The Jewish Encyclopedia
Ang The Jewish Encyclopedia: A Descriptive Record of the History, Religion, Literature, and Customs of the Jewish People from the Earliest Times to the Present Day (lit. na 'Ang Ensiklopedyang Hudyo: Isang Naglalarawang Tala ng Kasaysayan, Relihiyon, Panitikan, at mga Kaugalian ng mga Hudyo mula sa Pinakamaagang Panahon hanggang sa Kasalukuyang Panahon') ay isang ensiklopedya na nasa wikang Ingles na naglalaman ng higit sa 15,000 artikulo sa kasaysayan, kalinangan, at estado ng Hudaismo hanggang sa maagang ika-20 dantaon.[1] Ang namamahalang patnugot ng ensiklopedya ay si Isidore Singer at ang lupong pampatnugutan ay pinamumunuan nina Isaac K. Funk at Frank H. Vizetelly.
Ang iskolarsip ng gawa ay lubos na ginagalang pa rin. Tinuturing ito ng American Jewish Archives bilang ang pinakamahalagang Hudyo na gawang siyentipiko sa makabagong panahon,[2] at sinabi ni Guro (Rabbi) Joshua L. Segal na para sa mga kaganapan bago ang 1900, tinuturing ito na nag-aalok ng isang mataas na antas ng iskolarsip sa kahit sa anumang kamakailang mga ensiklopedyang Hudyo na sinulat sa Ingles.[2]
Orihinal na nilathala ito sa 12 bolyum sa pagitan ng 1901 at 1906 ng Funk & Wagnalls ng Nueva York, at muling inimprenta noong dekada 1960 ng KTAV Publishing House. Nasa pampublikong dominyo na ito ngayon.
Pagsisimula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inisip ni Singer ang isang ensiklopedyang Hudyo sa Europa at nagpanukala ng paglikha ng isang Allgemeine Encyklopädia für Geschichte und Wissenschaft des Judenthums noong 1891. Isinapananaw niya ang 12 bolyum, na nilathala sa higit na 10 hanggang 15 taon, sa halagang 50 dolyar bilang isang set. Maglalaman ito ng mga siyentipiko at walang kinikilingang mga artikulo sa sinauna at makabagong kalinangang Hudyo. Nakatanggap ang panukalang ito ng magandang pagsaklaw ng mamamahayag at interes mula sa Brockhaus, isang kompanyang naglalathala. Pagkatapos ng Bahay ng Rothschild sa Paris, kinunsulta si Zadoc Kahn, inalok na suportahan ang proyekto na may walong bahagdan lamang ang pinakamaliit na pondo na hiniling ng Brockaus, inabandona ang proyekto. Kasunod ng affaire Dreyfus at nakakabit na kawalang-kasiyahan, nangibang bansa si Singer at napunta sa Lungsod ng Nueva York.[3]
Naniwala sa simula na ang mga Hudyong Amerikano ay maliit lamang ang magagawa upang pondohan ang kanyang proyekto, bumilib si Singer sa antas ng iskolarsip sa Estados Unidos. Nagsulat siya ng bagong prospektus, na binago ang pamagat ng kanyang binalak na ensiklopedya sa Encyclopedia of the History and Mental Evolution of the Jewish Race. Ang kanyang radikal na ekumenismo at oposisyon sa ortodoksiya ay kinasama ang loob ng kanyang mga Hudyong mambabasa; gayunpaman, naakit niya ang interes ng tagalathala na si Isaac K. Funk, isang ministrong Lutherano na naniniwala sa pagsasama-sama ng Hudaismo at Kristiyanismo. Sumang-ayon si Funk na ilathala ang ensiklopedya sa kondisyon na mananatili itong walang kinikilingan sa mga isyu na tila hindi pabor sa mga Hudyo. Tinanggap ito ni Singer at itinitatag ang isang tanggapan sa Funk & Wagnalls noong Mayo 2, 1898.[4]
Nakagawa ang paglalathala ng prospektus noong 1898 ng malalang pagkontra, kabilang ang akusasyon ng hindi magandang iskolarsip at pagpapasakop sa mga Kristiyano. Sina Kaufmann Kohler at Gotthard Deutsch, na sinulat sa American Hebrew, ay binigyan-diin ang mga kamalian ni Singer, at inakusa ng komersyalismo at irelihiyosidad. Nang nakitang na hindi magtatagumpay ang proyekto sa pamamahala ni Singer, humirang ang Funk & Wagnalls ng lupong pampatnugutan upang pangasiwaan ang paglikha ng ensiklopedya.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The New York Times. 16 Ago. 1902.
- ↑ 2.0 2.1 Marcus 1974.
- ↑ Schwartz 1991, pp. 25–27.
- ↑ Schwartz 1991, pp. 28–31.
- ↑ Schwartz 1991, pp. 33–36.