Pumunta sa nilalaman

Midrash

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Midrash (Hebreo: מדרש‎; midrashim kung maramihan, literal na "suriin" o "pag-aralan") ay isang homiletiko o parang homilyang paraan ng eksehesis na pangbibliya. Tumutukoy din ang salita sa buong kalipunan ng mga pagtuturong homiletiko hinggil sa Bibliya. Isa itong paraan ng pag-unawa sa mga kuwentong pangbibliya na lumalampas sa payak na pagdalisay ng mga pagtuturong panrelihiyon, pambatas, at pangmoralidad. Pinupunan nito ang maraming mga kakulangan sa salaysay na pangbibliya tungkol sa mga kaganapan at mga tauhang pinapahiwatig lamang.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [patay na link] Living with contradiction, Haaretz


Hudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.