Pumunta sa nilalaman

Aprikanong Amerikano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Amerikanong Itim)

Ang mga Aprikanong Amerikano o Amerikanong Itim ay ang mga mamamayan ng Estados Unidos na may pinagmulan sa mga taong itim ng Aprika.[1] Sa Estados Unidos, ang terminong ito ay kadalasang tumutukoy sa mga Amerikanong na may pinagmanahang Sub-Saharanong Aprikano. Karamihan ng mga African Americans ay ang direktang inapo ng mga hinuling mga Aprikano na nakaligtas sa panahon ng pang-aalipin sa loob ng hangganan ng kasalukuyang Estados Unidos, ngunit ang iba sa kanila ay mula sa mga immigrante mula sa mga bansang Aprikano, Karibeano, Gitnang Amerikano, o Timog Amerikano.[2]

Ang kasaysayang Aprikanong Amerikano ay nagsisimula sa ika-17 siglo sa marahas na pagkaalipin sa mga Amerikong kolonya at sa kasalukuyan sa paghalal ng isang Aprikanong Amerikanong presidente bilang 44 at kasalukuyang Presidente ng Estados Unidos na si Barack Obama. Sa pagitan ng mga pangyayaring iyan ay iba pang mga pangyayari at mga isyu, parehong nalutas at patuloy na namumukhaan ng mga Aprikano-Amerikano. Ang ilan sa mga ito ay: pang-aalipin, rekonstruksiyon, pag-unlad ng mga pamayanang Aprikanong Amerikano, sa ilang mga hidwaan sa laban sa militar ng Estados Unidos, panlahing paghihiwalay o segregasyon, at ang mga Kilusang Pangkarapatang Sibil.

Ang mga Itim na Amerikano ay ang pinakamalaking minorya sa lahi o lipi sa Estados Unidos at ang ikalawang pinakamalaking grupo ng lahi pagkatapos ng mga puti sa Estados Unidos.[3]

Mga sanggunian

  1. McKinnon, Jesse. "The Black Population: 2000 United States Census Bureau" (PDF). United States Census Bureau. Nakuha noong 2007-10-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The size and regional distribution of the black population". Lewis Mumford Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2007-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "United States - QT-P4. Race, Combinations of Two Races, and Not Hispanic or Latino: 2000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 2009-08-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)