Pumunta sa nilalaman

Lotan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Lotan (Ugaritiko: 𐎍𐎚𐎐-ltn, Lôtān, Litan, Litānu) ay iang alagad ni Yam (diyos] na tinalo ni Baal sa Siklong Baal sa relihiyong Ugaritiko. Siya ay katumbas ng kalaunang halimaw ng dagat na Leviathan sa Tanakh na natalo ni Yahweh at mababasa sa Aklat ni Isaias 27:1, Aklat ng mga Awit 74:13-14, at Aklat ni Job. Ayon kay Lambert, ang Isaias 27:1 ay tuwirang sipi mula sa tekstong Ugarit.