Metalurhiya
Ang metalurhiya ay sakop ng materyal na agham at inhinyeriya na pinagaaralan ang pisikal at kimikal na ayos ng mga metalikong elemento, ang kanilang intermetalikong kompuwesto at kanilang mga halo, na tinatawag na mga balahak (alloy). Sinasakop ng metalurhiya ang parehong agham at teknolohiya ng mga metal; alalaong baga, ang paraan kung saan nilalapat ang agham sa produksyon ng mga metal, at ang inhinyeriya ng mga sangkap ng metal na ginagamit sa mga produkto para sa parehong mamimili at tagagawa. Naiiba ang metalurhiya mula sa kasanayan ng paggawa ng metal. Umaasa sa metalurhiya ang paggawa ng metal sa isang katulad na paraan kung papaano umaasa ang medisina sa agham pangmedisina para sa teknikal na pagsulong. Tinatawag ang isang espesyalistang nagsasanay ng metalurhiya bilang isang metalurhista o metalurhiko.
Nahahati ang agham ng metalurhiya sa dalawang malawak na kategorya: metalurhiyang kimikal at metalurhiyang pisikal. Pangunahing inaalala sa metalurhiyang kimikal ang pagbawas ng oksidasyon sa mga metal, at ang pangkimikang pagganap ng mga metal. Kabilang sa mga paksang pinag-aaralan sa metalurhiyang kimikal ang pagproseso ng mineral, pagkuha ng mga metal, termodinamika, elektrokimika at ang kimikal na pagsira (korosyon).[1] Sa kaibahan, nakatuon ang metalurhiyang pisikal sa mga mekanikal na katangian ng mga metal, ang pisikal na mga katangian ng mga metal, at ang pisikal na pagganap ng mga metal. Kabilang sa mga paksa na pinag-aaralan sa metalurhiyang pisikal ang kristalograpiya, karakterisasyon ng materyal, metalurhiyang mekanikal, pagbabago sa bawat yugto, at mga mekanismo sa pagkabigo.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Moore, John Jeremy; Boyce, E. A. (1990). Chemical Metallurgy (sa wikang Ingles). doi:10.1016/c2013-0-00969-3. ISBN 9780408053693.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ RAGHAVAN, V (2015). PHYSICAL METALLURGY: PRINCIPLES AND PRACTICE, Third Edition (sa wikang Ingles). PHI Learning. ISBN 978-8120351707.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)