Daniel (ng Bibliya)
Si Daniel (Ebreo: דָּנִיּאֵל, Daniyel; Persa (Persian): دانيال, Dāniyal o داني, Dāni) na ang kahulugan sa wikang Hebreo ay "Si El (diyos) ang aking hukom" ay isang piksiyonal o kathang isip na pigura sa Aklat ni Daniel(isinulat noong ika-2 siglo BCE) na inilalarawan bilang isang isang opisyal ng Babilonya noong ika-6 siglo BCE at ng Persiya ayon sa Bibliya. Tinuturing siyang propeta sa Kristyanismo at binanggit sa Ebanghelyo ni Mateo.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Aklat ni Daniel(isinulat noong ika-2 siglo BCE), noong ikatlong taon ng pamumuno ni Jehoiakim, si Daniel at ang kanyang mga kaibigang sina Hananiah, Mishael, at Azariah ay binihag sa Babilonya ni Haring Nabucodonosor II. Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay pinili dahil sa kanilang katalinuhan at kagandahan upang sanayin sa hukumang Babilonio at binigyan ng mga bagong pangalan. Si Daniel ay binigyan ng pangalang Babilonyo na Belteshazzar (Akkadio: 𒊩𒆪𒈗𒋀, romanisado: Beltu-šar-uṣur, isinulat bilang as NIN9.LUGAL.ŠEŠ) habang ang kanyang mga kaibigan ay binigyan ng mga pangalang Shadrach, Meshach, at Abednego. Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay tumanging kaininin ang mga pagkain at inumin ang alak na ibinigay ng hari ng Babilonya upang hindi madungisan. Sila ay tumanggap ng karunungan mula sa Diyos at nadaig "ang lahat ng mga mahikero at mga enkantador ng kaharian ng Babilonya". Napanigipan ni Nabucodonosor II ang isang malaking rebulto na gawa sa apat na metal at ang mga paa ay mula sa pinaghalong bakal at putik. Tanging si Daniel ang nakapagbigay ng tamang interpretasyon sa panaginip ng hari na kumakatawan sa apat na kaharian at ang una rito ang Babilonya. Ang mga ito ay wawasakin ng Diyos at papalitan ng kanyang kaharian. Muling nakapanaginip si Nabucodonosor II ng isang malaking puno na nagbibigay lilim sa buong mundo at ng isang makalangit na pigurang nag-uutos na wasaking ang punong ito. Muli, si Daniel lamang ang nakapagbigay ng tamang interpretasyon sa panaginip. Nang ang anak ni Nabucodonosor II na si Belshazzhar ayon sa Daniel ay ang hari, Daniel 5:1-2(ito ay mali dahil sa kasaysayan, si Belshazzhar ay anak ni Nabonidus at hindi ni Nabucodonosor II at hindi kailanman naging hari ng Babilonya) ay gumamit ng mga sisidlan mula sa Templo ni Solomon para sa kanyang pista, ang isang kamay ay lumitaw at sumulat ng isang misteryosong tanda sa dingding na "mene, mene, tekel, upharsin" na tanging si Daniel lamang ang tamang nakapagbigay ng interpretasyon. Ang interpretasyon ni Daniel ay ang kaharian ng Babilonya ay ibibigay sa Medes at Imperyong Persiyano. Ayon sa Daniel 5:30-31, ang haring si Belshazzhar ay tinalo ng isang haring Dario ng Medes(hindi umiral sa kasaysayan). Hinirang ni Dario ng Medes si Daniel sa mataas na posisyon. Tinangka ng mga nainggit na kalaban ni Daniel na wasakin siya at inakusahang siya ay sumasamba sa Diyos sa halip na sa hari. Si Daniel ay ipinatapons sa kulungan ng mga leon ngunit niligtas ng isang anghel. Ang kanyang mga kalaban ay pinatay at si Daniel ay naibalik sa posisyon. Si Daniel ay nakakita ng mga pangitan ng apat na kaharian na kumakatawan sa Babilonya, Medes, Persiya at Gresya (Daniel 8) at paglitaw ng isang munting sungay mula sa hari ng hilaga(Daniel 8 at 11) na mag-uusig sa mga Hudyo at maglalagay ng karumaldumal na paglalapastangan at magpapatigil ng mga handog sa Templo ni Solomon sa loob ng isang taon at mga taon at kalahati ng panahon, Daniel 7:25 (tatlo't kalahating taon). Ang haring ito ay kumakatawan sa hari ng hilaga (Imperyong Seleucid na si Antiochus Epiphanes IV na nagpatigil ng mga handog sa Templo ni Solomon, umusig sa mga Hudyo, pinagbawal ang pagsasanay ng Hudaismo at naglagay ng karumaldumal na kalapastanganan(Daniel 9:27,11:31,12:11) o rebulto ni Zeus noong 167 BCE. Dahil dito, ang mga Macabeo ay nag-alsa laban sa Imperyong Seleucid at natalo ito at inaalala sa isang mahalagang pista sa Hudaismo na Hanukah.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aklat ni Daniel (isang panitikang isinulat noong ika-2 siglo BCE na sumasalamin sa pag-uusig ni Antiochus IV Epiphanes sa mga Hudyo
- Danel, isang bayaning ng relihiyong relihiyonng Ugaritiko mula ika-14 siglo BCE at binanggit sa Aklat ni Ezekiel 4:14, 14:20 and 28:3) na isang pigurang tanyag sa kanyang katalinuhan at pagiging matuwid.
- Vaticinium ex eventu