Pumunta sa nilalaman

Mga Essene

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ikaapat na kweba sa Qumran
Mga natitirang bahagi ng pangunahing gusali sa Qumran.

Ang Mga Essene o Essenes (Sa Moderno Hebreo ngunit hindi sa Sinaunang Hebreo: אִסִּיִים, Isiyim; Greek: Εσσήνοι, Εσσαίοι, or Οσσαίοι; Essēnoi, Essaioi, Ossaioi) ay isang sekta ng Ikalawang Templong Hudaismo na yumabong mula ika-2 siglo BCE hanggang ika-1 siglo BCE at ayon sa ilang mga skolar ay tumiwalag sa mga saserdoteng Zadokeo.[1] Sa pagiging kaunti kesa sa mga Fariseo at Saduceo(ang dalawa pang pangunahing mga sekta ng Hudaismo sa panahong ito), ang mga Essene ay namuhay sa iba't ibang siyudad ngunit nagtitipon sa isang pampamayanang pamumuhay na nakatuon sa asetisismo, boluntaryong kahirapan, mikveh(araw araw na pagbabautismo), at abstinensiya(pag-iwas) sa mga makamundong kalayawan, kabilang(para sa ilang mga pangkat) ang selibasiya(hindi pag-aasawa). Maraming mga magkakahiwalay ngunit magkakaugnay na pangkat relihiyoso sa panahong ito ang nagsasalo ng parehong mga paniniwalang mistiko, eskatolohiyang Hudyo, mesiyaniko at asetiko. Ang mga pangkat na ito ay magkakasamang tinawag ng iba't ibang gma skolar na "Essenes". Ayon sa historyan na Hudyong si Josephus, ang mga Essene ay umiral sa malaking bilang at libo libo ang namuhay sa buong Romanong Judæa.

Ang mga Essene ay nagkamit ng kasikatan sa modernong panahon sanhi ng pagkakatuklas ng pangkat ng mga dokumentong relihiyosong tinatawag na Mga balumbon ng Patay na Dagat(Dead Sea Scrolls) na karaniwang pinaniniwalaan ng mga skolar na aklatan ng mga Essene bagaman walang pruweba sa kasalukuyan na ito ay isinulat ng mga Essene. Ang mga dokumentong ito ay kinabibilangan ng naingatang maraming mga kopya ng Bibliyang Hebreo na Tanakh na hindi nagalaw mula sa simula ng 300 BCE hanggang sa pagkakatuklas ng mga ito noong 1946. Gayunpaman, ang ilang mga skolar ay tumututol sa paniniwalang ang mga Essene ang sumulat ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat.[2] Ang isang kilalang skolar na Israeling si Rachel Elior ay kinukuwestiyon ang pag-iral ng mga Essene.[3][4][5]

Mga sinaunang sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang reperensiya ng mga Essene ang Sinaunang Romanong manunulat na si Pliny ang Matanda(na namatay noong 79 CE) sa kanyang Natural History.[6] Isinalaysay ni Pliny sa ilang mga linya na ang mga Essene ay hindi nag-aasawa, hindi nag-aangkin ng salapi, at umiiral sa libo libong mga henerasyon. Hindi tulad ni Philo na hindi nagbanggit ng anumang partikular na lokasyong heograpikal ng mga Essene kesa sa buong lupain ng Israel, iniligay ni Pliny ang mga ito sa Ein Gedi katabi ng Patay na Dagat. Si Josephus ay nagbigay ng isang detalyadong salaysay ng mga Essene sa The Jewish War (75 CE) na may mas maikling paglalarawan sa Antiquities of the Jews (94 CE) at The Life of Flavius Josephus (97 CE). Sa pag-aangkin ng direktang kaalaman, itinala ni Josephus ang mga Essenoi bilang isa sa tatlong mga sekta ng pilosopiyang Hudyo[7] kasama ng mga Fariseo at Saduceo. Isinalaysay ni Josephus ang parehong impormasyon na nauukol sa kabanalan, selibasiya(hindi pag-aasawa), at kawalan ng sariling pag-aari at salapi, ang paniniwala sa isang pamayanana(komunidad) at pagtutuon sa striktong pagmamasid ng Shabbat. Idinagdag din ni Josephus na ang mga Essene ay ritwal na naglulubog ng kanilang mga sarili sa tubig sa tuwing umaga, sama samang kumakain pagkatapos manalangin, at itinuon ang kanilang mga sarili sa pagtulong sa kapwa(charity), at kabutihan, pagbabawal sa paghahayag ng galit, pag-aaral ng mga aklat at mga nakatatanda, at maingat sa mga pangalan ng mga anghel na iningatan sa kanilang mga kasulatang sagrado. Si Pliny na isang ring heograpo at manlalakbay at tinunton ang mga ito sa disyerto malapit sa hilagang-kanluran ng Patay na Dagat kung saan ang Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay natuklasan noong 1947 ng dalawang pastol ng tribong Ta'amireh na sina Muhammed edh-Dhib at Ahmed Mohammed.[8]

Mga paniniwala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga salaysay nina Josephus at Philo ay nagpapakitang ang mga Essene ay striktong namuhay ng pampamayanang pamumuhay na kadalasang ikinukumpara ng mga skolar sa kalaunang pamumuhay monastiko ng Kristiyanismo. Maraming mga pangkat Essene ang lumilitaw na hindi nag-asawa ngunit si Josephus ay nagsalita rin ng isa pang order ng mga Essene na nagmasid ng pagsasanay ng pakikipagkasundo sa pagaasawa sa loob ng tatlong taon at nagpapakasal.[9] Ayon kay Josephus, ang mga ito ay may kustombreng at mga pagmamasid gaya ng: kolektibong pag-aari,[10][11] paghahalag ng isang pinuno upang pangasiwaan ang mga interes ng pangkat, pagsunod sa mga kautusuan ng kanilang pinuno.[12] Gayundin, ang mga ito ay pinagbababawalan ng pagsumpa(swearing oaths)[13] at paghahandog ng mga hayop.[14] Kinokontrol ng mga ito ang kanilang galit at nagsisilbing mga tawiran ng kapayapaan,[13] nagdadala lamang ng mga armas para sa proteksiyon mula sa mga magnanakaw.[15] Pinili ng mga Essene na hindi mag-angkin ng mga alipin at pinagsisilbihin ng bawat isa ang kanilang mga sarili.[16]. Bilang resulta ng kanilang pag-aari para sa buong pamayanan, ang mga ito ay hindi nakikipagkalakalan.[17] Ang parehong sina Josephus at Philo ay nagbigay ng mahabang mga salaysay ng mga pagtitipong pampamayanan, pagkain at mga pagdiriwang relihiyoso ng mga ito.

Pagkatapos ng isang buong tatlong talong probasyon,[18] ang mga bagong kasapi ay susumpa na kinabibilangan ng pagtutuon sa pagsasanay ng kabanalan tungo sa "ang diyos"(το θειον o the deity) at katwiran tungo sa sangkatuhan, panatilihin ang dalisay na pamumuhay, pag-iwas sa mga gawain immoral at kriminal, ipasa ang mga hindi nalikong patakaran at ingatan ang mga aklat ng Esene at mga pangalan ng mga anghel.[19] Ang kanilang teolohiya o aral ay kinabibilangan ng paniniwala sa imortalidad ng kaluluwa at kanilang pinaniniwalaan na kanilang muling makakamit ang kanilang mga kaluluwa pagkatapos ng kamatayan.[20][21] Bahagi ng kanilang mga gawain ay kinabibilangan ng puripikasyon sa pamamagitan ng mga ritwal sa tubig na sinuportahan ng pagsalo ng tubig ulan at pagtitipon nito.

Dapat tandaan na ang puripikasyong ritwal ay karaniwang pagsasanay sa maraming mga tao sa Palestina o Israel sa panahong ito ay hindi ito spesipiko sa mga Essene sa panahong ito. Ang mga paliguang ritwal ay natagpuan malapit sa maraming mga sinagoga ng panahong ito.[22]

Ang ama ng simbahan na si Epiphanius na sumulat noong ika-4 siglo CE ay tila nagtatangi sa pagitan ng dalawang mga pangkat sa loob ng Essene:[23] "Sa mga dumating bago ang panahon [ni Elxai, na isang propeta] at sa panahong ito, ang mga Osseans at Nazarean".[24] Inilarawan ni Epiphanius ang bawat pangkat bilang sumusunod:

Ang mga Nazareo(The Nazarean) – ang mga ito ay mga Hudyo sa nasyonalidad – na orihinal na mula sa Gileaditis, Bashanitis at Transjordan… Kanilang kinilala si Moises at naniwalang kanilang tinanggap ang mga batas – hindi ang batas na ito, gayunpaman, ngunit ang ilan. At kaya, ang mga ito ay mga Hudyo na iningatan ang lahat ng mga pagmamasid Hudyo ngunit ang mga ito ay hindi naghahandog ng hayop at kumakain ng karne. Kanilang itinuring na hindi matuwid(unlawful) na kumain ng karne o maghandog nito. Kanilang inangkin na ang mga Aklat na ito ay mga piksiyon(hindi totoo) at at wala sa mga kustombreng ito ay itinatag ng mga ama. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga mga Nazarean at iba pa…[25]

Pagkatapos ng sektang Nazareong(Nazarean) ito ay dumating naman ang isang malapit na kaugnay sa mga ito na tinatawag na mga Ossaeans. Ang mga ito ay mga Hudyo tulad ng mga Nazareo na orihinal na nagmula sa Nabataea, Ituraea, Moabitis at Arielis, mga lupain na lagpas sa tinatawag ng sagradong kasulatan na Dagat Alat… Bagaman ito ay iba sa iba pang anim o pitong mga sekta, ito ay nagsasanhi lamang ng schismo(pagkakabaha-bahagi) sa pamamagitan ng pagbabawal ng mga aklat ni Moises gaya ng Nazareo.[24]

Kung tamang tukuyin ang pamayan sa Qumran sa mga Essene(at ang pamayanan sa Qumran ang mga may-akda ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat), kung gayon ayon sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat, ang eskwelang pamayanan ng mga Essene ay tinatawag na "Yahad" (na nanganghulugang "pamayanan") upang itangi ang kanilang mga sarili sa iba pang mga Hudyo na paulit ulit na tinawag na "Mga sumasalangsang sa Tipan".

Talakayan ng mga skolar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang karamihan sa mga skolar ay naniniwalang ang pamayanan sa Qumran na sinasabing lumikha ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay isang supling ng mga Essene. Gayunpaman, ang teoriyang ito ay tinututulan ng ilan mga skolar gaya ni Norman Golb. Ikinatwiran ni Golb na ang pangunahing pagsasaliksik sa mga dokumentong Qumran at mga giba nito(ni Padre Roland de Vaux, mula sa École Biblique et Archéologique de Jérusalem) ay kulang sa pamamarang siyentipiko at nagbigay ng maling mga konklusyon na pumasok sa kanon na akademiko. Para kay Golb, ang halaga ng mga dokumento ay sobrang malawak at kinabibilangan ng maraming mga iba't ibang istilo ng pagsulat at kaligrapiya. Ang mga giba ay tila isang muog(fortress) na ginamit bilang basehang militar sa napakahabang panahon – kabilang sa unang siglo CE – kaya ang mga ito ay hindi maaaring tirhan ng mga Essene. Ang malaking libingan na nahukay noong 1870, na 50 metro silangan lamang ng mga giba ng Qumran ay gawa sa higit sa 1200 mga libingan na kinabibilangan ng maraming mga babae at bata – Maliwanag na isinulat ni Pliny na ang mga Essene na namuhay malapit sa Patay na Dagat "ay walang isang babae, itinakwil ang lahat ng kalayawan...at walang ipinanganak sa kanilang lahi". Ang aklat ni Golb ay nagtanghal ng mga obserbasyon tungkol sa mga murang konklusyon ni Vaux at sa hindi nito tinutulang pagtanggap ng pagkalahatang pamayanang akademiko. Isinaad ni Golb na ang mga dokumentong ito ay malamang nagmula sa ib'at ibang mga aklat sa Herusalem, at itinago sa disyerto mula sa pananakop ng mga Romano sa panahong ito.[26]

Tinutulan ng ilang mga skolar ang argumentong ito partikular na dahil inilarawan ni Josephus ang ilang mga Essene na pumapayag na magpakasal.[27]

Ang isa pang isyu ang relasyon sa pagitan ng Essaioi at ang Therapeutae at Therapeutrides ni Philo. Maaaring ikatwiran na kanyang itinuring ang Therapeutae bilang kontemplatibong sangay ng Essaioi na kanyang sinabing nagpursigi ng aktibong buhay.[28]

Ang isang teoriya ng pormasyon ng mga Essene ay iminungkahing ang kilusang ito ay itinatag ng isang saserdoteng Hudyo na tinatawag ng mga Essene na Guro ng Katwiran(Teacher of Righteousness) na ang posisyon ay inagaw ni Jonathan Maccabaeus(o Macabeo)(ng lahing saserdote ngunit hindi ng lahing Zadokeo) na tinawag na "lalake ng mga kasinungalingan" o "bulaang propeta".[4][5] Ang ibang skolar ay sumusunod sa linyang ito at ang ilan ay nangatwiran ang Guro ng Katwiran ay hindi lang pinuno ng mga Essene sa Qumran ngunit katulad rin ng orihinal na Hesus mga 150 taon bago ang panahon ng pagkakasulat ng mga ebanghelyo.[29]

Ang Saint Thomas Christians ("Nasrani") ng timog kanlurang India ay maaaring may mga koneksiyon sa mga Essene ayon kay Manimekalai, na isa sa dakilang tulang epikong Tamil na tumutukoy sa mga taong tinatawag na "Issani".[30] Ang mataas na presensiya ng DNA na Cohen sa mga kasalukuyang Nazareo(Nazareans) ay karagdagang nagbibigay suporta sa buo o bahaging pinagmulang Essen ng mga Nazareong Malabar. Ang mga Essene ay kadalasang mula sa lahing Levita o Cohen at ito ay karagdagang ipinapaliwanag ng kadalasang mga pag-aangking pang-saserdoteng lahi ng ilang mga pamilyang Nazareo ng India.[31]

Pagkakatulad sa Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilalarawan sa Mga Iskrolyo ng Dagat na Patay ang isang sagradong pagkain ng tinapay at alak sa isang hapunan sa Paskuwa na inihanda ng walang lebadurang tinapay na kakainin sa mga pagwawakas ng mundo kasama ng mesiyas. Ang mga Essene tulad ng mga Kristiyano ay isang pamayanang Komunismo at ang lahat ng kasapi ng pamayanang Essene ay dapat ipamigay ang lahat ng kanilang ari-arian. Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 1:31-35, "At ikaw ay maglilihi sa iyong sinapupunan at magkakaanak ng isang anak na lalake at tatawagin siyang Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging anak ng lalake ng Kataas-taasan...ang Anak ng Diyos". Ang halos parehong pangungusap ay matatagpuan sa Mga iskrolyo ng Dagat Patay, "Siyay tatawaging dakila at siya ay tatawaging Anak ng Diyos at tatawagin nila siyan Anak na Kataas-taasan." (4Q 246)

Ang parehong mga Essene at mga Kristiyano ay dualistiko na naniwala sa isang mundo na may labanan ng mga puwersa ng kabutihan at kasamaan liwanag at kadiliman. Sa mga Iskrolyo ng Dagat na Patay, "Ang lahat ng mga anak ng katwiran ay pinamumunuan ng Prinsipe ng Liwanag ngunit ang mga anak ng kasinungalingan ay pinamumunuan ng Anghel ng Kadiliman at lumalakad sa mga landas ng kadiliman". (Rule of the Community, 3) Kahit ang mga Sermon sa Bundok sa Mateo 5:3-12 at sa Lucas 6:20-23 ay may pagkakatulad sa mga nakasulat sa Iskrolyo ng Dagat na Patay.[32]

Juan Bautista bilang isang Essene

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagkakatuklas ng Dead Sea Scrolls, ang ilang mga pagkakatulad ni Juan Bautista sa pamayanan ng mga Essene(na umiral noong ika-2 siglo BCE hanggang ika-1 siglo CE) ay napansin ng mga iskolar sa paglalarawan dito sa Bagong Tipan. Ang ilang iskolar ay naniniwalang isang kasapi si Juan Bautista ng pamayananang ito dahil ang mga Essene tulad ni Juan Bautista ay mula sa lahing Saserdote, namuhay ng asetiko at naniniwala sa nalalapit na pagwawakas ng mundo at paghihintay sa isang mesiyas na magliligtas sa kanila. Ang mga Essene ay nagsasanay ng Kautusan ni Moises, sabbath, ritwal ng kadalisayan, imortalidad, at kaparusahan sa kasalanan. Gaya ni Juan Bautista, ang mga Essene ay nagsasanay ng pagbabawtismo sa isang inisiasyon upang makasali sa kanilang pamayanan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. F.F. Bruce, Second Thoughts On The Dead Sea Scrolls. Paternoster Press, 1956.
  2. Hillel Newman, Ph.D Bar Ilan University : Proximity to Power and Jewish Sectarian Groups of the Ancient Period Brill ISBN 90-04-14699-7.
  3. Ilani, Ofri (13 Marso 2009). "Scholar: The Essenes, Dead Sea Scroll 'authors,' never existed". Haaretz. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2010. Nakuha noong 17 Marso 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 McGirk, Tim (16 Marso 2009). "Scholar Claims Dead Sea Scrolls 'Authors' Never Existed". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Agosto 2013. Nakuha noong 17 Marso 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Rachel Elior Responds to Her Critics". Jim West. 15 Marso 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2009. Nakuha noong 17 Marso 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[di-maaasahang pinagmulan?]
  6. Historia Naturalis. V, 17 or 29; in other editions V,(15).73; the passage in question: "Ab occidente litora Esseni fugiunt usque qua nocent, gens sola et in toto orbe praeter ceteras mira, sine ulla femina, omni venere abdicata, sine pecunia, socia palmarum. in diem ex aequo convenarum turba renascitur, large frequentantibus quos vita fessos ad mores eorum fortuna fluctibus agit. ita per saeculorum milia — incredibile dictu — gens aeterna est, in qua nemo nascitur. tam fecunda illis aliorum vitae paenitentia est! infra hos Engada oppidum fuit, secundum ab Hierosolymis fertilitate palmetorumque nemoribus, nunc alterum bustum. inde Masada castellum in rupe, et ipsum haut procul Asphaltite. et hactenus Iudaea est.". {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong); External link in |year= (tulong) cf. English translation.
  7. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.119.
  8. Barthélemy, D.; J. T. Milik, Roland de Vaux, G. M. Crowfoot, Harold Plenderleith, George L. Harding (1997) [1955]. "Introductory: The Discovery". Qumran Cave 1. Oxford: Oxford University Press. p. 5. ISBN 0-19-826301-5. Nakuha noong 31 Marso 2009. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. Josephus (75). The Wars of the Jews. book II, chap.8, para.13.
  10. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.122.
  11. Josephus (94). Antiquities of the Jews. 18.20.
  12. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.123, 134.
  13. 13.0 13.1 Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.135.
  14. Philo, §75[kailangang tiyakin]
  15. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.125.
  16. Josephus (94). Antiquities of the Jews. 18.21.
  17. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.127.
  18. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.137–138. Josephus' mention of the three year duration of the Essene probation may be compared with the phased character of the entrance procedure in the Qumran Rule of the Community [1QS; at least two years plus an indeterminate initial catechetical phase, 1QS VI]. The provisional surrender of property required at the beginning of the last year of the novitiate derives from actual social experience of the difficulties of sharing property in a fully communitarian setting, cf. Brian J. Capper, 'The Interpretation of Acts 5.4', Journal for the Study of the New Testament 19 (1983) pp. 117-131; idem, '"In der Hand des Ananias." Erwägungen zu 1QS VI,20 und der urchristlichen Gütergemeinschaft', Revue de Qumran 12(1986) 223-236; Eyal Regev, “Comparing Sectarian Practice and Organization: The Qumran Sect in Light of the Regulations of the Shakers, Hutterites, Mennonites and Amish”, Numen 51 (2004), pp. 146-181.
  19. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.139–142.
  20. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ReferenceB); $2
  21. Josephus (75). The Wars of the Jews. 2.153–158.
  22. Kittle, Gerhardt. Theological Dictionary of the New Testament, Volume 7. pp. 814, note 99.
  23. Lightfoot, Joseph Barber (1875). "On Some Points Connected with the Essenes". St. Paul's epistles to the Colossians and to Philemon: a revised text with introductions, notes, and dissertations. London: Macmillan Publishers. OCLC 6150927. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hunyo 2008. Nakuha noong 17 Marso 2009. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Epiphanius of Salamis (378). Panarion. 1:19.
  25. Epiphanius of Salamis (378). Panarion. 1:18.
  26. Golb, Norman (1996). Who wrote the Dead Sea Scrolls?: the search for the secret of Qumran. New York City: Simon & Schuster. ISBN 0-684-80692-4. OCLC 35047608.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[pahina kailangan]
  27. Josephus, Flavius. Jewish War, Book II. Chapter 8, Paragraph 13.{{cite book}}: CS1 maint: location (link)
  28. Philo. De Vita Contemplativa. I.1.
  29. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Ellegard); $2
  30. Manimekalai, by Merchant Prince Shattan, Gatha 27
  31. Weil, S. (1982)"Symmetry between Christians and Jews in India: The Cananite Christians and Cochin Jews of Kerala. Contributions to Indian Sociology.
  32. https://www.jpost.com/jerusalem-report/the-essenes-and-the-origins-of-christianity-562442