Sally Ride

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Sally Ride
Sally Ride in 1984.jpg
Kapanganakan26 Mayo 1951
Kamatayan23 Hulyo 2012
PagkamamamayanEstados Unidos
Alma materStanford University
Hanapbuhaypisiko, astronaut, astropisiko, manunulat, propesor ng unibersidad, children's writer

Si Sally Kristen Ride (26 Mayo 1951 – 23 Hulyo 2012) ay isang Amerikanang pisiko at astronaut. Ipinanganak sa Los Angeles, pumasok siya sa NASA noong 1978 at naging unang Amerikana sa kalawakan noong 1983. Siya ang nanatiling pinabatang Amerikanong astronaut naglakbay sa kalawakan, nagawa niya ito noong siya ay 32 taong gulang.[1][2] Kasunod ng paglipad ng dalawang beses sakay ng Orbiter Challenger, nilisan niya ang NASA noong 1987. Nagtrabaho siya ng dalawang taon sa Center for International Security and Arms Control ng Stanford University, pagkaraan sa University of California, San Diego bilang propesor ng pisika, at nagsasaliksik sa nonlinear optics at Thomson scattering. Naglingkod siya sa mga komite na nagsiyasat sa sakunang kinasangkutan ng space shuttle Challenger at Columbia, ang tanging taong kasama sa dalawa.[3][4]

Notes[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Kennedy Space Center FAQ". NASA/Kennedy Space Center External Relations and Business Development Directorate. Hinango noong July 23, 2012.
  2. "10 fascinating things about Astronaut Sally Ride you must know". news.biharprabha.com. 26 May 2015. Hinango noong 26 May 2015.
  3. Grady, Denise (July 23, 2012). "Obituary: American Woman Who Shattered Space Ceiling". The New York Times. Hinango noong July 27, 2012.
  4. See Rogers Commission Report and Columbia Accident Investigation Board