Pumunta sa nilalaman

Bet

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bet (letter))
Bet
Bet
ב
Bet
ܒ
ب



Pagkakatawan sa ponemab, v
Puwesto sa alpabeto2
Halaga sa bilang2
Mga alpabetong hango sa Penisyo
Β B В, Б




Ang bet, beth, beh, o vet ay ang ikalawang titik ng mga Semitikong abyad, kabilang dito ang Penisyong Bēt , Ebreong Bēt ב, Arameong Bēth , Siriakong Bēṯ ܒ, at Arabeng Bāʾ ب. Ang tunog nito ay matunog na panlabing plosibo (voiced bilabial stop) ⟨b⟩ o matunog na panlabing pasutsot (voiced labiodental fricative) ⟨v⟩.

Ang pangalan ng titik ay nangangahulugang "bahay" sa mga iba't ibang wikang Semitiko (Arabeng bayt, Akkadianong bītu, bētu, Ebreong bayiṯ, Penisyong bt atnp.; lahat mula sa Proto-Semitikong *bayt-), at waring mula sa heroglipikong Ehipsyo ng bahay sa pamamagitan ng akroponyo.

O1


Ang Penisyong titik ay umakay sa, bukod sa iba pa, Beta ng Griyego, B ng Latin, at Б, В ng Siriliko.