Pumunta sa nilalaman

Laot ng Dugo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sea of Blood)
피바다 (Pibada) Aka: Sea of Blood, Laot ng Dugo , Pool's of Blood at The Masscare
DirektorKim Jong Il Choe Ik-gyo
SumulatKim Il Sung
Sinalaysay niKim Jong Il Choe Ik-gyo
TagapamahagiKorean Film Studio
Inilabas noong
1968 (pelikula)hanggang Ngayon (Dula)
Haba
humigit tatlong oras
BansaHilagang Korea
Wika(Chosongul),Hapones
Laot ng Dugo
Hangul
Binagong RomanisasyonPibada
McCune–ReischauerP‘ibada

Ang Laot ng Dugo (Koreano: 피바다 (Pibada Literal na kahulugan: "Masaker"), Ingles: Sea of Blood ay isang dulang sinulat ni Kim Il-sung, ang unang pinuno ng Hilagang Korea. Ginawa rin itong pelikulang walang kulay na tumatakbo nang tatlong oras, at naging dula sa kim Il Sung Stadium.

Ang dula ay tungkol sa mga nangyaring pagpapaslang sa mga inosenteng mamayanan ng Korea noong ito ay isinakop ng Imperyo ng Hapon (1910-1945), at ang kanilang pag-aaklas laban sa imperyalismo sa tulong ng isang babae.

Sa isang nayon sa Hilagang Korea, may mga taong tahimik na namumuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, nang sila'y salakayin ng mga sundalong Hapones. Sinunog at pinatay ang mga naninirahan doon, at walang tinira sa bawa't madaanan, bata man o babae. Nasakupan ang kanilang nayon, at ang buong Korea, sa kapangyarihan ng Imperyo ng Hapon.

Pinakita rin dito ang kanilang unti-unting pagbangon sa trahedyang nangyari sa kanila, ang kanilang paglaban sa mga mananakop at, sa wakas, ang kanilang pagyakap sa sosyalismo.

Mga Tauhan Karakter
Cho Dong Cheun
Heyong Yun (Kapatid na Yun) Gerilya
Gyong Chol
Pang Chang (Panyang sa Tagalog)
Yun Sop
Gap Son
Chil Dong
Myong Chan
Gap Son
Son at Yun (Magkapatid)
Chonji

Tungkol sa Pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ito ang Ka una-unahang Pelikula na Ginamitan ng Multi-Camera shots o Maraming kamera sa isang eksena sa kasaysayan ng pelikula sa Hilagang Korea, at isa rin sa mahabang pelikula na tumatakbo sa higit-tatlong oras at nakahati ito sa Dalawang Bahagi.
  • Sa Pyongyang, ipinapalabas nang mahigit 3-4 na beses sa isang linggo ang Laot ng Dugo.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]