Talmud
Ang Talmud (Ebreo: תלמוד) ay isang rekord ng mga talakayang rabiniko ukol sa Halakha, etika, mga kostumbre, alamat, at kuwento.
Estruktura[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mishna[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Mishna (Ebreo: משנה) ang Batas Oral na Hudiyo ayon sa pagkarekord ni Rabino Yehuda haNasi noong mga 200 CE.

Gemara[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Gemara (Ebreo: גמרא) ang lipon ng mga komentaryong rabiniko ng mga akademya ng Palestina at Babilonya ukol sa Mishna mula sa pagkasulat nito hanggang noong mga 500 CE.
Ang dalawang talmud[baguhin | baguhin ang wikitext]
Iisa lang ang Mishna ngunit dalawa ang Gemara: ang Gemara ng Jerusalem at ang Gemara ng Babilonya. Sa kasalukuyang panahon, tumutukoy ang mag-isang salitang “talmud” sa Talmud ng Babilonya.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.