Pumunta sa nilalaman

Belshazzar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Belshazzhar)
Belshazzar
prinsipe sa korona ng Imperyong Neo-Babilonya
Ang Kronika ni Nabonidus na nagsasalaysay sa paghahari ng ama ni Belshazzhar na si Nabonidus
AkkadioBēl-šar-uṣur
Kamatayanipinagpalagay noong 12 Oktubre 539 BCE (?)
Lugar ng kamatayanBabilonya (?)
DinastiyaChaldean dynasty
(pang-ina) (?)
AmaNabonidus
Inaipinagpalagay na si Nitocris (?)
(na anak ni Nabucodonosor II) (?)

Si Belshazzar o Belsasar (Kunepormeng Babilonio:   Bēl-šar-uṣur,[1][2] nangangahullugang "Si Bel, ang tapag-ingat ng hari";[3] Hebreo: בֵּלְשַׁאצַּרBēlšaʾṣṣar) ay anak ni Nabonidus (naghari noong 556–539 BCE na huling hari ng Imperyong Neo-Babilonya). Siya ay nagkarooon ng mahalagang papel sa isang coup d'etat na nagpatalsik sa haring si Labashi-Marduk (r556 BC) at naglagay sa kanyang amag si Nabonidus sa kapangyarihan noong 556 BCE. Ang kanyang amang si Nabonidus ay wala sa Babilonya mula 553 BCE hanggang 543 o 542 BCE sa isang "pagpapatapon sa sarili" sa Tayma sa Arabia sa hindi alam na kadahilanan. Sa isang dekadang wala ang kanyang ama sa Babilinya, siya ang rehente ng Babilonya bilang kapwa hari. Siya ay pinagkatiwalaan ng maraming mga prerogratibong panghari gaya ng pagbibigay pribilehiyo, pangangasiwa sa hukbo at pagtanggap ng mga handog at mga panata bagaman siya ay patuloy na tinukoy bilang prinsipe ng korona(mār šarri o "anak ng hari") ngunit hindi kailanman nagkaroon ng titulong hari (šarru). Wala rin siya kapangyarihan na mangasiwa sa pistang Akitu ng Babilonya na eksklusibong karapatan ng mismong hari ng Babilonya. Hindi alam kung anong kinahinatnan niya. Ang kaharian ng Babilonya ay bumagsak sa haring si Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida noong 539 BCE. Ayon sa Aklat ni Daniel na isinulat noong ika-2 siglo BCE, si Belshazzhar ay anak ni Nabucodonosor II na isang kamalian.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Chavalas 2000, p. 164.
  2. Glassner 2004, p. 232.
  3. Shea 1988, p. 75.