Pumunta sa nilalaman

Pakikiapid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Adulteriya)
Paglalantad ng dalawang taong nangalunya sa Hapon (1867).
Dalawang taong inilantad at pinarurusahan sa harap ng madla dahil sa pangangalunya, mula sa Kanlurang Mundo.

Ang pakikiapid o pangangalunya[1] ay ang pagsira sa kasunduan o pagsuway sa pangakong binitawan sa pagkakakasal sa isang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ugnayang seksuwal o pakikipagtalik sa iba pang tao, bukod sa sariling asawa.[2] Isa itong pagtataksil sa tunay at sariling asawa.[3]

Tinataguriang mga adultero (lalaki), adultera (babae), kalunyero (lalaki), at kalunyera (babae) ang mga taong nakikiapid o sumisiping sa ibang taong hindi naman nila legal na asawa, babae man o lalaki. Ang mga kaapid naman taong may-asawa ay tinatawag na mga kaagulo, kalunya[4], kulasisi (babae), kabit, mayang (mula sa wikang Ilokano), "number two" (pariralang Ingles na may diwang "pangalawang babae" o "pangalawang lalaking" pinipilingan), at patiki[3].

Sa Aklat ng Pahayag (nasa Pahayag 17:2) ng Bagong Tipan ng Bibliya, tumutukoy ang salitang pakikiapid bilang pakahulugan para sa "pagsamba sa mga diyus-diyosan", na may kaugnayan sa pagpapasamba sa mga "diyos ng Imperyo" ng Imperyo ng Roma sa kanilang mga nasasakupang mga mamamayan .[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "apid" sa diskyonaryo.ph
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Adultery". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Adultery, nakikiapid; concubine - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Blake, Matthew (2008). "Concubine". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Concubine[patay na link].
  5. Abriol, Jose C. (2000). "pakikiapid". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1808.