Pumunta sa nilalaman

Artikulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Artikulo (paglilimbag))
Para sa patakaran sa Wikipedia, tingnan Wikipedia:Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo at Wikipedia:Mga napiling artikulo.

Ang artikulo ay isang nilathalang nakasulat na akda sa isang midyum na nakalimbag o elektroniko, para sa pagpapalaganap ng mga balita, mga resulta ng pananaliksik, pagsusuring akademiko o debate.

Ang artikulong balita ay tumatalakay sa kasalukuyan o mga kamakailang balita ng pangkalahatang interes (tulad ng nakikita sa pang-araw-araw na mga pahayagan) o ng isang partikular na paksa (tulad ng mga magasin na pampolitika o pangkalakalan, pahayagang palihan ng isang samahan o mga websayt na may balitang panteknolohiya).

Maaaring magsama ang isang artikulong balita ng salaysay ng mga nakasaksi sa nangyayaring kaganapan. Maaari itong maglaman ng mga larawan, salaysay, estadistika, grap, mga rekoleksyon, panayam, botohan, pagtatalo sa paksa, atbp. Maaaring gamitin ang mga ulo ng balita upang ituon ang atensyon ng mambabasa sa isang partikular (o pangunahing) na bahagi ng artikulo. Maaaring magbigay din ang manunulat ng mga katunayan at detalyadong impormasyon kasunod ng mga sagot sa mga pangkalahatang tanong tulad ng sino, ano, kailan, saan, bakit at paano.

Sa paglalathalang akademiko, ang isang papel ay isang gawang akademiko na kadalasang nilalathala sa isang talaarawan o dyornal na pang-akademiko. Tinatawag na artikulo ang ganitong papel na maituturing balido kung sasailalim sa isang proseso ng pagsusuring kaparis (o peer review) ng isa o higit pa na isang tagahatol (o referee, na mga akademiko sa parehong larangan) na tinitingnan ang isang nilalaman ng papel kung maari itong ilathala sa dyornal. Maaring sumailalim ang papel sa mga serye ng repaso, pagbabago, at muling pagsumite bago matanggap o tanggihan para sa paglalathala sa huli. Tipikal na tumatagal ang prosesong ito ng ilang mga buwan. Kasunod nito, kadalasang may pagkaantala ng maraming buwan (o sa ibang larangan, higit sa isang taon) bago lumitaw ang tinanggap na manuskrito.[1]

Ang mga elektronikong artikulo ay mga artikulo sa mga dyornal o magasin na pang-iskolar na maaaring makuha sa pamamagitan ng transmisyong elektroniko. Ang mga ito ay isang espesyal na anyo ng dokumentong elektroniko, na may espesyal na nilalaman, layunin, pormat, metadata at pagkakaroon – binubuo ang mga ito ng mga indibiduwal na artikulo mula sa mga dyornal o magasin na pang-iskolar (at ngayon ay sikat na mga magasin), mayroon silang layunin na magbigay ng materyal para sa akademikong pananaliksik at pag-aaral, ang mga ito ay nai-pormat nang humigit-kumulang tulad ng mga nakalimbag na artikulong dyornal, ang metadata ay inilalagay sa mga espesyalisadong database, tulad ng Open Access Journal Directory pati na rin ang mga database para sa disiplina, at ang kadalasang magagamit ang mga ito sa pamamagitan ng mga akademikong aklatan at mga espesyal na aklatan, sa isang nakapirming bayad sa pangkalahatan.

Matatagpuan lamang online ang mga elektronikong artikulo na mga dyornal (par excellence), subalit naging karaniwan na rin noong ika-21 dantaon ang mga ito bilang mga online na bersyon ng mga artikulo na lumalabas din sa mga nakalimbag na dyornal. Ang pagsasagawa ng paglalathala ng isang elektronikong bersyon ng isang artikulo bago ito lumabas sa imprenta ay minsang tinatawag na epub ahead of print (partikular sa PubMed ),[2][3] ahead of print (AOP), artikulo in press o article-in-press (AIP), o advanced online publication (AOP) (halimbawa, sa konteksto ng CrossRef).[4] Sa Tagalog, ang ibig sabihin ng mga katawagang ito ay nauna ang bersyong online kaysa imprenta.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Björk, Bo-Christer; Solomon, David (Oktubre 2013). "The publishing delay in scholarly peer-reviewed journals". Journal of Informetrics (sa wikang Ingles). 7 (4): 914–923. doi:10.1016/j.joi.2013.09.001. hdl:10138/157324.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "FAQ: Loansome Doc Article Ordering Service - Epub Ahead of Print" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2010-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Himmelfarb Library Blog: Epub ahead of print… What does this mean??" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Murray, Bruce (2021-06-03). "Version control, corrections, and retractions". www.crossref.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)