Kim Won-gyun
Kim Won-gyun | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Enero 1917 |
Kamatayan | 5 Abril 2002 | (edad 85)
Nasyonalidad | Koreano |
Trabaho | Kompositor, politiko |
Panahon | ika-20 dantaon |
Kim Won-gyun | |
Chosŏn'gŭl | 김원균 |
---|---|
Hancha | 金元均 |
Binagong Romanisasyon | Kim Won-gyun |
McCune–Reischauer | Kim Wŏn'gyun |
[1][2][3] |
Si Kim Won-gyun (Koreano: 김원균; 2 Enero 1917 – 5 Abril 2002)[4] ay isang kompositor at politiko na mula sa Hilagang Korea. Tinuturing siyang isa sa mga prominente,[5] kung hindi man pinakabantog,[6] na kompositor sa Hilagang Korea. Nilikha niya ang "Aegukka" — ang pambansang awit ng bansa;— at ang "Song of General Kim Il-sung" ("Awitin ni Heneral Kim Il-sung"), karagdagan pa ang mga operang rebolusyonaryo.[5]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kanyang kabataan, nag-aral si Kim Won-gyun sa isang mataas na paaralan ngunit hindi nakatapos at naabot lamang ang ikatlong baitang.[4] Pagkatapos ng pagpapalaya ng Korea, sinulat niya ang kanyang unang komposisyon: ang "March of Korea" o "Martsa ng Korea."[7] Bago ang karera sa musika, si Kim ay naging "isang magsasaka na nagkataon lamang na sinulat [ang] 'Song of General Kim Il Sung'".[6] Nangyari iyon noong 1946, napakaaga sa panahon ng kulto ng personalidad ni Kim Il-sung; unang gawa ng sining ang awitin na tila binabanggit si Kim Il-sung.[8] Pagkatapos ng tagumpay ng awitin, hiniling na likhain niya ang "Aegukka". Bilang isang musikero, naturuan niya ang saliri noong una subalit pumunta siya sa Moscow upang makapag-aral doon.[9] Sa isang punto, pumasok siya sa isang paaralan ng musika sa Hapon.[5] Noong 1947, nang inangkop na ang "Aegukka" bilang pambansang awit,[10] umaangat ang kanyang katayuan.[6] Kabilang sa ibang mga komposisyon ni Kim ang: "Democratic Youth March" ("Demokratikong Martsa ng Kabataan"), "Our Supreme Commander" ("Ang Ating Kataas-taasang Komandante"), "Glory to the Workers' Party of Korea" ("Kaluwalhatian sa Partido ng mga Manggagawa ng Korea"), "Sunrise on Mt. Paektu" ("Pagsikat ng Araw sa Bundok Paektu"), "Steel-strong Ranks Advance" ("Sumulong ang mga Ranggong Kasing-tibay ng Bakal"), "Song of Great National Unity" ("Awiting ng Dakilang Pambansang Pagkakaisa"),[11] "We Rush Forward in Spirit of Chollima" ("Sumusulong Kami sa Espiritu ng Chollima"), at "Song of Anti-Imperialist Struggle" ("Awitin ng Pakikibaka ng Kontra-Imperyalista").[12]
Krinedito si Kim sa pag-aambag nito sa "paglikha ng 'Sea of Blood' ('Laot ng Dugo') -na mga uri ng operang rebolusyonaryo."[11] Posible na gumawa siya ng operang bersyon ng Sea of Blood at isang simponya na batay sa musika mula sa opera.[13] Krinedito rin siya sa operang Chirisan.[14]
Nagsilbi din si Kim bilang isang kompositor ng Pambansang Teatro ng Sining.[7] Naging pinuno din siya ng Sentral na Komite ng Unyon ng mga Musikerong Koreano noong 1954, at sa kalaunan, naging pangalawang-pangulo at pangulo ng Unyon.[5] Pangulo siya ng Unibersidad ng Musika at Sayaw ng Pyongyang simula noong 1960. Noong 1985, naging pangkalahatang direktor siya ng Pangkat Opera ng Laot ng Dagat (Sea of Blood Opera Troupe).[5][11] Siya ang tagapangulong taga-Hilangang Korea ng Pista ng Musika ng Muling pagsasama-sama noong Setyembre 1990.[5] Tagapangulo din siya ng Pambansang Komite ng Musika ng Korea[15] at pandangal na kasapi ng Pandaigdigang Konseho ng Musika.[16] Bukod sa kanyang mga aktibidad sa musika, diputado din siya sa ikasiyam at ikasampung Kataas-taasang Pagpupulong ng Bayan (Supreme People's Assemblies o SPA).[5] Sa kanyang kamatayan noong 2002, hinawakan niya ang mga puwesto ng diputado ng SPA at tagapayo sa Sentral na Komite ng Unyon ng mga Musikerong Koreano.[17]
Nakatanggap siya ng maraming premyo at karangalan, kabilang ang Bayani ng Paggawa (Labor Hero), Nakameritong Alagad ng Sining (Merited Artist), Alagad ng Sining ng Bayan (People's Artist), tumanggap ng Orden ni Kim Il-sung at nanalo ng isang premyo ni Kim Il-sung.[5][16] Napalitan ang pangalan ng Konserbatoryo ng Pyongyang sa Konserbatoryong Kim Won-gyun noong 27 Hunyo 2006.[5][11]
Namatay si Kim Won-gyun noong 5 Abril 2002 dahil sa pagpalya ng puso. Nagpadala si Kim Jong-il ng korona ng patay sa kanyang kabaong kasunod ng kanyang pagkamatay.[17] Nagbigay pugay si Kim Jong-un kay Kim Won-gyun sa pamamagitan ng pag-organisa ng konsiyerto sa sentenaryo ng kanyang kaarawan noong 2017.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Yonhap News Agency, Seoul (27 Disyembre 2002). North Korea Handbook (sa wikang Ingles). M.E. Sharpe. p. 39. ISBN 978-0-7656-3523-5. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gukka" 국가(國歌). JoongAng Ilbo (sa wikang Koreano). Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ George Ginsburgs (1974). Soviet Works on Korea, 1945-1970: Prepared for the Joint Committee on Korean Studies of the American Council of Learned Societies and the Social Science Research Council (sa wikang Ingles). University of Southern California Press. p. 137. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 내나라 [Kim Won-gyun]. Naenara (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2009. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 5.8 James E. Hoare (13 Hulyo 2012). Historical Dictionary of Democratic People's Republic of Korea (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. p. 224. ISBN 978-0-8108-7987-4. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 Marie Korpe (4 Setyembre 2004). Shoot the Singer!: Music Censorship Today (sa wikang Ingles). Zed Books. p. 220. ISBN 978-1-84277-505-9. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 "Kim Won Gyun, World-famous Composer" (sa wikang Ingles). KCNA. 4 Mayo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Nobiyembre 2019. Nakuha noong 28 Nobiyembre 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|access-date=
at|archive-date=
(tulong) - ↑ Jae-Cheon Lim (24 Marso 2015). Leader Symbols and Personality Cult in North Korea: The Leader State (sa wikang Ingles). Routledge. p. 29. ISBN 978-1-317-56741-7. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Portal, Jane (15 Agosto 2005). Art Under Control in North Korea (sa wikang Ingles). Reaktion Books. pp. 92–93. ISBN 978-1-86189-236-2. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ IBP, Inc. (13 Abril 2015). Korea North Country Study Guide Volume 1 Strategic Information and Developments (sa wikang Ingles). Lulu.com. p. 18. ISBN 978-1-4330-2780-2. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 11.3 "Famous Musician Kim Won Gyun" (sa wikang Ingles). KCNA. 30 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2014. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim Won Gyun concert" (sa wikang Ingles). KCNA. 10 Marso 1997. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2014. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Keith Howard (22 Disyembre 2004). "Dancing for the Eternal President". Sa Annie J. Randall (pat.). Music, Power, and Politics (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 130, 178. ISBN 1-135-94690-6. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korea". The Great Soviet Encyclopedia (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon). The Gale Group. 1970–1979. Nakuha noong 5 Hulyo 2015 – sa pamamagitan ni/ng TheFreeDictionary.com.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yonhap News Agency (2000). Korea Annual (sa wikang Ingles). Yonhap News Agency. p. 284. ISBN 9788974330514. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 "Composer Living along with Conservatory" (sa wikang Ingles). KCNA. 10 Agosto 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2014. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 "Kim Won Gyun passed away" (sa wikang Ingles). KCNA. 6 Abril 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2014. Nakuha noong 5 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kim Sunnam; Kim Won-gyun (1953). "Iskusstvo sluzhit narodu (O razvitii muzykainoi kultury Koreisko Narodno-Demokraticheskoi Respubliki)" [Art Serves the People: On the Musical Culture of the Korean People's Democratic Republic]. Sovetskaya Muzyka (sa wikang Ruso) (3): 109–111.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)