Kabbalah
Kabbalah, binabaybay ding Kabbala, Qabbalah o Qabala (Hebreo: קַבָּלָה, literal na "pagtanggap") ay isang disiplina at pag-aalan ng kaisipan na nakatuon sa mistikong aspekto ng Hudaismong Rabiniko. Isa itong pangkat ng mga esoterikong pagtuturo upang ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng walang-hanggan at mahiwagang Manlilikha at ng mortal at may-hangganang sansinukob o uniberso na kanyang nilikha. Habang labis na ginagamit ito sa ilang mga denominasyon, hindi ito isang denominasyon sa loob at ng sarili nito; isa itong pangkat ng mga eskritura o kasulatan na umiiral sa labas ng tradisyunal na Kasulatang Hudyo. Hinahanap ng Kabbalah ang kalikasan ng santinakpan at ng tao, ang kalikasan at layunin ng pag-iral, at sari-sari pang mga katanungang ontolohiko. Inihaharap din nito ang mga paraan upang makatulong sa pag-unawa ng mga konseptong to at ng sa gayon ay makamit ang pagkawaring pang-espiritu. Orihinal na umunlad ang Kabbalah sa loob ng nasasakupan ng kaisipan ng Hudaismo at madalas na gumagamit ng klasikong mapapagkunang panghudyo upang ipaliwanag at ipakita ang mga pagtuturong esoteriko. Kung gayon ang mga pagtuturong ito ay pinanghahawakan ng mga kabalista upang ilarawan ang panloob na kahulugan ng Tanakh (Bibliyang Hebreo) at tradisyunal na panitikang rabiniko, pati na ang pagpapaliwanag ng kahalagahan ng panghudyong Halakha o pagsasagawang pangpananampalataya.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Imbued with Holiness, kabbalaonline.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-12. Nakuha noong 2010-11-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Cabala - Article at Jewishencyclopedia.com
- "What is Kabbalah?" - Article from the Hassidic Chabad-Lubavitch movement at Chabad.org
- Kabbalah and Jewish Mysticism - Kabbalah article at JewFaq.org
- Kabbalah.com - Official site of the Kabbalah Centre
- Kabbalah.info - Official site of Bnei Baruch
- Kabbalaonline.org Naka-arkibo 2007-12-13 sa Wayback Machine. - Orthodox kabbalah reference portal
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.