Pumunta sa nilalaman

Aktibong disenyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Active Design)

Ang aktibong disenyo ay pangkat ng mga prinsipyo ng pagplano at paggawa na nagtataguyod ng pisikal na aktibidad. Isinasama sa karaniwang gawain ng mga tao ang pisikal na aktibidad sa aktibong disenyo sa gusali, tanawin o lungsod, katulad ng paglalakad papuntang tindahan o paggawa kopya. Ang aktibong disenyo ay kinabibilangan ng mga tagaplano ng lungsod, mga arkitekto, mga inhinyero, mga propesyonal sa pampublikong kalusugan, mga pinuno ng komunidad at iba pang mga eksperto sa pagtayo ng mga lugar na naghihikayat ng pisikal na gawain bilang mahalagang parte ng buhay. Hindi mang likas na parte ng aktibong disenyo, maraming taga disenyo ng aktibong disenyo ay kinokonsidera din ang kahalagahan ng mismong gusali at epekto nito sa kapaligiran.

May ilang pag-aaral sa epekto ng pagtupad ng konsepto ng aktibong disenyo, at ang pangkalahatang kasunduan nito ay ang pagtaas ng pisikal na aktibidad ng mga nakatira. Ang pagtira sa gusaling may aktibong disenyo ay may pangkalusugang benepisyo para sa mga manggagawa, ngunit iba iba ang naging pananaw ng mga manggagawa ukol sa pagiging produktibo ng bagong paligid ng kanilang ginagalawan. Isang pag-aaral ang nag-ulat tungkol sa pagbaba sa 1.2 oras kada araw para sa pag-upo ng isang manggagawa nang lumipat ito sa gusaling mga aktibong diesnyo. Walang naulat sa pagtaas ng kalidad sa pagganyak para sa trabaho at kahit anong konektado dito pero walang ring negatibong katugunan dito.

Ang konseptong aktibong disenyo ay maaaring gamiting sa pagsasaayos o pag-angkop sa kasalukuyan layunin ng mga nakatayong gusali at mga tanawin. Ang ibang mga elemento, kabilang ang pagpapalawak ng bangketa at tawiran, paglagay ng elementong magpapabagal ng pagpapatakbo ng mga sasakyan sa trapiko, paggawa ng mga hagdang madaling gamitin, lantad sa panigin, kaakit-akit sa paningin at mahusay ang pag-ilaw; paggawa ng mga lugar panglibangan, katulad ng parke, liwasan, at palaruan, na mas madaling marating ng mga tao at siklista. Mas magiging aktibo ang mga tao kapag mas madaling mapuntahan ang mga lugar panlibangan.