Pumunta sa nilalaman

Absurdismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Absurdism)

Ang Absudismo ay pilosopikal na teorya na ang eksistensya ay absurd. Ipinapahiwatig nito na walang kahulugan ang mundo o ang higher purpose ay hindi nauunawaan ng katwiran. Ang terminong “absurd” ay may espesipikong kahulugan sa konteksto ng Absurdismo. Ito ay tumutukoy sa tunggalian ng dalawang bagay dahil sa kanilang pagkakaiba. Ang mga pagkakaibang ito ay may iba’t ibang kahihinatnan sa kung totoo ba ang absurdismo para sa mga argumentong suportado at salungat dito. Ang mga popular na salaysay nitong tunggalian ay ang tunggalian sa pagitan ng rational man at ng irrational universe, sa pagitan ng intensyon at resulta o sa pagitan ng subhetibong pagsusuri at obhetibong halaga. Ang importanteng aspekto ng absurdismo ay ang hayag nitong ang mundo bilang kabuuan ay absurd. Sa hayag na ito naiiba ang absurdismo mula sa iba pang hindi kontrobersyal na thesis na may partikular na sitwasyon, tao o yugto sa buhay lamang ang absurd.

Ang iba’t-ibang bahagi ng absurd ay tinatalakay sa akademikong panitikan at ang mga magkakaibang teorista ay madalas tumututok sa depinisiyon at pananaliksik sa iba’t-ibang bahagi. Sa praktikal na level, ang tunggalian ng absurd ay ang pagsisikap ng indibidwal para makahanap ng kahulugan sa mundo na walang kahulugan. Ang teotrikal na parte naman