Alexandre Dumas
- Ang anak na lalaki ni Alexandre Dumas ay isa ring manunulat at kapangalan niya. Para sa anak niyang ito, tingnan ang Alexandre Dumas, fils
Alexandre Dumas | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Hulyo 1802[1]
|
Kamatayan | 5 Disyembre 1870[1]
|
Mamamayan | Pransiya[2] |
Trabaho | nobelista, mandudula,[3] manunulat[3] |
Pirma | |
Si Alexandre Dumas (ipinanganak noong 24 Hulyo 1802 sa Villers-Cotterêts bilang Dumas Davy de la Pailleterie - namatay noong 5 Disyembre 1870 sa Dieppe), at tinatawag din bilang Alexandre Dumas, père (nangangahulugang "Alexandre Dumas, na ama o "Alexandre Dumas, Sr." upang maipagkaiba siya sa kaniyang anak na lalaking kapangalan niya) ay isang manunulat na Pranses. Nakikilala siya dahil sa pagsulat ng Ang Tatlong mga Musketero (1844), Reyna Margot, Ang Konde ng Monte Kristo (1844-1845) at Ang Lalaking nasa loob ng Maskarang Bakal.
Si Dumas ay isa ring gourmand (mahilig sa pagkain), at isinulat niya ang Le Grand Dictionnaire de cuisine (Ang Malaking Diksyunaryo ng mga lutuin), na sa katanuyan ay isang ensiklopedya ng pagkain at pagluluto na mayroong 1,152 mga pahina[4]. Natapos niyang isulat ang aklat bago siya mamatay. Iniisip ang aklat bilang napaka hindi maaasahan, sapagkat nakasandig ito sa mga opinyon ni Dumas sa halip na sa katotohanan.[4]
Si Dumas ay naging kasapi sa Club des Hashischins, o Samahan ng Hashish. Ang pangkat na ito ng mga manunulat na Pranses ay nag-eksperimento sa paggamit ng hashish upang makakuha ng mga ideya.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 https://frankfurter-personenlexikon.de/node/6351; hinango: 9 Oktubre 2017.
- ↑ http://espn.go.com/nfl/draft2013/story/_/id/8919475/manti-teo-taking-indefinite-leave-twitter-according-source.
- ↑ 3.0 3.1 https://cs.isabart.org/person/29141; hinango: 1 Abril 2021.
- ↑ 4.0 4.1 Montagne, Prosper. (2003) The Concise Larousse Gastronomique, Octopus Publishing Group -Hamlyn. p. 93. ISBN 0-600-60863-8.
- ↑ "Drug Use from Encyclopedia of Medical Anthropology: Health and Illness in the World's Cultures". credoreference.com. 2011. Nakuha noong 15 Mayo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)