Pumunta sa nilalaman

Atomikong orbital

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Atomic orbital)
Ang mga hugis ng unang limang mga atomikong orbital: 1s, 2s, 2px, 2py, at 2pz. Ang mga kulay ay nagpapakita ng yugtong punsiyong alon. Ang mga ito ang grapo ng mga punsiyong ψ(x,y,z) na nakasalalay sa mga koordinado ng isang elektron.

Ang isang atomikong orbital ay isang punsiyong matematikal na naglalarawan ng tulad ng along pag-aasal ng isang elektron o isang pares ng mga elektron sa isang atomo. [1] Ang punsiyong ito ay magagamit upang kwentahin ang probabilidad ng paghanap ng anumang elektron ng isang atomo sa anumang spesipikong rehiyon sa palibot ng atomikong nukleyus. Ang terminong ito ay maaari ring tumutukoy sa rehiyong pisikal kung saan ang elektron ay maaaring makwenta gaya ng inilalarawan ng partikular na anyong matematikal ng orbital. [2] Ang mga atomikong orbital ay tipikal na inuuri ng mga bilang quantum na n, l, at m na tumutugon sa respektibong enerhiya ng elektron, angular na momentum at bahaging bektor ng momentum na angular. Ang bawat orbital ay inilalarawan ng isang magkakaibang hanay ng mga bilang quantum (n, l, at m) at naglalaman ng isang maksimum ng dalawang mga elektron na ang bawat isa ay may sarili nitong bilang quantum na ikot. Ang mga simpleng panglaan na s orbital, p orbital, d orbital at f orbital ay tumutukoy sa mga orbital na may bilang quantum ng angular na momentum na respektibong l = 0, 1, 2 at 3. Ang mga ito ay tumutukoy sa hugis orbital na ginagamit upang tukuyin ang mga konpigurasyon ng elektron. Ang mga ito ay hinango mula sa mga katangian ng mga linyang spektropiko nito: sharp, principal, diffuse, and fundamental, na ang natitira ay ipinangalan sa pagkakasunod alpabetikal(inalis ang  j).[3][4]

Ang mga atomikong orbital ang mga basikong pantayong bloke ng modelong atomikong orbital(na alternatibong kilala bilang ulap ng elektron o modelong along mekanika) na isang modernong balangkas sa pagbibiswalisa ng pag-aasal na mikroskopiko ng mga elektron sa materya. Sa modelong ito, ang ulap ng elektro ng isang atomong maraming elektron ay maaaring makita na gawa (sa aproksimasyon) sa isang konpigurasyon ng elektron na produkto ng mas simpleng tulad ng hidrohenong mga atomikong orbital. Ang paulit ulit na periyodisidad ng mga bloke na mga elementong 2, 6, 10, at 14 sa loob ng talaang peryodiko ay lumnilitaw ng natural mula sa kabuuang bilang ng mga elektron na sumasakop sa isang kumpletong hanay ng mga atomikong orbital na respektibong s, p, d at f.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Orchin, Milton; Macomber, Roger S.; Pinhas, Allan; Wilson, R. Marshall (2005). Atomic Orbital Theory (PDF).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Daintith, J. (2004). Oxford Dictionary of Chemistry. New York: Oxford University Press. ISBN 0-19-860918-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Griffiths, David (1995). Introduction to Quantum Mechanics. Prentice Hall. pp. 190–191. ISBN 0-13-124405-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Levine, Ira (2000). Quantum Chemistry (ika-5 (na) edisyon). Prentice Hall. pp. 144–145. ISBN 0-13-685512-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)