Aretha Franklin
Aretha Franklin | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Aretha Louise Franklin |
Kapanganakan | 25 Marso 1942 Memphis, Tennessee, U.S. |
Pinagmulan | Detroit, Michigan, U.S. |
Kamatayan | 16 Agosto 2018 Detroit, Michigan, U.S. | (edad 76)
Genre | R&B, soul, jazz, gospel |
Trabaho | Singer |
Instrumento | Vocals, piano |
Taong aktibo | 1956–2017 |
Label | J.V.B., Columbia, Atlantic, Arista, RCA |
Si Aretha Louise Franklin (Marso 25, 1942 – Agosto 16, 2018) ay isang Amerikanong mang-aawit at musikero. Sinimulan ni Franklin ang kanyang karera sa pagkanta ng gospel sa simbahan ng kanyang ama noong siya ay bata pa lamang. Noong 1960 sa edad na 18, siya ay nagsimulang umawit ng mga sekular na kanta at nagrecord para sa Columbia Records na nagkamit ng katamtamang tagumpay. Noong 1967, siya ay lumagda sa Atlantic Records at nagkamit ng tagumpay sa mga kantang gaya ng "Respect", "(You Make Me Feel Like) A Natural Woman" at "Think". Dahil dito, nakamit niya ang pamagat na The Queen of Soul nong mga dekada sisenta.
Si Franklin ay nagrecord ng kabuuang 88 charted single sa Billboard, kabilang ang 77 Hot 100 entry at 20 number one sa R&B singles na gumawa sa kanyang pinakamaraming nasa chart na kanta na mang-aawit na babae sa kasaysayan ng chart. Si Franklin ay nagrecord rin para sa mga album gaya ng I Never Loved a Man the Way I Love You, Lady Soul, Young, Gifted & Black at Amazing Grace bago magkaroon ng problema sa kanyang record company noong mga gitnang sitenta. Pagkatapos barilin ng kanyang ama noong 1979, siya ay umalis sa Atlantic at lumagda sa Arista Records na nakahanap ng tagumpay na may kaunting papel sa pelikulang The Blues Brothers at mga album na Jump to It at Who's Zoomin' Who?.
Si Franklin ay nagwagi ng 18 Grammy Awards at isa sa pinakabumentang babaeng artist sa lahat ng panahon na nakapagbenta ng 75 milyong record sa buong mundo. [1]
sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "That's Dr. Aretha Franklin to you". Call and Post. 2011-11-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-21. Nakuha noong 2014-01-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)