Pumunta sa nilalaman

Ḥanuka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hanukah)
Hanukkah
Opisyal na pangalanHebreo: חֲנֻכָּה‎ or חֲנוּכָּה
Dedikasyon ng Ikalawang Templo sa Herusalem
Ipinagdiriwang ngMga Hudyo
UriHudyo
KahalagahanPagkapanalo ng Mga Macabeo laban sa puwersa ni Antiochus IV Epiphanes. Ang Ikalawang Templo sa Herusalem ay dinalisay. Ang paghahandog sa Templo ay ibinalik. Ang mitsa ng kandila ay milagrosong nagilaw ng 8 araw bagaman ang langis ay sapat lamang para sa isang araw.
Mga pagdiriwangPagsisindi ng mga kandila bawat gabi. Mga pag-awit ng mga awaiting gaya ng Ma'oz Tzur. Pagsambit ng panalanging Hallel. Pagkain ng mga pritong pagkain sa mantika gaya ng latke at sufganiyot. paglalaro ng dreidel at pagbibigay ngbHanukkah gelt
Nagsisimula25 Kislev
Nagtatapos2 Tevet o 3 Tevet
Petsa25 Kislev, 26 Kislev, 27 Kislev, 28 Kislev, 29 Kislev, 30 Kislev, 1 Tevet, 2 Tevet, 3 Tevet
Kaugnay saPurim
Ang Menorah, ang lalagyan ng mga kandila na sinisindihan sa walong araw na pista ng Hanuka
Mga pagkaing pang-Ḥanuka

Ang Ḥanuka , Hanukkah o Chanuka (Ebreo: חנוכה‎, "Pagtatalaga") na kilala rin bilang Pista n mga Ilaw ay isang walong-araw na pista ng mga Hudyo kung kailan ipinagdiriwang at binibigyang-alala ang restorasyon at rededikasyon ng altar ng Ikalawang Templo sa Herusalem noong panahon ng paghihimagsik ng Mga Macabeo at pagkapanalo ng mga Hudyo laban sa dinastiyang Seleucid noong ika-2 siglo BCE . Tinatawag din itong Pestibal ng Dedikasyon. Naganap ang batayan ng kapistahang ito noong 165 BCE, at isinakatuparan ng patriyotang Hudyong si Judas Macabeo. Nagsisimula ang pista sa ika-25 araw ng buwan ng Kislev nang bawat taon.[1]

Ang Kaharian ng Judah ay sinakop at ipinatapon ng Imperyong Neo-Babilonya noong 587/586 BCE. Si Nabonidus ng imperong Neo-Babilonya ay bumagsak kay Dakilang Ciro noong 539 BCE at pinayagan ang Hudyo na bumalik sa Israel at muling itayo ang Templo. Mula 536-532 BCE, ang Israel ay naging probinsiya ng Imperyong Akemenida.Tinalo Dakilang Alejandro ng imperyong Gresya (Macedonia) ang Imperyong Persiya noong Oktubre 1, 331 BCE sa labanan ng Gaugamela at pagkatapos ng kamatayan ni Dakilang Alejandro, ang Imperyong Gresya ay nahati sa 4 na heneral ni Dakilang Alejandro na sina Lysimachus, Cassander, Ptolomeo I Soter at Seleucus I Nicator(Daniel 8:22). Sa simula, ang Israel ay sumailalim sa Kahariang Ptolemaiko at kalaunan ay sa ilalim ng imperyong Seleucid. Sa mga hari ng Seleucid na namuno sa Israel, si Antiochus IV Epiphanes ang nagkamit ng masamang katanyagan dahil sa kanyang paglalapastangan sa templo ng Hudaismo, pagpapatigil ng paghahandog sa Ikalawang Templo sa Herusalem gayundin sa pagbabawal ng relihiyong Hudaismo at pag-uusig at pagpatay sa mga Hudyo. Ang katimugang Levant ay naging helenisado na humantong sa mga tensiyon sa pagitan ng mga relihiyoso at mga Helenisadong Hudyo. Ang alitan ay sumiklab noong 167 BCE sa paghihimagsik ng mga Macabeo laban sa mga hukbo ng Imperyong Seleucid na kanilang napagtagumpayan. Ang mga pangyayaring ito ay mababasa sa Aklat ni Daniel at 1 Macabeo at 2 Macabeo. A

Mga petsa ng pagdiriwang ng Hannukah mula 2019-2026

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sunset, 28 Nobyembre 2021 – nightfall, 6 Disyembre 2021[2]
  • Sunset, 18 Disyembre 2022 – nightfall, 26 Disyembre 2022
  • Sunset, 7 Disyembre 2023 – nightfall, 15 Disyembre 2023
  • Sunset, 25 Disyembre 2024 – nightfall, 2 Enero 2025
  • Sunset, 7 Disyembre 2023 – nightfall, 15 Disyembre 2023
  • Sunset, 18 Disyembre 2022 – nightfall, 26 Disyembre 2022
  • Sunset, 28 Nobyembre 2021 – nightfall, 6 Disyembre 2021
  • Sunset, 10 Disyembre 2020 – nightfall, 18 Disyembre 2020

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stern, Lisë. 2004. How to Keep Kosher. William Morrow: New York.
  2. "Dates for Hanukkah". Hebcal.com by Danny Sadinoff and Michael J. Radwin (CC-BY-3.0). Nakuha noong 2018-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Hudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.