Pumunta sa nilalaman

Areola

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang areola sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Ang areola o areole (mula sa Ingles na areole at Kastilang areola; orihinal na nagmula sa Latin na reola na nangangahulugang "maliit na espasyong bukas"; kaugnay ng rea o "bukas na pook"; kaugnay din ng salitang area) ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:[1]

  • Sa biyolohiya: areola, isang maliit na puwang, espasyong, siwang o bitak na nasa loob ng isang lamuymoy (tisyu) o bahagi, katulad ng isang pook na sinasaklawan o binubuo ng mga ugat ng dahon o pakpak ng isang kulisap.
  • Sa botanika: areola, isang maliit, natatangi, at malambot na pook sa isang kaktus na tinutubuan o pinagmumulan ng mga buhok, sungay, sanga, o bulaklak
  • Sa anatomiya ng tao at hayop:
  • areola, isang maliit na bilog na parang singsing na nakapalibot sa gitnang bahagi, katulad ng nasa may utong sa suso ng isang babae.
  • areola ng mata, isang maliit na bahagi ng balangaw o iris ng mata na nakapaligid sa pupilahe (alik-mata, balintataw, inla, ninya, tao-tao) ng mata.
  • Kaugnay at pinagmulan ng salitang areolar (may areola o mukhang areola) at areolasyon (areolation, may mga areola).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Areole, TheFreeDictionary.Com