Babuyan
Ang babuyan ay ang lugar kung saan pinapalaki at pinapaanak ang mga domestikong baboy bilang ganado (mga hayop na inaalagaan, kinakatay at ipinabibili), at isa itong sangay ng paghahayupan. Pangunahing inaalagaan ang mga baboy para sa pagkain (e.g. karne ng baboy, tosino, gamon) at balat.
Palasunod ang mga baboy sa maraming iba't ibang istilo ng pag-aalaga: masinsinang komersyal na mga yunit, komersyal na pangangalakal ng di-nakakulong na baboy, o malawak na pag-aalaga (pinapahintulot na gumala-gala sa isang nayon, bayan o lungsod, o nakatali sa isang payak na panirahan o kinukulong sa labas ng bahay ng may-ari). Sa kasaysayan, ipinapanatili ang mga domestikong baboy sa maliit na bilang at malapit na naiuugnay sa tirahan ng may-ari, o sa parehong nayon o bayan.[1] Pinapahalagaan sila bilang isang napagkukunan ng karne at taba, at ang kanilang kakayahang palitan sa karne at pataba ang hindi nakakain na pagkain, at kadalasang pinapakain ng mga tira-tira ng sambahayanan kapag pinapanatili sa bahay sa bukid.[2] Inaalagaan ang mga baboy upang itapon ang mga basura ng munisipyo sa malakihan.[3]
Sa lahat ng mga anyo ng pag-aalaga ng baboy na ginagawa, ang masinsinang pag-aalaga ang pinakapopular, dahil sa potensyal nitong mag-alaga ng malaking bilang ng baboy sa isang matipid na paraan.[4] Sa mauunlad na mga bansa, mayroon ang mga kural ng komersyal na pag-aalaga ng libu-libong baboy sa mga gusaling kinokontrol ang klima.[5] Isang tanyag na uri ng ganado o livestock ang mga baboy, na may higit sa isang bilyong baboy ang kinakatay bawat taon sa buong mundo, na 100 milyon dito ay sa Estados Unidos. Ginagamit ang karamihan sa mga baboy para sa pagkain ng tao subalit nagbibigay din ito ng balat, taba at ibang materyal para gamitin sa pananamit, sangkap sa prinosesong pagkain,[6] pampaganda,[7] at gamot.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Flisser, Ana; Ganaba, Rasmané; Praet, Nicolas; Carabin, Hélène; Millogo, Athanase; Tarnagda, Zékiba; Dorny, Pierre; Hounton, Sennen; Sow, Adama; Nitiéma, Pascal; Cowan, Linda D. (2011). "Factors Associated with the Prevalence of Circulating Antigens to Porcine Cysticercosis in Three Villages of Burkina Faso". PLOS Neglected Tropical Diseases (sa wikang Ingles). 5 (1): e927. doi:10.1371/journal.pntd.0000927. PMC 3014946. PMID 21245913.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lander, Brian; Schneider, Mindi; Brunson, Katherine (2020). "A History of Pigs in China: From Curious Omnivores to Industrial Pork". The Journal of Asian Studies (sa wikang Ingles). 79 (4): 865 - 889. doi:10.1017/S0021911820000054.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Full text of "The collection and disposal of municipal waste"" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Where have all the pig farmers gone" (sa wikang Ingles). ABC Rural. 5 Mayo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Swine Extension - Programs | MU Extension". extension.missouri.edu (sa wikang Ingles).
- ↑ "The Lost Art of Cooking With Lard". Mother Earth News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ingredient: Lard". cosmeticsinfo.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2017. Nakuha noong 6 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Material from pig intestine is remedy for deep sores, incontinence" (sa wikang Ingles). Purdue.edu. Nakuha noong 6 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)