Alerhiya sa ilong
Mga grano o mga butil ng bulo magmula sa sari-saring mga karaniwang halaman na nakapagsasanhi ng sipon na kung tawagin sa Ingles ay hay fever o "lagnat-dayami". Pinalaki nang 500×, ~400 µm ang lapad. | |
ICD-10 | J30. |
ICD-9 | 477 |
OMIM | 607154 |
DiseasesDB | 31140 |
MedlinePlus | 000813 |
eMedicine | ent/194 med/104, ped/2560 |
MeSH | D012221 |
Ang alerhiya sa ilong, allergy sa ilong, (Ingles: allergic rhinitis) ay isang kalagayan o kondisyon na dahil sa hindi pagkakabagay o hindi pagkakahiyang ng katawan ng tao sa mga bagay na nasa kapaligiran. Kabilang sa mga bagay na nakapagdurulot ng alerhiya sa ilong ang bulo ng bulaklak na nagmumula sa mga talahib at sa iba pang mga halaman, alikabok, at balahibo ng mga aso at ng mga pusa, bukod sa iba pa. Kapag pumasok sa ilong ang mga bagay na ito, katulad ng dahil sa proseso ng pagsinghot, ang katawan ay naglalabas ng histamina, isang uri ng kimikal.[1]
Mga sintomas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa histamina (histamine), nagkakaroon ang tao ng ganitong mga sintomas: ang pagkakaroon ng sipon sa umaga, labis na sipon at uhog, pangangati ng ilong, at pagbabara ng mga butas ng ilong, sobrang pagbahing.[1]
Mga panlunas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga panggamot ng alerhiya sa ilong ang mga gamot na anti-histamine (panlaban sa histamina), decongestant (pantanggal ng pagbabara ng sipon mula sa ilong), at nasal steroid (para sa malulubhang mga kaso ng alerhiya sa ilong, na pumipigil sa pamamaga ng ilong).[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 ALLERGIC RHINITIS, KALUSUGAN PH