Pumunta sa nilalaman

Batgirl

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Batgirl ay ang pangalan ng ilang mga kathang-isip na mga superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics, na isinasalarawan bilang babaeng katapat para sa superhero na si Batman. Bagaman ang karakter na Betty Kane ay ipinakilala sa publikasyon noong 1961 nina Bill Finger at Sheldon Moldoff bilang Bat-Girl, pinalitan siya ni Barbara Gordon noong 1967, na sa kalaunan nakilala bilang ang tanyag na Batgirl. Unang lumabas ang karakter sa Detective Comics #359 (Enero 1967) sa panulat ni Gardner Fox at guhit ni Carmine Infantino, ipinakilala siya bilang ang anak ng komisyuner ng pulis na si James Gordon.

Kasaysayan ng paglalathala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng mga pag-akusa ng homoerotikong subteksto sa depiksyon ng ugnayan sa pagitan nina Batman at Robin na isinalarawan sa aklat ni Fredric Wertham na Seduction of the Innocent (1954), isang babaeng karakter, si Kathy Kane ang Batwoman, ang lumabas noong 1956 bilang katambal sa pag-ibig ni Batman.[1] Noong 1961, ipinakilala ng DC Comics ang ikalawang babaeng karakter na katambal sa pag-ibig ni Robin.[1] Dumating si Betty Kane bilang "Bat-Girl" bilang ang pamangkin ng at parang-Robin na sidekick ni Batwoman, na unang lumabas sa Batman #139 (Abril 1961).[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Daniels 2004, p. 93.
  2. Bill Finger (w), Sheldon Moldoff (p), Charles Paris (i). "Bat-Girl!" Batman 139 (April 1961), DC Comics