Pumunta sa nilalaman

Pagkabangkarote

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bangkarote)

Ang pagkabangkarote[1][2][3][4] (mula sa wikang Espanyol na bancarrota) ay ang legal na kalagayan ng isang tao o tinatag na negosyo na walang kakayanan pa magbayad sa kanilang mga pinagkakautangan. Sa karamihan ng mga hurisdiksyon, ipinapataw ito sa pamamagitan ng isang utos ng hukuman na madalas na inumpisahan ng may utang.

Ang pagkabangkarote ay hindi lamang ang legal na kalagayan na maaaring mangyari sa isang tao o negosyong nalulugi, kaya hindi magkasingkahulugan ang terminolohiyang pagkabangkarote at kawalan ng pambayad. Sa ilang mga bansa, kabilang ang United Kingdom, ang pagkabangkarote ay limitado sa mga indibiduwal lamang, at ang mga paglilitis ng hukom hinggil sa kawalan ng pambayad (tulad ng pagpuksa at administrasyon ng mga ari-arian) ay inaakma sa mga kumpanya. Sa Estados Unidos, ang pagkabangkarote ay inaakma nang mas malawak sa pormal na paglilitis hinggil sa kawalan ng pambayad.

Nanggaling ang salitang bangkarote sa Italyanong salita na banca rotta, na ibig sabihin ay "sirang bangko". Ang maaaring pinagmulan nito ay ang kasanayan ng tagapagpalit ng pera na sinisira ang pambilang ng pera upang ipahiwatig ang kanyang kawalan ng pambayad. Maaari ding isang tayutay lamang ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Andal, Rudy (2009-08-21). "Pagkabangkarote 'di totoo - Philhealth". Pilipino Star Ngayon. STAR Group of Publications. Nakuha noong 2016-05-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Franche–Borja, Doris (2014-08-11). "Maynila pinarangalan ng NCC". Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong 2016-04-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Batuigas, Bening (2013-11-20). "Mga tinalikuran nina Roxas at Drilon, bumabangon na". Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong 2016-04-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dedace, Sophia (2010-07-26). "From Cory to Gloria: 'First SONAs' of past presidents" (sa wikang Ingles). GMANews.TV. Nakuha noong 2016-04-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)