Pumunta sa nilalaman

Leviatan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Leviathan)
"Kamatayan ng Leviatan", inukit ni Gustave Doré, 1865.

Ang leviatan[1] (Ingles: Leviathan; Hebreo: לִוְיָתָן, Moderno: Liwyatan, Tiberiano: Liwyāṯān, "nakapilipit; pinilipit" sa Bibliya) ay isang uri ng malaking ahas o dambuhala na may maraming mga ulo na naninirahan sa karagatan. Sa nobelang Moby-Dick, tumutukoy ito sa mga balyena, maging sa makabagong Hebreo.

Ang Leviathan ay inilarawan sa Job 41:1-34. Sa Awit 74, ang Diyos ay sinasabing "nagputol ng mga ulo ng Leviathan sa mga piraso" bago ibigay ang laman nito sa mga tao ng ilang. Sa Awit 104, ang Diyos ay pinuri sa paggawa ng lahat ng mga bagay kabilang ang Leviathan. Ayon sa Isaias 27:1, "Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang dragon na nasa dagat." Naging singkahulugan na ito ng kahit anong malaking nilalang o halimaw sa dagat.

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga serpente ng dagat ay matatagpuan sa mga mitolohiya ng Sinaunang Malapit na Silangan na pinatutunayan mula pa noong ca. 3000 BCE sa ikonograpiyang Sumerian na nagpapakita sa diyos na si Ninurta na tumalo sa may pitong ulong serpente. Ang mga mas nauna sa Bibliyang halimbawa ng mga serpente ng dagat laban sa isang diyos ang: Baal vs. Yam(Cananeo), Marduk vs. Tiamat(Babylonian) at Atum vs Nehebkau(Ehipsiyo) at iba pa na may mga pagpapatunay noong mga ca. 2000 BCE gaya ng makikita sa mga selyong Syrian.

Ang Lotan ang may pitong ulong serpenteng dagat o dragon ng mga mitolohiyang Ugaritiko. Siya ang alagang hayop ng diyos na si Yam o aspeto ng mismong si Yam. Siya ang katumbas sa Leviathan ng Bibliya. Ang Lotan ay lumalaban kay Baal Hadad na nagkakalat sa kanya. Ayon sa mga skolar, ang Isaias 27:1 ay isang direktang sipi mula sa KTU 5.1.1 at 5.1.28 ng Lotan sa Ugarit.

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Leviatan, Job 40:25, "buwaya", ayon kay Samuel Rolles Driver "isang malaking ahas o dambuhala sa dagat"; si S.R. Driver ay isang Ebreong iskolar sa Bibliya, anak ni Godfrey Rolles Driver, na isa ring dalubhasa sa Bibliya at orientalista". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Biblioyagrapiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa 1901–1906 na Ensiklopedyang Hudyo, na nasa dominyong publiko na ngayon.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]