Hukbong Mapagpalaya ng Bayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hukbong Mapagpalaya ng Bayan
People's Liberation Army (Ingles)
中国人民解放军, Zhongguo Renmin Jiefangjun (Intsik)
China Emblem PLA.svg
Ang sagisag ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng Tsina
Itinatag Agusto 1, 1927
Mga sangay na palingkuran Ground Force Flag of the People's Republic of China.svg Hukbong Lupa ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan
Naval Ensign of the People's Republic of China.svg Hukbong Dagat ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan
Air Force Flag of the People's Republic of China.svg Hukbong Himpapawid ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan

Ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (Ingles: People's Liberation Army, PLA; simpleng Intsik: 中国人民解放军; tradisyunal na Intsik: 中國人民解放軍; pinyin: Zhōngguó Rénmín Jiěfàngjūn) ay ang sandatahang lakas ng bansang Tsina na itinatag noong unang araw ng Agusto, taong 1927, bilang "Hukbong Pula ng mga Manggagawa at Magsasaka ng Tsina" sa pagsimula at kasagsagan ng Pag-aalsa sa Nanchang. Sa kasalukuyan, may apat na sangay ang hukbo: ang Hukbong Lupa, Hukbong Himpapawid, Hukbong Dagat, at ang Second Artillery Corps na siyang nangangasiwa sa mga armas nukleyar ng bansa. May kalakhang lakas na 2,285,000 kawal (0.18% ng populasyon ng bansa), ito ang pinakamalaking sandatahang lakas sa daigdig.

Pinamamahala ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng mga pinuno ng Punong Komisyong Militar ng Partido Komunista ng Tsina.

Itinalaga ang mga kawal ng hukbo sa iba't ibang bahagi ng bansa sa pitong rehiyong militar at mahigit 20 na distrito militar.