mula sa Ras Shamra(Ugarit) ay nagbigay linaw sa buhay kulto ng lungsod na ito.[9]

Ang mga pundasyon ng Ras Shamra, ang siyudad ng Panahong Tanso ay hinati sa mga kwarter. Sa kwarter na hilagang silangan ng napapaderang harang ng mga labi ng tatlong malalaking mga gusali ay nahukay: ang mga templo ni Baal at Dagon at ang aklatan(minsang tinutukoy na bahay ng dakilang saserdote). Sa loob ng mga istrukturang ito sa itaas ng acropolis, ang maraming mga napakahalagang mga tekstong mitolohikal ay natagpuan. Simula mga 1930, ang mga tekstong ito ay nagbukas ng isang inisyal na pagkaunawa sa mga relihiyong Cananeo. Ang siklong Baal ay kumakatawan sa pagwasak ni Baal ni Yam(ang halimaw ng magulong dagat) na nagpapakita ng relasyon ng Cananeong chaoskampf sa mga nasa Mesopotamia at Aegean: Ang mandirigmang diyos ay umaahon bilang bayani ng bagong pantheon upang talunin ang kaguluhan at magdala ng kaayusan.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Ras Shamra", sometimes "Ras Shamrah", Arabic: رأس شمرة, literally means "Cape Fennel"; see [1]
  2. 2.0 2.1 Pardee, Dennis. "Ugaritic", in The Ancient Languages of Syria-Palestine and Arabia (2008) (pp. 5,6). Roger D. Woodard, editor. Cambridge University Press, ISBN 0-521-68498-6, ISBN 978-0-521-68498-9 (262 pages).
  3. Letter RS 18.147
  4. My father, behold, the enemy's ships came (here); my cities(?) were burned, and they did evil things in my country. Does not my father know that all my troops and chariots(?) are in the Land of Hatti, and all my ships are in the Land of Lukka?...Thus, the country is abandoned to itself. May my father know it: the seven ships of the enemy that came here inflicted much damage upon us. Jean Nougaryol et al. (1968) Ugaritica V: 87–90 no.24

  5. *[2] Kaniewski D, Van Campo E, Van Lerberghe K, Boiy T, Vansteenhuyse K, et al., The Sea Peoples, from Cuneiform Tablets to Carbon Dating. PLoS ONE 6(6), 2011
  6. [3] Naka-arkibo 2012-10-08 sa Wayback Machine. Dennis Pardee, "The Ugaritic Alphabetic Cuneiform Writing System in the Context of Other Alphabetic Systems", (in Studies in Ancient Oriental Civilization, vol. 60, pp. 181–200, Oriental Institute, 2007)
  7. Stanislav Segert, A basic Grammar of the Ugaritic Language: with selected texts and glossary (1984) 1997.
  8. Nick Wyatt. Religious texts from Ugarit, (1998) rev. ed 2002.
  9. Gregorio Del Olmo Lete, Canaanite Religion: According to the Liturgical Texts of Ugarit, 2004.