Sayaw sa mesa
Itsura
(Idinirekta mula sa Bartop dance)
Ang sayaw sa ibabaw ng mesa (Ingles: table dance o bartop dancing) ay pangkaraniwang isang sayaw na erotikong itinatanghal sa (o sa ibabaw) ng isang mesa ng kliyente, hindi sa ibabaw ng isang entablado. Sa ilang mga hurisdiksiyon, ang sayaw na pangmesa ay maaaring kapalit ng isang sayaw sa ibabaw ng kandungan, dahil sa mga batas na pumipigil sa mga eksotikong mananayaw mula sa pagdikit sa mga kostumer. Bilang halimbawa, sa Waterloo, Ontario, Canada, ang sayaw na pangmesa ay isinasagawa sa ibabaw ng isang maliit na mesang nadadala o nabibitbit kahit saan, partikular na sa lugar ng mga kinaroroonan ng mga mesa ng mga parokyano.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Terry Pender (12 Pebrero 2008). "Table dancing here to stay". The Record (Rehiyon ng Waterloo). Nakuha noong 2008-02-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
May kaugnay na midya tungkol sa Sayaw sa mesa ang Wikimedia Commons.