Flavio Josefo
Josephus Ιώσηπος | |
---|---|
Kapanganakan | Yosef ben Matityahu 37 CE |
Kamatayan | c. 100 CE |
Asawa | Captured Jewish woman Alexandrian Jewish woman Greek Jewish woman from Crete |
Anak | Flavius Hyrcanus Flavius Simonides Agrippa Flavius Justus |
Magulang | Matthias Jewish noblewoman |
Si Tito Flavio Josefo (37 CE – c. 100 CE),[2] at tinatawag ring Joseph ben Matityahu (Hebreong biblikal: יוסף בן מתתיהו, Yosef ben Matityahu),[3] ay isang Hudyong-Romano na historyan at hagiograpo noong unang siglo CE. Siya ay ipinanganak sa Herusalem(na sa panahong ito ay bahagi ng Romanong Judea) sa isang ama a may pinagmulang saserdoteng Hudyo at isang inang nag-aangkin ng ninunong maharlika. Sa simula ay lumaban siya sa mga Romano noong Unang Digmaang Hudyo-Romano bilang pinuno ng mga pwersang Hudyo sa Galilea hanggang sa siya ay sumuko noong 67 CE sa mga pwersang Romano na pinamunuan ni Vespasian pagkatapos ng anim na linggong pagsalakay sa Jotapata. Inangkin ni Josephus na ang mga Propesiya ng Bibliya tungkol sa mesiyas na nagpasimula ng Unang Digmaang Romano-Hudyo ay nagbigay reperensiya sa pagiging emperador ng Roma ni Vespasian. Bilang tugon, pinagpasyahan ni Vespasian na panatilihin si Josephus bilang bihag at tagasalin. Pagkatapos na maging emperador ni Vespasian noong 69 CE, kanyang pinagkalooban si Josephus ng kanyang kalayaan na sa panahong ito ay ginamit ni Josephus ang pangalang pampamilya ng emperador na Flavius. Itinala ni Josephus ang kasaysayang Hudyo na may espesyal na pagbibigay diin sa unang siglo CE at ang Unang Digmaang Hudyo-Romano kabilang ang pagsalakay sa Masada ngunit ang kanyang pagtangkilik sa imperyo Romano ay minsang nagsasanhi ritong ilarawan bilang propagandang pro-Romano. Ang kanyang pinakamahahalagang mga akda ay ang Ang Digmaang Hudyo (c. 75 CE) at ang Mga Sinaunang Panahon ng mga Hudyo (c. 94).[4] Ang Ang Digmaang Hudyo ay nagsasalaysay ng paghihimagsik ng mga Hudyo laban sa pananakop ng mga Romano (66–70 CE). Ang Mga Sinaunang Panahon ng mga Hudyo ay nagsasalaysay ng kasaysayan ng daigdig mula sa pananaw na Hudyo para sa mga mambabasang Romano. Ang mga akdang ito ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran sa unang siglong Hudaismo at ang konteksto ng Simulang Kristiyanismo.[4]
Mga akda ni Josephus
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (c. 75 CE) Ang Digmaang Hudyo
- (hindi alam ang petsa) Diskurso ni Josephus sa mga Griyego tungkol sa Hades
- (c. 94 CE) Mga Sinaunang Panahon ng mga Hudyo
- (c. 97 CE) Laban kay Apion: na isang dalawang bolyum na pagtatanggol sa Hudaismo bilang relihiyong klasiko at pilosopiya na nagbibigay diin sa pagiging sinauna nito laban sa kanyang inaangking relatibong mas kamakailang tradisyon ng mga Griyego. Sinagot rin ang ilang mga alegasyong anti-Judean na itinuro ni Josephus kay Apion at mga mito kay Manetho.
- (c. 99 CE) Ang Buhay ni Flavius Josephus
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Plagnieux, P. 'Les sculptures Romanes' Dossiers d'Archéologie (January 2001) p. 15.
- ↑ Louis Feldman, Steve Mason (1999). Flavius Josephus. Brill Academic Publishers.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Josephus refers to himself in his Greek works as Ἰώσηπος :Iōsēpos Matthiou pais (Josephus the son of Matthias). Josephus spoke Aramaic, Hebrew and Greek.
- ↑ 4.0 4.1 Stephen L. Harris, Understanding the Bible, (Palo Alto: Mayfield, 1985).