Pumunta sa nilalaman

Sinaunang Panahon ng mga Hudyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Antiquities of the Jews)
Antigedades ng mga Hudyo
Sinaunang Panahon ng mga Hudyo
manuskritong ika-11 siglo
May-akdaFlavio Josefo
Orihinal na pamagatἸουδαϊκὴ ἀρχαιολογία
TagapagsalinThomas Lodge
William Whiston
Henry St. John Thackeray
Ralph Marcus
BansaImperyong Romano
WikaGriyegong Koine
PaksaKasaysayan ng mga Hudyo
Dyanrahistoryograpiya
Nilathala93 o 94 CE
Nilathala sa Ingles
1602
Uri ng midyamanuskrito
Dewey Decimal
296.093
Klasipikasyon ng Aklatan ng KongresoDS116.J7418
Orihinal na teksto
Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία at Griyego Wikisource
SalinAntigedades ng mga Hudyo
Sinaunang Panahon ng mga Hudyo
at Wikisource
Isang dahon mula sa 1466 manuskrito ngAntiquitates Iudaice, Pambansang Aklatan ng Polonya

Ang Antigedades ng mga Hudyo o Sinaunang Panahon ng mga Hudyo (Ingles:Antiquities of the Jews; Latin: Antiquitates Iudaicae; Griyego: Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία, Ioudaikē archaiologia) ay isang 20 bolyum na akdang historyograpikal na isinulat sa Sinaunang Griyego ng mananalaysay na si Flavio Josefo noong ika-13 taon ng pamumuno ng emperador ng Imperyong Romano na si Flavio Domiciano noong mga 93 o 94 CE.[1] Sinasalaysay nito ang kasaysayan ng mga Hudyo para sa mga patron na hentil ni Josefo. Sa unang sampung bolyum, sinalaysay ni Josefo ang mga pangyayari sa Bibliyang Hebreo mula sa paglikha kina Adan at Eba. Sinasalaysay ng ikalawang bolyum ang kasaysayan ng mga Hudyo hanggang sa Unang Digmaang Hudyo-Romano noong mga 66-73 CE. Nagbibigay ang akdang ito ni Josefo kasama ang isa pang pangunahing akda, ang Digmaang Hudyo (De Bello Iudaico), ng mahalagang materyal para sa mga dalubhasa sa kasaysayan na nais maunawaan ang Hudaismo noong unang siglo CE at panahon ng sinaunang Kristiyanismo.[2]

Isang mahalagang mapagkukunan ang Sinaunang Panahon ng mga Hudyo para sa kasaysayan ng panahong intertestamentaryo at ang digmaan ng mga Hudyo laban sa Roma. Mahahati ito sa 20 bolyum:

Bolyum Mula Hanggang Sakop na mga taon
I Ang Paglikha ayon sa Bibliya Kamatayan ng anak ni Abraham na si Isaac 3,833
II Kasaysayan ng mga anak ni Isaac Exodo ng mga Hudyo mula sa Ehipto 250
III Exodo mula sa Ehipto Unang 2 taon ng 40 taon sa ilang 2
IV Ang natitirang 38 taon sa ilang Kamatayan ni Moises sa padating sa Canaan 38
V Pagpalit ni Josue kay Moises bilang pinuno Kamatayan ng paring si Eli 476
VI Pagkuha ng Kaban ng mga Filisteo Kamatayan ni Haring Saul 32
VII Pag-akyat ni David sa trono ng Kaharian ng Israel Kamatayan ni David 40
VIII Pag-akyat ni Solomon bilang Hari ng Israel Kamatayan ni Haring Ahab sa pakikipaglaban sa hukbong Siria, at ang pagligtas ng hukbo ni Josapat 163
IX Paghahari ni Haring Josapat Pagbasak ng Samaria 157
X Pagkabihag ng Babilonia ng mga Hudyo Si Daniel at pagwasak ng Imperyong Neo-Asiryo 182
XI Simula ng Imperyong Persa ni Dakilang Ciro Kamatayan ni Alejandrong Dakila 253
XII Kamatayan ni Alejandrong Dakila Himagsikang Macabeo at ang kamatayan ni Judas Macabeo 170
XIII Mga pinagmulan ng dinastiyang Asmoneo Kamatayan ni Reyna Alejandra 82
XIV Kamatayan ni Reyna Alejandra Kamatayan ni Antigono Matatias 32
XV Pagkuha ni Herodes ang Dakila ng Jerusalem Pagkumpleto ng templo ni Haring Herodes sa Jerusalem 18
XVI Pagkumpleto ng templo ni Haring Herodes Kamatayan ng mga anak na lalaki ni Herodes 12
XVII Kamatayan ng mga anak na lalaki ni Herodes Pagpapatapon kay Haring Arkeleo 14
XVIII Pagpapatapon kay Haring Arkeleo Pagpapatapon ng mga Hudyo na nakatira sa Babilonia 32
XIX Pagpapatapon ng mga Hudyo na nakatira sa Babilonia Mga Fado, ang mga Romanong prokurador ng Judea 3
XX Panahon ni Emperador Claudio Prokurador ng Judea Floro, na inaaway ang mga Hudyo na nagdulot ng Digmaang Hudyo 22

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Freedman, David Noel, ed., The Anchor Bible Dictionary, (New York: Doubleday, 1997, 1992). (sa Ingles)
  2. Stephen L. Harris, Understanding the Bible, (Palo Alto: Mayfield, 1985). (sa Ingles)